Chapter 3 Bagong Kaibigan,

1249 Words
Mabigat ang aking kalooban habang sakay ako ng bus, bahala na kung saan ako mapapadpad sa lungsod buti na lang may gamit na pinadala si Inay. "Sana makahanap ako ng trabaho sa maynila pagdating ko doon," bulong ko, habang nasa byahe nakatulog ako ng hindi ko namamalayan. “Miss gising kana nandito na tayo sa Maynila." anas ng Konduktor. Habang ginigising ako iminulat ko ang aking mata, mahaba pala ang itinulog ko nakarating ako ng Maynila ng hindi ko namalayan, inilibot ko ang paningin ko sa loob ng bus napagtanto kong mag isa na lamang pala ako sa loob kaya mabilis akong bumaba anong gagawin ko ngayon wala akong mapuntahan, kahit may kunting kaba sa aking dibdib naglakad lakad ako kung saan ako makakarating, hanggang sa may makita akong isang babaeng mabilis na tumatakbo habang hinahabol ito ng apat na Pulis nagulat ako, ng patungo ang babae sa akin kinaroroonan, lalo akong nagulat ng tumigil ito sa akin tapat at may inilagay ito sa bag ko.! “Miss mamaya ko nalang kukunin sayo ang wallet itago mo muna," saad nito sa akin at muli itong tumakbo palayo dahil papalapit na ang apat na Pulis na humahabol sa kanya. “Miss wala ka bang napansin na Babaeng tumatakbo?," tanong ng isang Pulis ng huminto ang mga ito sa tapat ko. “Wala po sir," sagot ko. “May sa palos ata talaga ang babaeng yon?! Halina nga kayo at hanapin na lang natin siya may araw din ang babaeng yon!"narinig kong sabi ng isang Pulis bago umalis ang mga ito sa harapan ko. Napa buntong hininga tuloy ako ng malalim, bago ko pinag patuloy ang aking paglalakad. "Mag gagabi na saan kaya ako pwedeng matulog?," Hanggang sa may maramdaman akong may sumusunod sa akin ngunit hindi ako nag pahalata sa taong sumusunod sa akin nang maramdaman kong aatake na ito bigla akong humarap dito. Nagulat ako ng makilala ko ito Siya yung Babae kanina, bulong ko. “Anong kailangan mo?"tanong ko sa babae ngumisi lang ito sa akin bago mag salita. “Wag na tayong mag lukuhan alam kong alam mo ang kailangan ko,"saad ng babae sa akin. “ Aah ayon ba?" agad kong kinuha ang wallet sa loob ng aking bag na nilagay ng babae kanina at iniabot ko ito sa kanya, agad naman nitong kinuha sa kamay ko at agad nyang nilagay ang wallet sa bulsa ng kanyang pantalon. “Bagong salta ka lang ba dito?" tanong ng babae. hindi ako sumagot sa tanong niya nakatingin lamang ako dito. “Kung wala kang matutuluyan pwede kang tumira sa bahay ko pansamantala kung gusto mo?" alok ng babae sa akin. “Wag kang mag alala mag isa lang naman ako sa akin bahay," wika nito “Talaga ba?"saad ko sa babae biglang nagliwanag ang aking mata ng alukin ako ng babae,kaysa naman matulog ako kung saan saan. “Halika na kung sasama ka sa akin?"pag yaya,ng babae sa akin at naglakad na ito palayo kaya agad akong sumunod sa kanya. “Naglayas ka ba sa inyo?" “Parang ganun na nga," sagot ko. “Ilang tanong ka na ba?" “Twenty One na ako," sagot ko dito. “Magkasing edad lang pala tayo mag lalakad lang tayo pauwi, malapit lang naman ang bahay ko rito, ako nga pala si Jackie Mendez, Ikaw anong pangalan mo?" “Ako si Pamela Cruz," matipid kong sagot. Makalipas ang tatlong linggong pananatili ko sa bahay ni Jackie wala pa rin tumatawag sa in-apply ko sa trabaho, nahihiya na ako sa babae dahil wala man lang akong maitulong dito, saad ko habang nakaupo ako sa papag na hinihigaan namin ni Jackie, Sumama nalang kaya ako sa pandurukot nito, bulong ko. “Hoy! Pamela, parang ang lalim ng iniisip natin ngayon ah,"saad ni Jackie, hindi ko namalayan