Chapter 14

1146 Words
Kinabukasan ay kinausap agad ni Nancy ang mga kilala nitong Professor sa isang university. Kumuha siya ng mga private teacher na pwedeng turuan ang kanyang anak kahit na nasa bahay lang ito. Gusto ni Nancy na matupad ang pangarap ng anak niya, karapatan niya ito bilang Ina. Mabilis naman ang naging proseso sa ginawang pag enrol kay Nadine. At pwede Nadin siyang magsimula ng pag-aaral bukas na bukas din. Kinakabahan man pero sabik na si Nadine na muling mag-aral ulit, akala niya noon hindi na ito matutupad dahil di nito kakayanin dahil nag-iisa lang siya sa buhay at walang karamay. Ngayon nga ay unti-unti na nitong natupad ang kanyang pangarap. Naghanda noon ng tanghalian ang Ina sa kanilang mga maids, halos lahat ng pagkain ay masustansya at gustong-gusto niya talaga. May gulay, karne isda at mga prutas ang nakahain sa mesa. Takam na takam si Nadine dahil never pa iyon nangyari sa buong buhay niya. Hinayaan naman siya ng Ina na kumain ng kumain hanggang sa maubos nito lahat ng nailagay niya sa kanyang plato Busog na busog na siya at dumighay pang bigla. Natawa naman ang Ina maging ang mga kasambahay na nakapalibot sa kanila. "mga ate tapos na akong kumain, kayo naman kumain na kayo". aya ni Nadine sa kanila "Naku ma'am busog pa kami, at hindi po kami pwedeng sumabay sa mga amo naming kumain". anang May edad na katulong "Ay ganun ba dapat yun mommy?" tanong ni Nadine sa Ina "Yes anak, May sarili silang table at bukod pa roon kong ano ang pagkain nila ganun din sa atin."tugon ng Ina "Ay kaya pala, sige mga ate kumain Nadin kayo sa mesa nyo mamaya nyo na ito iligpit kapag tapos na kayo". utos ni Nadine sa kanila "p-pero m- "Sige na aleng Rosa sundin nyo na ang anak ko, buntis iyan at kailangan masunod ang gusto nya. Kumain na kayo para sabay na tayong matapos". ani Nancy Sumunod naman ang mga katulong sa kanilang dalawa at kanya-kanya ng lapit sa kanilang mesa para kumain. Nakangiti naman silang tiningnan ni Nadine. "Ang saya nila my oh? halatang gutom Nadin sila pero mas pinili muna nilang unahin tayo no". nakangising sambit ni Nadine "Sanay na sila anak, pero kahit ganun paman hindi ko naman sila pinagdadamutan sa pagkain. Lahat ng nakakain nila ay nakakain din natin pareho lang lahat dito, pantay-pantay ang trato ko sa lahat." wika ng Ina Ilang minuto ang nakalipas at sa wakas natapos narin kumain ang kanilang mga katulong, maging ang driver at katiwala nila ay tapos Nadin. Niligpit na nila ang pinagkainan ng mag-ina at bumalik sa kani-kanilang mga trabaho. Si Nadine naman ay umakyat sa kanyang kwarto, inalalayan siya ng kanyang Ina. Doon binuksan niya ang kanyang bagong gamit, at inayos din ang mga damitan niya. Maging ang celphone na bagong bili ay ngayon palang nito bubuksan. Iniwan na siya ng Ina sa kwarto niya dahil May gagawin pa ito sa opisina, babalik nalang daw ito mamayang gabi. Hinalikan naman nito ang Ina at nagpaalam ng maayos dito. Bumalik sa kwarto si Nadine at ipinagpatuloy ang pag bukas ng bago nitong celphone. Nang mabuksan niya na iyon ay kinonect nya ito sa wifi nila at nag open ng f*******:. May dati na siyang f*******: pero di niya ito gaanong nagagamit dahil di naman niya kailangan. Pinalitan niya iyon ng kanyang totoong pagkakilanlan Sumubok din siyang magpalit ng profile para ma-update iyon. maya-maya pa ay sunod sunod na tumunog ang kanyang notifications cheneck nya ito, May mga heart react at comments sa kanyang bagong profile. "after 4 years nag palit din, pero teka ba't iba na pangalan mo?" isa sa mga kaklase niya Nong highschool ang nag comment "Oo nga no? Hindi na Martina name mo Nadine na?" reply naman ng isang kaklase pa nila sabay mention sa kanya Imbes sagutin ang kanilang tanong ay nag iwan na lamang nagcomment si Nadin. "Kamusta kayong lahat, I'm back. Hindi na Martina ngayon ang kausap nyo, ako na si Nadine Dahil nahanap ko na ang totoo kong pamilya". anito at nag off na ng Facebook Sapat na aniya iyon para masagot ang mga katanungan ng mga dating kaklase niya. Humikab si Nadine inaantok na siya, kaya naisipan nitong matulog muna para bukas ay May lakas siya sa panibagong paglalaanan niya ng oras. SAMANTALA Hindi mapakali si Doc Matthew sa kanyang opisina, iniisip nito si Nadine. Naisipan niyang search ito sa sss at hindi nga siya nagkamali halos kapalit lang nito ng profile niya. Napangiti siya ng wala sa oras dahil nakita nanaman niya ang mukha ng taong nag pagtibok ng puso niya. "Ang ganda mo talaga miss Nadine. Hindi nakakasawanh tingnan ang mukha mo. Sana talaga May pag-asa ako sa'yo". bulong ni Mathew sa kanyang sarili. Sinubukan niyang gumawa ng Dummy account para e add si Nadine, baka kasi kapag ang totoong pagkatao niya ang gamitin niya sa pag add dito, baka isipin naman nitong Iniistalk niya ito. "Gunburn The Hotty" iyan ang napiling pangalan ni doc Mathew sa kanyang dummy account, in add niya si Nadine sa act na iyon at nag iwan pa ng comment sa naturang picture nito. "Nag pretty mo naman miss. Gusto kitang makilala at maging kaibigan. Sana ay ayos lang sayo". anito sa comment napangiti pa si doc Mathew ng macoment niya na iyon. Naghintay pa siya ng ilang minuto kong magreply sa kanya ang taong gusto nya. Subalit hindi iyon nangyari dahilan para malungkot si Doc Matthew. Kinuha na lamang niya ang picture nito sinabe, iwan niya kong bakit ginawa niya itong wallpaper sa kanyang celphone. Basta pakiramdam ni Mathew sumisigla siya lagi kapag naiisip niya si Nadine, lalo siyang sinisipag sa trabaho. Galit na galit si Justine hanggang ngayon kasi hindi padin nito nahanap ang asawa, lumayas ito ng hindi nagpapaalam sa kanya. Dahilan para hindi na ibigay sa kanya ng lolo nito ang kanyang pamana, sinabi daw umano ni Martina sa lolo nito ang pananakit na ginawa niya kong bakit ito iniwan. halos mag dalawang Linggo na ang nakalipas subalit hindi niya padin mahanap ito. "Nasaan kanaba Martina?! alam kong nasa paligid ka lang! hindi ako titigil hangga't hindi kita naiuuwi sa bahay! Asawa kita kaya wala kang magagawa kapag ginusto kong saktan ka"! mga salitang binitawan ni Justine bago muling lumabas ng bahay para makipagkita sa babae niya. Palinga-linga naman ang lolo nito sa isang tabi ,narinig nito lahat ng sinasabi ng apo niya tungkol kay Martina. Tama lang na umalis talaga ang asawa nito. Dahil maging siya ay hindi narin kilala ang ugali ng apo. Aalis siya ngayon para gawin ang plano niya, isa walang bisa ang kasal ng apo at ni Martina dahil tiyak nitong hindi pirpirma ang apo sa gagawin niya. Kaya ito ang naisip niyang paraan para mawalan ng bisa ang kasal ng dalawa. ANO NAMAN KAYA ANG PLANO NI JUSTINE KAPAG NAHANAP NITO SI MARTINA? ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD