NALAMAN kaagad ni Nancy noon ang balak na gagawin ng tita niyang si Esmeralda sa kanya ng anak. Dahil Nong time na iyon ay nagpanggap siyang tulog sa ospital habang nasa tabi niya ang tulog ding anak na si Nadine. Halos ilang oras palang ang nakalipas mula Nong ipinanganak nito ang kanyang Anak.
Narinig nitong kausap ni Esmeralda ang tauhan nito sa celphone, inutos nitong sa sa ospital kunin ang dalawa at patayin raw, ng sa ganun sa kanya mapunta ang Mana ng Ama.
"kawawang Nancy, wag ka mag-alala dahil magkakasama Nadin naman kayo ng malandi mong Ina sa langit hehe. Okey na sana na ikaw lang ang kahati ko pero bakit May bugwit pa! kaya sorry nalang din dahil di ako maawa sa bata dahil piste din iyan sa plano ko". bulong ni Esmeralda sa kanyang sarili
pero lahat ng iyon ay narinig ni Nancy, nanginig sya sa takot pero hindi siya nagpahalata dahil kilala niya ang Tita niya, kapag nalaman nitong gising sya baka doon palang sa ospital ay tutuluyan na sya.
Sa wakas umalis na ang tita niya, mabilis na bumangon si Nancy sa kama at dahan-dahang lumabas sa kwartong iyon kasama ang anak.
Kailangan nilang makatakas bago pa makarating ang mga tauhan ng kanyang Tita.
Sa wakas nakalabas na si Nancy sa ospital ang kaso nga lang nakita siya ng kanyang Tita Esmeralda at dali-dali siyang hinabol.
lakad takbo ang ginawa ni Nancy para lang makalayo sa mga ito. Pagod na siya at nahihilo pa dahil sa kanyang tahi sa pwerta niya dahil sa kanyang panganganak, gusto na nitong sumuko pero hindi niya muna hahayaang pati ang anak ay mawalan ng pag-asang mabuhay .Ilalaban niya ang kaligtasan ng Anak.
dumaan si Nancy sa madamong bahagi, wala siyang pakialam kong anong hayop ang makikita niya dito mahalaga makalayo siya sa tita niya. Sigurado siyang hindi na ito maabutan pa dahil di nakapasok ang sasakyan dito bukod sa Mabato at makahoy ang kanyang nadadaan ay mahirap din tumakbo dito.
Isang pagkakamali ang paghakbang ni Nancy, dahil di nito namalayan na bangin na pala ang kanyang mahuhulogan
Pikit matang Tinanggap ni Nancy ang kanilang katapusan ng anak.
na tila tanggap na nito na dito talaga sila malilibing ng buhay.
Pero nagkamali si Nancy dahil buhay sila ng kanyang anak, mabuti nalang at puro dayami ang kanilang nabagsakan sa baba kahit paano hindi sila nasaktan. Nasa itaas parin niya ang anak, walang galos at hindi manlang umiyak.
Hinalikan niya ang anak at muling bumangon para magpatuloy sa paglalakad.
Paglabas nila ng gubat ay May mga sasakyan na at mga May bahay, hindi alam ni Nancy ang lugar na ito pero alam niya sa kanyang sarili na mukhang ligtas na sila ng anak.
May nakitang simbahan si Nancy kumatok siya roon at agad naman siyang pinagbuksan ng Isang Madre.
"Magandang hapon hija, May maipaglilingkod ba kami sa iyo?" magalang na tanong ng isang madre
"Mawalang galang lang po, pwede ko po bang iwan muna dito ang anak ko? May kukunin lang akong importante promise babalikan ko po ang anak ko". ani Nancy habang nakikiusap sa Isang Madre
"Bakit May problema ba anak?" biglang singit naman ng isang madre
"Please pumayag na po kayo, babalikan ko po agad ang anak ko, kailangan ko lang Pong iligtas ang anak ko dahil May papatay po sa akin mag-ina, please ito kunin nyo muna siya. Babalikan ko siya. at ito, "
kinuha ni Nancy ang kwentas at inukitan muna ito ng pangalan at kapanganak ni Nadine. saka isinuot sa anak.
"Wag nyo Pong alisin ito sa anak ko, pakiusap pag balik ko magbigay nalang po ako ng malaking donasyon dito sa simbahan nyo pakiusap ". ani nancy
naawa naman ang mga madre sa kanya at agad na tinanggap ang anak.
Maluha -luhang umalis si Nancy sa lugar na iyon, sumakay siya sa isang pick up na dumaan lang sa lugar na iyon, papahatid sya sa kanilang bahay at haharapin na ang kanyang Tita Esmeralda.
Pero hindi pa nakarating siNancy sa kanilang tahanan ng abutan siya ng mga tauhan ng tita Esmeralda niya, doon ay sapilitan siyang kinuha at dinala sa isang lugar kasama ang kanyang Ama.
Nakagapos silang pareho at nakapiring ang mga mata.
"Daddy, bakit nangyari sa atin to?" mangiyak-ngiyak na sambit ni Nancy sa ama
"Hindi ko alam anak, kong alam ko lang sana na ganito kasama ang ugali ng tita mo sana diko nalang sinabi ang about sa mana at sa sakit na naramdaman ko". malungkot na sambit ng Ama
"Daddy dito naba tayo mamatay? mukhang dito na talaga ang oras natin". natatawang sambit ni Nancy
"Wag ka mawalan ng pag-asa, May awa ang diyos kailan man hindi nagwawagi ang mga masamang tao". anang ama para lumakas ang loob ni Nancy
"Anak, wag ka malikot dahil any isang bagay ako dito na pwedeng makatulong sa pagtakas natin." Saad ng Ama
May maliit na kutsilyo ang Ama na nasa likuran lang, bigay iyon ng isang tauhan ng tita niya Esmeralda na hanggang ngayon ay Loyal sa kanila.Gumagawa din ito ng paraan para makatakas sila dito ng hindi napapansin ng tita niya na May tumulong sa kanila.
si Banjo ang taong Tinulungan noon ng kanyang Ama at ginawa bading tauhan sa mansyon nila.
Ang akala ni Esmeralda ay nakuha na nito ang loob ni banjo at sunod-sunuran na sa lahat nitong utos.
Kaya lang sumunod si banjo dahil pinagbantaan ni Esmeralda na papatayin ang kanyang asawa at anak kapag sinuway niya ito.
sa wakas natanggal na ang tali sa na nakagapos sa kanila, nagpanggap padin silang nakatali dahil di sila basta makalabas sa kwartong iyon dahil naka-lock mula sa labas.
maya-maya ay pumasok ang isa sa mga tauhan nito . Ilang saglit pa ay pumasok din si Esmeralda na nakangisi ng makita sila.
"Tanggalin ang kanilang piring at iwan nyo na kaming tatlo". utos ni Esmeralda sa tauhan nito
Mabilis na sumunod ang mga ito at lumabas na.
ngayon ay kitang -kita na ni Nancy ang tita niyang demonyo
"Kamusta na mahal kong kuya at pamangkin?" nakangising sambit ni Esmeralda
"Tumigil ka, ampon ka lang kaya hindi kita tunay na kapatid". sigaw ng kanyang Ama
nagulat si Nancy dahil ngayon lang nito nalaman na hindi pala kita tunay na tita si Esmeralda
Kaya ganu'n nalang ang kulo ng kanyang dugo dito. Para tuloy gusto niya itong pira-pirasohin ngayon.
"Aww that hurts kuya, kaya nga ako naiinis dahil kahit kailan di mo ako tinuring na kapatid eh, at pangalawa kahit alam mong di tayo magkapatid mas pinili mo padin ang malanding Ina niyan kesa sakin. Bagay naman tayo e, total sabi mo nga di tayo magkapatid so pwede sana tayo, kaso nga lang hindi mo ako tinanggap kaya ako galit na galit sayo kuya. Minahal kita pero wala lang sayo. Kaya mas mabuti nalang talaga na mawala nalang kayo pareho.Matagal kong inantay ang sandaling to, at sa wakas matutupad na. Ngayon magkakasama na kayo ng asawa mong malandi at ng anak mo. Sayang at mukhang mahuhuli pa ang apo mo."Ngising wika nito
"Demonyo ka"! sigaw ng Ama
"Relax mahal kong kuya, mamaya makikita mo din ang demonyong tinatawag mo, Hahaha". anito na parang baliw
"Nga pala bago ko kayo patayin gusto kong ipaalam sa inyo na ako pala ang pumatay sa asawa mo kuya*. proud na pagsabi nito
"Walang hiya ka"!
gulat na gulat si Esmeralda dahil biglang nakalapit ang kuya nito sa kanya at sinakal siya ng mahigpit sa leeg
ITUTULOY