Ang Nawawalang Tagapagmana
#Chapter_6
Kinabukasan ay maagang nagising ang lahat. Dumating na kasi ang resulta ng test na ginawa sa dalawang dalaga. Parehong kabado ang dalawang panig at syempre si Martina ay halo ang kanyang emosyon. Kinakabahan sya dahil malalaman na nito ang result, pero nalulungkot sya baka kasi di sila mag match ng inakala nitong ina.
Samantalang malapad naman ang ngiti ni Isabel lalo na ni Issay dahil alam na nila kong ano ang lalabas na resulta.
Alam Nadin ni Martina na magkasabwat ang dalawa dahil narinig niya ito kagabi na nag-uusap, hindi lang basta mag kasabwat kundi mag-ina ang mga ito. Alam nilang pareho na hindi sila kaano-ano ng ginang pero bakit ganu'n nalang ang tiwala ng ginang sa dalawang ito. Sana talaga lumabas na ang totoo para mapalayas na sila sa mansyon. Syempre kong kasama si martina sa mapapaalis ay ipagpapatuloy padin umano nito ang kanyang buhay at hahanapin ang siyang tunay nitong Ina. Pero hindi mawala sa kanyang isip kong bakit nasa ginang ang kuwentas na hinahanap niya? Ang kuwentas na inalagaan niya mula ng siya ay sanggol pa lamang? Pwede kayang May katulad iyon? Pwera nalang kong iba ang nakalagay sa kuwentas. Kilalang-kilala ni Martina ang pag-aari niya dahil May nakasulat sa loob non. Pangalan niya mismo ang nakalagay doon pero never niya ginamit bagkos mas ginamit niya ang pangalan na ibinigay sa kanya ng mga madre. Gustong-gusto nang sabihin ni Martina ang mga katagang iyon para paniwalaan siya ni ginang Nancy, subalit sumusulpot naman bigla ang mag-ina sa usapan nila dahilan para mawala nanaman sila sa seryosong usapan.
Gustong masigurado ni Martina na kanya ang kuwentas kaya gusto niya iyon ipabuksan sa ginang para malaman na ang totoo, para alam niya din sa kanyang sarili kong May kailangan ba siyang ilaban? Or baka katulad lang talaga ng kuwentas na iyon.?
Nakaupo na ang lahat sa sofa, habang nilalabas naman ng doctor ang result na nakalagay sa kanyang itim na bag.
"Madam ito na po ang resulta ng DNA test". Anang doctor sabay abot ng Doctor dito
Nanginginig ang kamay ni ginang Nancy dahil hawak na nito ang resulta.
Magkatabi ang tatlo sa upuan, si Martina, si Issay at si Isabel naman nagitnaan nila si Issay.
"Handa naba kayo sa resulta?" Anang ginang sa tatlo.
Kasama din kasi sa DNT si Issay kong tunay nga ba nitong anak si Martina.
Bago ba buksan ng ginang ang envelope ay nabigla sila sa nangyari kay Martina, bigla kasi itong bumagsak sa sahig.
Nabitawan ng ginang ang envelope at nagmadaling nilapitan si Martina.
"D-doc nawalan siya ng malay". Ani Nancy
"Kailangan natin siyang echeck, ibigay natin siya sa kwarto nya". Nag doctor
Sinamahan ni Nancy ang doctor na iaakyat sa kwarto nito si Martina.
Samantalang naiwan naman ang dalawa, napilitang binuksan ni Issay ang resulta.
Kitang-kita nito ang resulta na nag match nga ang DNA ng ginang sa Kay Martina pero dahil pinalitan nga nito ang pangalan kaya sa anak nya mapupunta ang titulo bilang anak nito.
Binalik ni Issay sa envelope ang result at inayos iyon sa sofa.
"Anak, totoong anak ng ginang na iyon ang hampaslupa, pero dahil nakapangalan sayo ang resulta niya ikaw padin ang magwawagi". Nakangiting sabi ni Issay sa anak.
"Ang galing mo talaga mama". Galak na sambit ni Isabel
"Bakit mama? Hindi ba dapat mommy na? Mayaman tayo anak kaya dapat social Nadin ang itawag mo sakin". Anito
"Okey mommy hihi". Ani Isabel
"At tatawagin mo lang akong mommy kapag tayo lang, wag ka naman masyadong halata pwede ba". Anang mommy nito
"Sige mommy, hehe ang saya pala maging mayaman mommy". Ani Isabel
"Kaya nga, kapag nasa labas na kami wag mo kaming kalimutang bigyan ng malaking pera. Dapat sa loob ng buwan hindi bababa sa dalawang daang libo ang ibibigay mo." Sabik na sabi ng mommy nito
"Oo naman mommy, kahit 300k pa eh, bibigyan ako no'n lalo na at matagal bago nila nakasama ang anak nila". Saad ni Isabel
"Pero paano iyong si Martina?" Biglang tanong ni Isabel sa Ina
"Pabayaan mo na iyan, hindi ba't sinabi na ng mommy mo na kapag sino ang hindi anak palalayasin sa mansyon? At sya iyon malamang kapag nakita na ang resulta ay palalayasin din yan dito". Ani Issay
"Kawawang Martina, sorry siya pero mas kailangan natin itong pera. Wala akong pakialaman sa kanya basta tayo yayaman na".galak na sambit ni Isabel
At nag aperan pa ang dalawa .
Samantala
Cheneck ng doctor ang kalagayan ni Martina, base sa observation ng doctor ay buntis ito. Pero kailangan padin nilang dalhin sa ospital si Martina para ma check ng maayos at matama ang resulta para sa kanya.
"Sa ngayon nawalan lang siya ng malay, pero kong hindi ako nagkakamali buntis siya, mabilis ang pintig ng pulso niya". Bigkas ng doctor
"Sige sasama ako sa ospital para malaman natin kong ano talaga kalagayan niya". Anang ginang
Tinawag nito ang dalawa sa kanyang personal guard. Binuhat nila ang walang malay na si Martina at sinakay sa kotse nito.
Nadaanan pa nila sina Issay at Isabel na nakaupo padin sa sofa hanggang ngayon.
Tumayo din ang mga ito ng makita silang pababa.
"Aalis kayo ma'am".tanong ni Issay
"Oo dadalhin ko sa ospital si Martina". Sagot ni Nancy
"Naku naman ma'am paano na ang resulta? Uunahin nyo pa iyan kesa malaman na ang totoo? Nag eenarte lang naman ang batang iyan kasi alam nito sa sarili niya na hindi mo siya anak, at malalaman na ninyo ang resulta. Natakot lang sya na mapaalis dito". Giit ni Issay
"Tama po kayo m-mommy". Segunda naman ni Isabel
"Bakit ganyan kayo mag salita? At ikaw diba sabi mo anak mo si Martina?bakit tila wala kang pakialam sa kanya? O baka totoo ang sinasabi ni Martina na hindi ka talaga niya tunay nitong Ina." Pang-uuyam ni Nancy dito
Natahimik si Issay at pilit pasong sumagot
"E-hinfi naman sa ganon ma'am kilala ko kasi ugali ng anak ko, pwede pa siguro na aalis nalang kami dito kasama ang anak ko, total alam ko naman na ang totoo na hindi mo siya anak dahil kami ang nag match, at itong batang katabi ko ang tunay mong anak". Ani Issay na hindi na nakapigil pa sa kanyang sasabihin.
"At pinangunahan mo na ako? Sino ka sa inaakala mo?" Di na mapigilan ni Nancy na hindi ipakita ang inis dito
"Hindi naman sa pinangunahan ko kayo, naawa na kasi ako sa batang 'to dahil nasasaktan na siya. Mas pabor kayo sa Martina ng yan kahit hindi mo naman siya talaga anak. Itong si Isabel kanina pa umiiyak gustong-gusto na kayong yakapin dahil nalaman na nito na tunay ka niyang Ina, pero aalis ka nanaman para ihatid sa ospital ang walang kwentang batang yan na nag iinarte lang, kesa malaman ang totoo at makasama na ang tunay mong anak"! Galit na sambit ni Issay
Umiiyak na ngayon si Isabel pilit na inaawat ang dalawang nagsasagutan.
"Tama na please"! Anito na umiiyak
"Mommy, totoo naman kasi ang sinasabi ng ginang na ito. Nakita ko na ang resulta at ako ang anak mo." Ani Isabel
"Ma'am aalis na tayo". Biglang pasok ng personal guard nito
"Babalikan ko kayo mamaya, maghintay kayo dito". Ani Nancy at lumabas na ng bahay
Naiwan namang nagsisisihan ang dalawa, dahil di umano tumalab sa ginang ang acting nilang dalawa.
ITUTULOY
Abangan sa next chapter
#PANIBAGONGRESULTA