Nereserahan na ni Doc Matthew si Nadine ng gamot na pwede nitong inumin habang nag bubuntis. Sinabi din sa kanya ang mga bawal nitong kainin at inumin. Matapos nitong ibigay ang reseta ay hiningi din nito ang ibang details ni Nadine ng sa ganun mabilis niya itong mapaalalahanan bilang kanyang doctor.
Binigay naman ni Nadine ang kanyang numbers dito.
Sinamahan pa siya ni doc Mathew hanggang sa makalabas siya ng Pinto. Doon nag aabang ang kanyang Inang si Nancy, nakangiti agad ito ng makita siya. Mabilis na lumapit ang ina sa kanya at kinamusta ang kanyang check' up.
"Ayos naman Mommy, dalawang buwan na po pala itong pinagbubuntis ko po, hindi ko manlang napansin". malungkot na wika ni Nadine
niyakap naman siya ng Ina at pinagaan ang loob nito
"Ayos lang iyan anak. Alam kong May pinagdaanan ka. Wag Kana na stress din, kasama mo na ako sa lahat ng laban mo. Hinding-hindi kita hahayaang muling masaktan Nino man". tugon ng kanyang Ina dito
Lalo lamang naiyak si Nadine sa sinabi ng kanyang Ina. Sa wakas May kakampi na siya at meron Nadin siyang maipagmamalaki na matawag nitong Ina.
"Alam ko kong gaano kahirap ang dinanas mo sa kamay ng dati mong asawa, pangako pagbabayarin natin sila anak". muling sambit ng kanyang Ina.
kumalas sa pagkakayakap si Nadine sa kanyang Ina at tiningnan ito ng seryoso.
"Mommy paano nyo po nalaman?" Takang tanong nito sa iNa.
"Narinig kita kanina habang sinasabi mo sa Doctor mo ang lahat, wag ka mag-alala ako na ang bhala sa taong nanakit sayo, magbabayad sila". galit na turan ng Ina.
Pero likas na mabait itong si Nadine,siya na mismong pumigil sa kanyang Ina at sinabi dito na ayaw na nitong gumanti, at hahayaan nalang ang karma na kusang darating sa kanila.
"Pero anak-
"Mahalaga mommy magkasama na tayo ngayon, ayaw ko na po ng gulo at lalong ayaw ko na Pong marinig ang tungkol sa taong iyon, pati sa pamilya niya. Ibaon ko nalang sila sa limot". ani Nadine sa Ina
Napangiti si Nancy sa sinabi ni Nadine, ganitong-gnito siya noon. Ayaw niyang gumanti sa lahat, dahil ayaw niya ng gulo at lalong ayaw niyang gawin sa iba kong ano man ang naranasan nya. Tama lang na karma ang maningil sa mga iyon. Tama nga si Nancy dahil ang mga nanakit sa kanila noon at pilit na naglayo sa kanilang mag-ina ay unti-unti ng nakakarma.Mayaman sila noon pero dahil sa kasamaan at kayabangan ay unti-unting nauubos ang pera nila at naghirap. Ngayon ay isang simpleng empleyado nalang nila ang taong iyon.
"Napakabait mo anak, siya sige na at uuwi na tayo. Pero bago iyon gusto mo ba muna mamasyal?" aya ng Ina kay Nadine.
ito ang gusto niya, ang karanasang mamasyal kasama ang Ina.
"Opo mommy, gusto ko po iyan". parang batang saad ni Nadine sa ina.
pati si Doctor Mathew na nasa likuran nila ay napatawa din ng mahina dahil sa inasta ni Nadine, halos di Nadin siya napansin ng dalawa na kasama pa nila ito.
"Ay doc andyan pa pala kayo, pasensya na po." hinging paumanhin ni Nadine ng sa wakas ay napansin nito si doc Matt sa likuran nila.
Napalingon din ang Ina at pati ito ay nagulat at nahiya din kalaunan
"Pasensya na doc andyan kapa pala. Di ka namin napansin." segunda naman ni Ginang Nancy.
"Okey lang iyon ma'am ingatan nyo nalang po ang anak nyo, lalo na at buntis ito. Wag nyo Pong kalimutan na palagi siyang paalalahanan sa lahat ng kakainin at iinumin niya. Kong maari bantayan po siya kasi mukhang mahina po ang kapit ng baby niya. Maselan po ang kanyang pagbubuntis". pagtatapat ni Matthew dito
"Sige doc, maraming salamat sa paalala ako na ang bahala sa anak ko". ani Nancy
nagpaalam na sila dito at sumakay na sa kotse nila habang pinagdadrive sila ng kanilang personal driver.
"Anak, ano sa palagay mo si Doc Matthew?" maya-maya tanong ng Ina habang sakay ng kanilang sasakyan
"Po mommy? Ano po ibig nyong sabihin?" Takang tanong ni Nadine sa ina
"Nag pogi nya ano? at mukhang mabait". anang Ina
"Opo nga my mabait po sya at p-pogi nga po siguro". alanganing sagot ni Nadine
"Bakit di ka sigurado diyan? hindi mo ba nakita ang mukha niya habang kausap ka niya kanina?" anang ina
"Hmmp hindi gaano my, kasi nakayuko ako palagi at minsan lang kong humarap sa kanya." tapat na sagot nito sa Ina
"Okey sinabi mo iyan eh. Btw saan mo balak pumunta?" pag-iba ng usapan ni ginang Nancy
"My pwede ba sa MOA nalang? gusto ko doon, tapos nextime naman sa Taguig doon po sa grand canal ba iyon? nakikita ko lang iyon sa mga balita mukhang maganda po". parang batang sambit ni Nadine
napangiti nalang si Nancy dahil para sa kanya parang ngayon palang niya maalagaan na parang bata ang kanyang anak.
kapag nanganak na ito ay gusto niyang dalhin sa US ang anak dahil andon ibang negosyo nila ng pamilya
Bukod pa roon ay makikita na ng Kanyang Ama ang anak nito na halos nangulila din sa pagkawala ng anak.
Paano nga ba nawala ang anak kay Nancy taong 2002?
Throwback (year 2002)
Lakad takbo ang ginawa ni Nancy, dala ang kanyang bagong silang na anak. May banta sa kanyang buhay. Ang kanyang Tita mismo ang kanyang kalaban, gusto nitong kunin ang anak niya at patayin dahil alam ng mga ito na ito na ang magmamana ng kanilang kompanya balang araw. Hindi pumayag ang mga ito dahil gusto nila na sa kanila lang dapat mapunta ang lahat ng ari-arian ng kanyang Daddy.
May sakit kasi Nong time na iyon ang kanyang Daddy, nag iisa siyang anak at May kapatid naman ang daddy niya, si Esmeralda. Sinabi ng doctor na Hindi na magtatagal ang buhay ng kanyang Ama kong kaya't nagsulat na sa papel ang ama nito tungkol sa maiiwang pamana. Ang lahat ng pamana ay mapunta lahat sa anak at maging sa apo nito na si Nadine. At sa kapatid ay 20% lamang ang makukuha. Galit na galit ito at kumuha pa ng tauhan para ipapatay silang mag-Ina.
ITUTULOY