nakauwe na pala ito. “May problema ba Pamela?"tanong ni Jackie, habang itoy nagpapalit ng kanyang damit. “Wala naman may iniisip lang ako, Jackie, may sasabihin sana ako sayo, total, wala pa naman ako’ng trabaho pwede bang sumama nalang ako sa raket mo?"tanong ko. Lumingon si Jackie sa akin bago ito nagsalita. “Sigurado ka ba dyan sa gusto mo? Hindi madali ang pandurukot, parang ka laging nakikipagpatentero sa mga pulis. Tumango ako sa babae sabay ngiti ko sa kanya. “Kung ganun tuturuan kita bukas na bukas isasama kita sa raket ko,"saad ni Jackie lumawak ang ngiti ko kahit paano matutulungan ko na ito. Nagdaan ang ilang buwan matatawag na akong isang magaling na mandurukot, lahat ng kinikita namin ni Jackie sa pandurokot, ibinibigay din namin sa mga batang palaboy at sa pag aaral ng apo ni Lola Tasha na tinutulongan ni Jackie. “My Friend may lakad tayo ngayon kakain tayo sa labas,"anas ni Jackie sa akin. “Talaga ba? "tanong ko kay Jackie. “Oo,kaya bilisan muna ng magbihis dyan." Kaya binilisan ko ang aking kilos nag one trwo three lang ako sa pagligo, nagshort lang ako at tshirt na maluwag, nag tsinelas din lang ako dahil ayaw kung pag intayin ng matagal ang aking kaibigan. “Let’s go na my friend,"pagyaya ni Jackie sa akin. At sabay na kaming lumabas ng bahay nito isinarado muna ng babae ang bahay nito ng mabuti bago kami umalis, sumakay kami ng jeep, makalipas ang sandali pinara nito ang sinasakyan namin at sabay na kaming bumaba. “Jackie sigurado ka bang dito tayo kakain?”tanong ko rito ngunit ngumiti lang ito sa akin C.A restaurant basa ko. “Halika na basta magpanggap ka lang na isang mayaman. Saad nito sa akin, nababaliw na ba ang babaeng ito magpapanggap daw akong mayaman ganito ang itsura ko hindi man lang nito sinabi sa ganitong lugar kami pupunta lahat ata ng kumakain sa restaurant na yan! mga mayayaman bulong ko. “Jackie teka lang naman tignan mo nga suot ko naka tsenilas lang ako! saad ko rito. Tumingin naman ito sa paa ko at sabay ngiti nito sa akin. “Wagkang mag alala my friend ako ang bahala sayo." Anas nito habang,may ngiti ito sa kanyang labi at humakbang na ito papasok sa loob ng restaurant, kakamot kamot tuloy akong sumunod sa kanya. “Good morning ma’am" sabi ng guard sa amin na nagbukas ng pinto ng restaurant, tumango lang kami dito bago pumasok sa loob," Nakasimangot parin akong sumunod sa babae, habang naghahanap kami ng mauupuan, sa bandang dulo kami umupo. “Hoy!bakit hindi maipinta ang mukha mo? Tanong ni Jackie sa akin. “Nag tanung ka pa sagot ko dito habang, nakatulis ang aking nguso bigla naman itong tumawa ng malakas na lalong ikinainis ko. “Friend kahit anong isuot mo bagay sayo hindi ka mapagkakamalang mandurukot dahil sa ganda mo yan! Anas ng Babae sa mahinang boses “Ma’am ito po ang menu namin saad ng waiter na lumapit sa amin. Kinuha ko ang menu sa waiter at binuklat ko ito lumaki ang mata ko! Ng makita ko ang presyo ng mga pagkain, kinalabit ko si Jackie, upang tanungin eto “Friend may pera ka bang pambayad dito? Tumango ang babae nakahinga ako ng maluwag sa sagot nito, siya narin ang omorder ng aming makakain Inikot ko ang aking paningin sa loob ng restaurant dahil namamangha ako, pansin kong puro mayayaman ang kumakain rito hanggang sa, mapatapat ang paningin ko sa isang Lalaki," Pansin ko sa akin din ito nakatingin, gwapo ang lalaki siguro mas gwapo eto sa mas malapitan? bulong ko. Inirapan ko ang lalaki ng hindi parin nito inaalis ang tingin neto sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD