Chapter 8

1290 Words
Ang Nawawalang Tagapagmana Chapter 8 Walang patid ang iyak ni Nancy ng marinig nito ang sagot ni Martina, bigla niya itong niyakap ng mahigpit at pinogpog ng halik sa noo. "I-ikaw nga ang anak ko, oh Nadine ko anak kay tagal kong hinintay ang sandaling makasama kita at mayakap ng matagal". Ani Nancy Naiyak narin si Martina dahil sa wakas natagpuan na nito ang kanyang tunay na ina. Niyakap niya pabalik ang ginang at kapwa na sila nag iyakang dalawa. Habang ang doctor naman na nasa pinto ay halos maiyak narin sa mga nakikitang eksena nilang dalawa. Kahit saan naman daw anggulong tingnan ay May hawig naman ang dalawa. Hindi lang ata nila mahalata iyon, pero siya bilang doctor ay nahalata niya una palang. "May gusto lang po akong sabihin sa inyo, si Isabel at Issay po mag-ina po sila". Sabi ni Martina "Paano mo nasabi?" Takang tanong ni Nancy . "Narinig ko po silang nag-uusap sa garden kagabi, para malaman nyo po tingnan nyo ang cctv mula Nong dumating kami sa bahay nyo, pati ang kilos po nila tingnan nyo po". Ani Martina Nahiwagaan si Nancy sa mga sinabi ng anak, kaya tiningnan nito ang cctv na Naka connect lang sa kanyang celphone. Halos maibagsak ni Nancy ang kanyang celphone ng mapanuod niya lahat ang kuha ng cctv, fast forward lang naman ang ginawa niya, nag pinaka importanteng napanuod niya ay kong paano pumasok ang Issay na iyon sa opisina niya, kong saan naroon ang mga result. Kitang-kita doon kong paano niya pinagpalit ang pangalan nila Isabel at Martina. Sa isa pang kuha nag uusap sila ni Martina sa garden ng gabing iyon, kita na nasa likuran lang ang dalawa at tila May pinag-uusapan ng seryoso. At hanggang sa lumapit na nga si Isabel sa kanya at sinabi ang tungkol sa kanyang paglaki sa bahay ampunan, aminin niya o hindi nadala din naman siya sa kwento ng Isabel na iyon. Pangatlo ang pinaka hindi nagustohan Nancy, dumating ang result ng DNA test, babasahin na sana niya iyon ng bigla nalang nawalan ng malay si Martina, dahilan para maudlot ang naturang pagbasa sa result. Binitiwan ni Nancy ang envelope at dali-daling sumunod sa doctor para dalhin sa kwarto si Martina, naiwan ang dalawa sa sala habang nanatiling nakaupo sa sofa. Pinalakas pa ni Nancy ang volume ng cp nya para marinig ang usapan ng dalawa. Doon niya nakumpirma na mag-ina nga ang dalawa ay pera lang ang habol nila kong bakit sila narito. "Anong ginawa ko? Bakit ako nagpapasok sa bahay ko ng mga masasamang tao". Ani Nancy na May pagsisisi sa kanyang sarili "Okey kanaba Martina? Uuwi na tayo sa bahay, kailangan ko silang mapalayas sa lalong madaling panahon"! Galit na sambit ng ginang "Mommy, wag ka muna mahalata na Alam mo na, basta sabihin ko sa byahe para di rin sila mabibigla". Ani Martina "Sige anak, diyan ka lang puntahan ko lang ang doctor mo para makapag paalam na tayo sa kanya". Anito "No need I'm here na, kanina pa ako dito hehe". Anang doctor na parang bata sa gilid ng pinto "S-sorry doc nakalimutan kong May itatanong kapa pala sa anak ko".ani Nancy "Okey lang ma'am, pwede siguro na balik nalang kayo bukas para makapag relax pa siya, baka lalo siya nabigla sa sasabihin ko. Ingatan mo nalang ang anak mo". Anito "Paano mo__ "Naku ma'am kahit di mo sabihin na mag-ina kayo, halata naman po kasi magkamukha kayo".anang doctor Doon lang tiningnan ni Nancy ang anak, tama nga ang doctor dahil kamukha nga nito ang anak lalo na mong dalaga pa siya. "Bukas balik kayo sa akin ha, or pwede din na next week na. Kontakin ko kayo maari ba?" Anang doctor "Salamat doctor." Pagkasabi ni Nancy non ay inaya na nito ang anak na umalis na. Bago iyon ay binigay na muna nito ang kontak number sa doctor. Pagkaalis ng dalawa ay siya namang