Chapter 7

1098 Words
💫ANG NAWAWALANG TAGAPAGMANA💫 CHAPTER 7 DINALA nga sa ospital si Martina. Doon ay sinuri siya ng ibang doctor para malaman kong ano talaga ang kalagayan niya, wala padin itong malay hanggang ngayon. Halos hindi humiwalay si Ginang Nancy dito para lang mabantayan ng maayos ang kalagayan ni Martina. Sa wakas natapos narin ang ginawang test kay Martina, napag Alaman na buntis ito. Kailangan nalang nitong magising para masagot ang ilang katanungan ng doctor sa kanya, about sa huling menstruation niya. Dahil doon mababasa ang kanyang sagot sa kanyang pagbubuntis, kong ilang buwan na nga ba ito. Makalipas ang halos isang oras ay sa wakas nagising narin si Martina Nagtaka siya kong bakit puro puti ang nasa paligid niya at hindi familiar ang kwartong kinahihigaan niya. Mabilis siyang bumangon, doon niya nakita si ginang Nancy sa gilid. Nakangiti ito sa kanya. "Mabuti naman at gising Kana, kamusta ang kalagayan mo?" Tanong ni Nancy dito "O-okey naman po ako, ano po ba ang nangyari sa akin?" Takang tanong ni Martina. "Nawalan ka ng malay kani-kanino lang habang binubuksan ko sana ang result ng DNT test para sa inyo, kaso bigla kang nawalan ng malay". Anito Nahiya bigla si Martina dahil di nito akalain na gano'n ang mangyayari sa kanya. "Pasensya na po, baka isipin nyo nag dadrama lang ako. Hindi ko din po alam kong bakit nagkakaganito ako." Hinging paumanhin ni Martina dito "Oo alam ko iyon". Anang ginang Maya-maya pa ay biglang pumasok ang doctor na tumingin kay Martina. Tinanong siya tungkol sa kanyang huling menstruation. "Mabuti at gising Kana, May ilang katanungan lamang ako sa'yo, maari ba?' tanong ng doctor sa kanya. "O-opo ". Tipid na sagot ni Martina. "Ilang taon Kana?" Tanong ng doctor "23 po". Magalang na sagot ni Martina "Okey, May boyfriend kaba ?" Tanong ulit ng doctor Ayaw mang sabihin ni Martina pero sumagot padin siya dito. "May asawa po ako". Sagot nito Parehong nagulat ang dalawa sa kanyang sinabi, base sa kanila hindi nila inaasahan na sasabihin nito ang bagay na iyon. Ang nasa isip lang nila ay boyfriend ang meron siya dahil bata pa nga ito. Bukod pa roon hindi halata na May asawa sya. "Kaya pala, saan ang asawa mo?" Tanong ulit ng doctor Napayuko si Martina at halos di na makapag salita dahil sa namumuong luha sa kanyang mga mata. "S-sorry kong naitanong ko, okey lang kong ayaw mo akong sagu--- Biglang naputol ang anomang sasabihin sana ng doctor ng biglang sumagot si Martina. "H-hiwalay na po kami mag iisang Linggo na". Aniya Lalong nalungkot ang dalawa sa mga narinig, paano na ngayon ito gayong buntis siya. "Wala kabang ibang kaanak?" Si Nancy na ang nagtanong dito dahil di na siya makatiis na manahimik lang. Gusto din niyang itanong kay Martina ang bagay na iyon. "W-wala po, hindi ko alam. Lumaki akong walang kakilala ni isang kaanak, dahil sa mga madre ako lumaki, sanggol lang ako Nong iniwan ako ng nanay ko. " Sagot ni Martina Natahimik muli si ginang Nancy, gusto niyang magtanong pa dito pero kinakabahan siya sa maaring masagot ni Martina sa kanya. Iniisip nito na si Martina talaga ang tunay nitong anak, pero naisip din niya si Isabel dahil gaya ni Martina sa madre din daw ito iniwan at sanggol lang din ito noon. Hindi alam ni Nancy kong ano ang paniniwalaan niya, ang DNA test nalang ang makapag patunay kong sino sa dalawa ang tunay nitong anak. Pati kay Issay ay May kutob din siya dito. Sinasabi nitong anak niya si Martina pero hindi manlang makitaan ni Nancy ng pag-alala gayong alam nitong isinugod dito ang anak sa ospital. Mas mahalaga ang DNA test at mas kinakampihan pa nito si Isabel na naiwan sa bahay. "Ma'am Nancy tama po diba?" Maya-maya tanong ni Martina "Y-yes. May itatanong kaba Martina?" Balik tanong ni Nancy dito "Gusto ko lang sana Pong malaman kong kayo po ang umiiyak sa loob ng simbahan Nong isang araw bago niyo pa nakita ang kuwentas?" Nagulat si Nancy sa tanong ni Martina, paano nito nalaman?" Aniya sa kanyang isip "Oo, paano mo nalaman iyon?" Takang tanong nito "Naroon po ako sa simbahan Nong mga sandaling iyon, sa likuran ako banda nakaupo. Gusto nga po sana kitang lapitan kasi inisip ko mukhang kailangan nyo po ng karamay. Kaso hindi ko po ginawa iyon. Umalis nalang po ako para di ko kayo maistorbo." Ani Martina saglit siyang huminto at muling nagpatuloy sa pagsasalita. Nakasakay na po ako ng bus Nong napansin ko na nawawala ang suot kong kuwentas. Hindi ko alam basta kinakabahan ako at dali-daling bumaba ng bus. Bumalik ako sa simbahan para hanapin iyon, halos mabaliw po ako sa kakahanap noon, hindi ko alam kong paano ko siya mahanap dahil iyon lang ang tanging paraan para mahanap ko sila." Umiiyak na sambit ni Martina Halos maiyak din ang ginang sa kanyang narinig, pati ang doctor ay tahimik lang sa isang tabi. Hindi na nito natuloy tanungin si Martina tungkol sa kanyang kalagayan dahil mukhang kailangan muna nitong iwan ang dalawa at makapag usap ng maayos. "Ang kuwentas sayo ba talaga ang kuwentas na iyon ha?" Umiiyak na tanong ni Nancy "O-opo kasi yan talaga ang kuwentas na inalagaan ko sa loob ng 22 years". Ani Martina "Pero sabi ni Isabel sa kanya ito paano? Nagulohan ako Martina hindi ko alam kong sino ang paniniwalaan ko sa inyo". Aniya "Dala po ba ninyo ang kuwentas?" Pag-iba ni Martina "O-opo nasa bag ko". Sagot ni Nancy Hinanap niya sa bag ang kuwentas ngunit hindi niya mahagilap, iyon. Nagtataka siya kong paano nawala ang kuwentas gayong doon lang naman niya nilagay at hindi niya inihiwalay sa kanyang bag. Posibleng mawala. Hinanap at ibinuhos na nito ang laman ng kanyang bag, ngunit wala ang kuwentas. "Nasaan Kana! Magpakita ka"! Inis na turan ni Nancy sa kanya "Hayaan nyo na po, gusto ko lang po sanang sabihin sa inyo na pwede nyong buksan ang kuwentas, para malaman po ninyo ang laman. Dahil sa kwentas na iyon nakasaad ang aking pangalan pati ang aking kapanganakan. Naroon sa loob na gitna ng kwentas. Pwede nyo po iyong bukas". Ani Martina Sa sinabi ni Martina ay niyakap siya ni Nancy, hindi niya alam kong paano pero tama ito, dahil siya mismo ang naglagay sa kwentas na iyon ng tunay niyang pangalan at edad. "P-pwede mo bang sabihin kong anong pangalan at kapanganak mo ang nakalagay doon?" Ani Nancy "Nadine Born Dec 1,2022".sagot ni Martina Biglang humagulgol ng iyak si Nancy, hindi alam ni Martina kong bakit, pero isa lang ang nasa isip niya ang yakapin ang taong kanyang kaharap. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD