Gabi na nang magising si Nadine. Kong hindi pa siya ginising ng isa sa kanilang kasambahay ay hindi pa siya magising.
maghahapunan na kasi at kailangan na nitong bumaba para kumain. Dahil andon Nadin sa hapag kainan ang kanyang Ina.
Tiningnan ni Nadine ang oras at pasado alasyete na ng gabi.
Nagpaalam muna siya sa kanilang kasambahay na mag hihilamos lang muna siya at susunod na lamang ito sa baba, tumango naman ang katulong saka siya iniwan sa kwarto niya.
Pagkatapos maghilamos ni Nadine ay bumaba narin siya, nadatnan niya ang ina na naghihintay sa kanyang pagdating.
Pagkakita sa kanya ay agad itong ngumiti at nilapitan siya para alalayanh makaupo sa tabi nito.
"Napahaba ata ang tulog ng anak ko ah" anang Ina nito
"Opo my, antok na antok po ako at parang pagod po". pag-amin nito sa kanyang Ina
"Okey lang iyan anak, ganyan talaga ang buntis antukin". nakangising sambit ng Ina
"Sige na kumain Kana May gulay akong pinalit kay manang Masarap siya magluto, alam kong magugustuhan mo ang lasa niyan. Kumain ka din ng isda maganda iyan sa pagbubuntis mo".
"Opo my, kakainin ko lahat ng nakahain". nakangiting tugon ni Nadine sa Ina
"Tama iyan, sige na kumain Nadin kayong lahat, hayaan nyo na kami dito ng anak ko". utos ni Nancy sa mga katulong niya sa bahay kasama na roon ang mga personal guards at drivers nila
kanya-kanya bading balik sa pwesto ang mga katulong para kumain sa sarili nilang mga mesa, tawanan at nag kwentuhan sila habang kumakain. Ganon din naman sina Nancy at Nadine bago sila natapos kumain.
After ilang minutes ay sabay na natapos ang dalawa, ganon din ang kanilang mga katulong kaya sabay-sabay Nadin nilang niligpit ang kanilang mga pinagkainan.
Nagpaalam na muli si Nadine sa Ina na aakyat na siya sa kanyang kwarto para doon na ito magpapahinga naiinitan din kasi siya at gusto nitong maligo para ma preskohan siya.
Pagdating niya sa kanyang kwarto ay mabilis siyang naghubad at pumasok sa banyo, para maligo.
Halos sampung minuto din ang itinagal niya sa banyo bago sya lumabas doon. Nagpalit Nadin siya ng damit pantulog at nahiga sa kanyang kama.
Naisipan niyang mag online sa kanyang f*******: account habang nagpapaantok
May nag pop-up agad sa kanyang notifications isang comment
ang nakagaw ng kanyang attention.
Pinuri siya nito at ginusto daw s'ya maging kaibigan. Inistlalk ni Nadine ang nag comment non, nakita din niya na en add sya ng lalaki
"gunburn The Hotty" ang naman nito. Ibig sabihin lalaki siya.
Inccept nalang agad siya ni Nadine at nag reply sa comment ng lalaki.
SAMANTALA
Halos tumalon ang puso ni Matthew ng tumunog ang kanyang celphone, inccept na kasi siya ng taong gusto nya. si Nadine.
plus May reply pa ito sa kanyang coment
Kong kanina halos binagsakan siya ng langit at lupa dahil sa lungkot, ngayon naman dinaig pa niya ang nanalo sa lotto dahil sa sobrang tuwa.
Dahil friends na sila sa sss ay napansin ni doc Mathew na online si Nadine kaya naisipan niyang e chat ito.
"Hi good evening miss beautiful 🥰". chat ni doc dito
nakita niyang typing si Nadine kaya halos kilig na kilig na siya at ayaw paawat
"Hello same to you, salamat sa pambobola". reply nito sa kanya
"Sus di bola yun talagang maganda ka:) Ano palang ginagawa mo?" reply naman ni doc sa kay Nadine
"nakahiga, nagpapaantok". Nadine
"mabuti naman." doc Mathew
Nag hintay ng ilang minuto si doc Mathew sa reply ni Nadine, pero Senen lang siya nito. Inakalang magrereply pa ang taong gusto nya.
sabagay ano ba naman kasi ang magandang erepy sa huling chat nya?
"Btw kumain kanaba? Wag ka palipas ng gutom ha". muling chat ni doc Matthew
nakita niya muling nag reply si Nadine sa kanya
"Yes po, tapos na". sagot nito
nag isip ng ibang topic si doc para mas humaba pa ang kanilang usapan 8pm palang naman kaya hindi pa ito makakaapekto sa pinagbubuntis nito.
"Gusto kitang maging kaibigan." chat ulit ni doc sa kay Nadine
"Sige ba, wala naman akong kaibigan eh.".reply ni Nadine
"Sige sure yan ha, mula ngayon kaibigan mo na ako. at kaibigan na kita lahat ng problema mo pwede mong ikwento sakin at makikinig ako'".reply ni Doc Matthew dito
"Sure yan ha, wag ka mahiyang mag kwento promise makikinig ako sa'yo". muling reply ni Doc dito
"Sige ba. Dahil kaibigan na kita ask ko lang paano mo nakita itong sss ko?" patanong na reply ni Nadine sa kanya
Syempre naghanap ng ibang paraan si Mathew kong paano niya iyon masasagot
"Suggestion lang eh, kaya nabighani ako sa'yo kaya in add kita agad hehe". reply niya kay Nadine
"Sus nambola ka naman sige na nga maniwala na ako, saan ka pala now? Gusto din kita makita in person". ani Nadine
muling nag isip ng erereply si doc Mathew dito dahil hindi pa panahon para magkita silang dalawa
"Hindi pa pwede eh, nasa ibang bansa ako dito sa US dito ang work ko siguro abutin pa ng tatlong taong bago ako makauwi ng Pinas." pagsisinungaling ni doc Mathew dito
"Hmm malayo kapa pala, dito lang ako sa Taguig sige ha sana after 3 years magkita tayo. ano ba pwede kong itawag sayo?" ani Nadine
"Ikaw na bahala". reply ni doc Mathew
"Buddy nalang kaya para best buddies ganun". anito
"Sige buddy nalang mas okey iyan."
"buddy inaantok na ako maaga pa ako bukas May klase pa ako". ani Nadine sa kanyang chat
"Nag aaral Ka pala? hindi ba makakasama sa iyo yan?" reply ni doc
huli na bago nito napansin na mali pala ang na e chat nya, baka magtaka ito sa huling sinabi niya
"Bakit makakasama sakin ang pag-aaral ko?" anito sa reply na para bang nagtataka
"I mean bawal ka nga magpuyat kasi baka makasama sa pag-aaral mo , kaya dapat matulog Kana para handa ang isip mo bukas sa klase". palusot na reply nito
"ahh heheh sige po buddy goodnight bukas ulit tayo usap". paalam nito
"Goodnight buddy". huling reply ni doc Mathew dito
Napaisip din si Mathew sa sinabi ni Nadine, nag aaral? paano e buntis siya?
siguro ang mommy nalang nya ang tatanungin niya about dito, sabagay pwede naman siya mag aral pero sa bahay lang siyempre sime private ang dating.
"hays Mathew kamuntikan kanang madulas sa kanya, masyado kang excited na ka chat mo sya." anang isip nya
"Pero sorry hindi niya naman iniisip na ikaw pala ang ka chat nya kaya lugi ka padin." sambit pa nito
"She's 22 and I'm 29 it's Okey 7 years lang naman ang tanda ko sa kanya eh, hindi na masama yun no"! pahabol niyang bulong sa sarili at nakangiting nakatingin sa kawalan, habang iniisip ang masasayang larawan nila ni Nadine.
ITUTULOY
KILIG TO THE BONE SI DOC AHHH TAMANG EMAGINATION MUNA TAYO..