pagsulpot ng anak ni Doctora, isa din siyang doctor si Mathew Arnaiz. "Swerte mo naman mommy doc, May maganda kang pasyente". Anito paglapit niya sa ina. "Hay naku Mathew tumigil ka riyan, wag mo ng subukan kasi wala kanang pag-asa don, May asawa at buntis siya". Anang mommy niya "Edi agawin".aniya Sa sinabi niya ay binatukan siya ng Ina nito. "Ouch my naman di na mabiro". Aniya "Wag ako anak Alam ko ang biro at totoo sa sinasabi mo, alam kong May gusto ka kaagad sa pasyente ko, kanina pa kita nakikita na nagtatago diyan sa likod ng pinto, halos pumuso na nga yang mata mo nakatitig sa kanya eh". Anang mommy niya "Oo naaa, pero seryoso my? May asawa na siya?" Tanong ni Mathew na May panghihinayang "Oo". Anang mommy niya "Sayang naman ang bata pa naman niya, hays kung kelan balak Ko na sana magseryoso saka naman di pwede hays". Malungkot na saad ni Mathew sa ina Kilala ni doctora Arnaiz ang anak, alam niyang seryoso ito sa sinabi niya. "Kaso hiwalay daw sila ng asawa niya". Dugtong pa ni doctora Arnaiz "Talaga? Yes! May pag-asa".anito napasunod pa ito sa hangin dahil sa excitement Hay naku anak, wag ka nga padalos-dalos diyan alalahanin mo sinabi ko sayo na buntis siya, di ko pa sure kong ilang weeks na iyon, pero tantiya ko nasa 1buwan mahigit na iyon. Hindi pa kasi nasabi ang huling dalaw niya." Sambit ng mommy niya "Mommy favor". Nakapout na sabi ng anak "Naku Mathew tigil-tigilan mo ako alam ko na ang ganyang mukha mo, May hihilingin ka nanaman"! Kunwaring naiinis na siya sa anak "Ako na hahawak sa kanya, same lang naman tayo ng department saka isa pa same lang naman ginagawa natin hehe. OB-Gyne din naman ako walang pinagkaiba don. Basta ako na mag-aalaga sa kanya ha mommy plss". Pakiusap ni Mathew "Hays oo na, May magagawa ba ako". Pagsuko ng ina. Inakbayan ni Mathew ang ina at sabay na silang tumungo sa kanilang mga pwesto. Samantala, halos sampalin na ni Issay si Martina ng makapasok ito sa pinto. "Ang arte mong bata ka! Dahil sa kagagawan mo napurnada pa ang pagbasa ng resulta ng DNA test, gusto ko na makauwi tayo dahil alam naman natin na hindi ikaw ang tunay na anak". Anito "Oo nga mommy pati ako nainip Nadin"! Naiinis na sambit naman ni Isabel Tahimik naman si Nancy sa isang tabi, doon nito napansin na suot ni Isabel ang kwentas na para sana talaga sa tunay nitong anak. Lumapit si Nancy kay Isabel , inakalang yayakapin si Isabel ng Inang si Nancy kaya nakangiti siyang sinalubong na ito ng yakap. "Imissyou mommy, buti nakauwi kayo agad, basahin nyo na po ang result para malaman na natin ang totoo at para makaalis na sa bahay na ito ang pekeng anak na nagkukunwari lang"! Ani Isabel at masamang nakatitig kay Martina. "Akina muna ang kwentas Isabel". Ani Nancy "Bakit mommy? Sa akin naman ito bakit mo po kukunin?" Alanganing tanong ni Isabel "M-may titingnan lang ako".ani Nancy Walang pagdalawang isip na binigay iyon ni Isabel sa kay Nancy. Kinuha iyon ni Nancy at binuksan mismo sa harapan ni Isabel. Doon nakita ni Nancy ang nakasulat, gaya ng sabi ni Martina nakalagay doon ang pangalang Nadine at kapanganak dec1,2022 "Nakita mo mommy? Andyan nakasulat ang tunay kong pangalan at buwan kong kailan ako ipinanganak at kong anong taon". Ani Isabel Alam ni Nancy na binuksan Nadin iyon ng mag-ina kanina habang nasa byahe sila, sinadaya din nilang kunin ang kwentas sa bag ni Nancy Nong inihatid nito sa kwarto si Martina dahil nawalan nga ng malay. Lahat ng iyon ay nakita ni Nancy sa cctv. Hindi nila iyon napansin dahil bawat sulok ng bahay ay May nakatagong hidden camera. ITUTULOY _MABUBUKO NA NGA BA ANG DALAWA? OR MAY PANIBAGONG BANGUNGOT PA PARA KAY MARTINA?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD