Halos hindi na makahinga si Esmeralda dahil sa pagkasal sa kanya ni Benj Ang kanyang kuya. Hindi nito akalain na nakalaya ito sa pagkatali.
"Arck k-kuya h-hindi ako makahinga". nahihirapang sambit ni Esmeralda sa kanya.
"Walang hiya ka, papatayin kita! ang dami mo ng kasalan sa pamilya ko. Tinanggap ka namin ng buong-buo pero ito ang iganti mo? pwes mamatay Kana"! galit na sambit ni Benj sa kanyang Kapatid
"Daddy baka makulong ka kapag pinatay mo ang babaeng yan". May pag-alala sa sinabi ni Nancy sa kanyang Ama
"wala na akong pakialam pa, ang kagaya niya ay hindi na dapat pang mabuhay"! galit na sambit ng kanyang Ama dito.
"Per--
"Tumakas Kana Anak, iwan mo na ako dito dahil magtutuos pa kami ng babaeng to"! utos ng kanyang Ama
Ayaw mang sundin ni Nancy ang ama subalit kinakailangan nga nitong umalis na, babalikan pa kasi nito ang kanyang anak sa simbahan.
Paglabas palang ni Nancy sa pinto ay hindi nito inaasahan na naroon lang ang tauhan ng kanyang Tita, tatakbo na sana siya para maiwasan ito ng isang putok ang tumama sa kanyang dibdib.
Duguang bumagsak si Nancy, habang May mga butil ng luha ang lumabas sa kanyang mga mata.
"Anak, patawad kong hindi na tayo muling magkita pa". mga katagang lumabas sa bibig ni Nancy bago pumikit ang kanyang mga mata
Dahil sa narinig na putok ng baril ay mabilis na nabitawan ni Benj ang kapatid at sinalubong ang isang tauhan na papasok inagawan niya ang baril dito at binaril din dahilan para bumagsak ito sa sahig. Pinuntahan niya ang walang malay na anak, duguan ito at tila wala ng buhay.
"Banjo!" tawag ng ama sa katiwala nito
naroon lang si banjo kasama ang mga pulis, tumawag na pala nito ng palihim para mahuli ang mga ito
pero huli na dahil napahamak na ang kanyang anak.
dinala sa ospital ang kanyang anak, 50/50 na ang lagay nito. Ganon din si Benj dahil May sakit din ito at kailangan niyang sumailalim agad sa agarang gamutan
tanging si Banjo lang ang pwede nyang pagkatiwaalan sa ngayon.
Nakulong din si Esmeralda at hindi pinayagang mag pyansa kahit ano'ng gawin nito
mabubulok na ito sa kulungan.
kahit kaanak nito ay hindi na kaawaan ni Benj para lang pagbigyan ang kalayaan ng nanakit sa pamilya niya.
Kritikal ang lagay ni Nancy, hanggang sa dinala pa siya sa ibang bansa para doon gamutin tinamaan kasi ang puso nito at dilikado ang kanyang lagay. Dahil magaling ang doctor sa ibang bansa kaya doon siya dinala para gamutin, suggestions lang din iyon ng doctor dahil aminado sila na di nila kayang gamutin ang ganong uri ng kumplikasyon. Dahil masyado raw itong mahirap para sa kanila at baka kapag tinuloy pa nila ay baka mabawian lang ng buhay si Nancy
Samantala: Iyak na ng iyak ang b
sanggol na si Nadine, naghahanap na ito ng gatas at kalinga ng Ina, subalit Gabinna ay wala padin si Nancy para sunduin siya. Naghintay din ang mga madre na babalik ang Ina ng bata pero lumipas lang ang buwan at taon ay hindi na ito nagparamdam pa sa kanila.
Hanggang sa tuluyan na nga nilang inampon ang bata at pinangalanang Martina.
Lumipat Nadin sila ng kumbento dahil na bagyo sila at nasira ang lumang simbahan kong saan sila tumutuloy.
Lumaki Nadin si Martina at nagtatanong tungkol sa kanyang Ina. Hindi naman naglihim ang mga madre at agad kinuwento sa kanya ang lahat.
"Nandito na tayo anak, ". ani Nancy sa anak
"Wow ang ganda pala dito my, gusto ko sumakay sa mga rides dito my tayong dalawa po". galak na sambit ng anak
"Anak baka di mo kayanin buntis kapa naman. Pwede siguro kapag nanganak Kana. Remember sabi ng doctor mo maselan ang iyong pagbubuntis?" paalaa ng Ina dito
" Hmm uu nga pala my, sorry. Sa ngayon siguro mag lakad lakad na muna tayo tapos picture tayo". ani Nadine sa Ina
"Tama yan anak. Sige tara doon tayo banda sa dagat, after nito pasok tayo sa mall sa taas bibilhan kita ng gamit mo".
"Sige po mommy." tugon ni Nadine sa Ina
Namasyal nga ang dalawa, halos lahat ay May kuha silang mag-ina. Masasayang mga larawan at walang patid ng kagalakan.
kumain muna sila sa Jollibee bago sila pumasok ng mall.
binilisan ni Nancy ang anak ng mga damit nito, sandals, sapatos, bagong celpon at mga makeup na hindi pa nito naranasang bilhin at nagamit. Sabik na sabik naman noon si Nadine dahil di nito akalain na ang dating tinitingnan at pinapangarap niya lang na makuha ay natupad na.
Hindi na siya ang dating Martina na ulila at palaging nabully sa school .
ngayon naman ay buo na ang pagkatao niya.
"Mommy, gusto ko po sanang mag aral ng collage, pwede pa kaya yun kahit na buntis po ako?" maya maya sambit na Nadine sa Ina.
pauwi na sila ng hapong iyon.
"Oo naman anak, ako ang bahala sa bahay ka nalang nila tuturuan bukas na bukas din ay eenrol kita. Kaya prepare mo ang sarili mo ha? Anong kurso ba ang kukunin mo?"
"Gusto ko Pong maging Flight attendant". anito
bagay nga iyon sa anak niya dahil matangkad at maputi ito bukod pa roon ay maganda ang anak at kahit na buntis ay kitang-kita padin ang ka-secsehan ng anak
"Sige anak susuportahan kahit sa gusto mo. Aral ka lang ng mabuti at kapag nakalabas na ang apo ko, ako na muna ang magbabantay sa kanya "
"Nga pala mommy, pwede magtanong?"
"oh sure anak ano iyon?"
"Si daddy po? nasaan siya?" tanong ni Nadine sa Ina
Hindi agad nakasagot si Nancy dahil ayaw na sana nitong balikan ang nakaraan pero malaki na ang anak at karapatan nitong malaman ang totoo.
"Pagdating sa bahay doon ko kwento sayo ang lahat pwede ba anak? Sa ngayon napagod ako sa pamamasyal natin hehe. Okey lang ba anak?Mahabang kwento kasi kong ngayon ako magsisimula". kamot ulong wika ng Ina
natawa naman si Nadine sa naging reaction ng Ina.
"Sorry mommy ,dahil sakin napagod kayo".
"It's Okey anak. mula ngayon lagi na akong May oras sayo at hinding-hindi ko hahayaang mawalay kapa muli sa akin". anang Ina nito
ITUTULOY