Chapter 1:
“Pamela wala ka na bang alam na gawin kundi makipag basag-ulo huh? Hindi ka ba nahihiya sa amin ng Nanay mo? Puro problema na lang ang ibinibigay mo sa amin! Matanda ka na at sana kumilos ka naman sa naaayon sa edad mo!”Sermon sa akin ng aking Ama.
Bigla akong napayuko at pinakinggan ang sermon sa akin ng aking Ama.
“Hindi naman kami nagkulang ng pangral sayo pinag aaral ka namin para sa kabutihan mo, magpakatino kana!” Tuloy-tuloy na sabi ni Itay.
“Pasensya na po kayo itay hindi na po mauulit,” anas ko sa aking Ama habang
nakayuko pa rin ang aking ulo.
“Ewan ko sa ’yong bata ka maaga akong makakalbo sa mga pinaggagawa mo!” galit na sabi ni itay.
“Mando!”
Narinig kong sigaw ni inay habang nasa labas ng bahay. Para itong tumatakbo at nagmamadaling makapasok sa loob ng bahay.
Mabilis naman lumingon si itay upang alamin kung ano ang nangyayari.
“Linda, bakit panay ang sigaw mo ano’ng nangyayari sa iyo? Akala ko ba’y nasa bayan ka para mamalengke?”
Tanong ni itay sa aking ina.
“Mando, ang anak mo! May ginulpi na naman. Anak pa naman ni Kapitan ang binugbog ng batang iyon! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang iyon! Sumasakit ang ulo ko sa kanya. Ngayon ano ang gagawin natin? Paano kung ipakulong siya ni kapitan?”
Tuloy-tuloy na salita ni Inay.
“Nasaan na ba ang batang iyon?
Makakatikim talaga siya sa akin!” palatak ni
Inay.
Itinago ko ang mukha ko. Hindi siguro ako napansin ni Inay kanina nang pumasok ito sa loob ng bahay. Nakatalikod kasi ito sa
akin habang kausap ito ni Itay.
“Ayan ang anak mong pasaway at nasa likod mo lamang,” saad ni Itay.
Kaya lumingon si Inay sa gawi ko.
Habang nakaupo sa hindi kalakihan naming sofa rito sa sala.
Kumaway ako sa aking Inay habang napapa-cute ako, mabilis naman nakalapit si Inay sa aking kinaroroonan. At sapiltan akong pinatayo at bigla na lang akong pinagpapalo sa puwet, gamit ang kamay
"Aray! Inay masakit po!”
“Talagang masasaktan kang bata ka! Puro sakit ng ulo na lang ang ibinibigay mo sa amin ng Itay mo!” galit na salita ni Inay sa akin.
Habang tuloy-tuloy pa rin akong pinapalo
sa puwet ng aking Ina.
“Inay naman matanda na po ako para paluin
nyo pa po ako!” wika ko.
Huminto naman si Inay sa pagpalo nito sa aking puwet. At muling humarap ang Inay
sa aking itay.
“Mando, pagsabihan mo ang batang ‘yan!”
Anas ng aking ina habang nakaturo ang hintuturo ni Inay sa akin bago ito umalis.
“Masaya, ka ba Pamela? Sa problemang naidulot mo sa amin ng Nanay mo huh? Ayaw ko ng maulit ito, oras na maulit pa ito hindi ako magdadalawang isip na palayasin ka. Naiintindihan mo ba, Pamela?” Galit na anas ng aking Ama.
“Opo,” sagot ko sa aking Itay. Habang nakayuko ang aking-ulo.
“Ngayon pumasok ka na sa silid mo, at ‘wag kang tatakas,” dagdag pa ni Itay.
Tumango na lamang ako sa aking Ama bago ako pumasok sa aking silid.
Pagpasok ko sa aking silid, pabagsak akong nahiga sa aking kama habang nag-iisip ako ng malalim kung paano ko lalambingin ang aking Inay. Mahirap pa naman suyuin ito pag nagtatampo,Isang linggo bago ka niya kakausapin ,bakit ba kasi lapitin ako ng gulo siguro pinaglihi ako sa siling labuyo? Mabilis kasing uminit ang ulo ko.
Simula, ngayon mag-aaral na akong mabuti para matuwa naman, ang aking mga magulang. Iwas muna ako sa pag bibilyard upang makaiwas na rin ako sa gulo.
Makalipas ang sandali sa malalim kong pag-iisip, nakaramdam ako ng antok kaya hinayaan ko na lamang pumikit ang aking mata. Bigla akong nagising sa aking pagkakaildip ng may marinig akong kumatok sa labas ng pintuan ng aking silid. Nagmamadali akong tumayo at mabilis ko itong binuksan, nakita kong si Itay ang kumakatok.
“Itay bakit po?” tanong ko.
“Lumabas ka na d’yan at kakain na tayo ng hapunan,” wika ni Itay.
“Opo susunod na po ako,” sagot ko sa aking itay.
Tumango lang naman si Itay sa akin, bago umalis sa aking harapan, bago ako lumabas ng aking silid ay sinuklay ko muna ang mahaba kong buhok. Pagkatapos kong suklayin ang aking buhok dali-dali akong lumabas ng aking silid para pumunta sana sa hapag kainan nang marinig kong nag-uusap, ang aking mga magulang kaya mabilis akong nag-tago at pinakinggan ko ang kanilang usapan. Oo alam kong
masama makinig sa usapan ng iba pero...
“Mando, anong sabi ni kapitan?” Narinig, kong tanong ni Inay sa aking Ama
Huminga muna ng malalim si Itay bago ito nagsalita.
“Tayo raw, ang magpapagamot sa kanyang
anak hanggat hindi raw ito gumagaling,”
sagot ng aking Itay sa aking Inay.
“Ngunit, saan tayo kukuha ng pera na ibibigay sa kanila? Alam mong kinakapos rin tayo ngayon,” wika ni Inay.
Napabuntonghiniga ako sa aking narinig. Sakim talaga ang Kapitan na iyon bulong ko. Hindi, naman malala ang ginawa ko sa anak ni Kapitan," Binigyan ko lang naman ito ng black eye sa dalawa nitong mata, hindi naman sana ito mabubugbog kung hindi niya ako dinaya,
Lumabas na ako sa aking pinagtataguan at humakbang ako papuntang hapagkainan. Tumigil naman ang mga ito sa kanilang pag-uusap ng makita nila akong papalapit. Tumingin ako sa aking Ina ngunit hindi man lang niya ako pinasin,
Bigla tuloy bumigat ang aking pakiramdam. Umupo na lamang ako sa bangkong upuan, nakita kong tinolang manok ang nakahain sa aming maliit na hapagkainan. Kahit masarap ang ulam parang wala akong ganang kumain dahil kay Inay. Hindi kasi ako sanay na hindi pinapansin.
“Pamela, bukas na bukas pupunta tayo sa Barangay Hall, kakausapin ka raw ni Kapitan tungkol sa pambububog mo sa kanyang anak,” saad ng aking Ama.
“Opo Itay,” sagot ko.
Akala ko ba nakausap na ni Itay si kapitan, bulong ko sa aking sarili.
“Pamela,” tawag sa akin ng aking Ama kaya nagtaas ako ng aking ulo.
“Pagkatapus natin kumain hugasan mo, lahat ng hugasin,” utos ni Itay sa akin, tumango lang ako rito.
At muli kong ipinagpatuloy ang aking pagkain ngunit parang walamg lasa ang aking kinakain, sumulyap ako sa aking Ina ngunit wala pa rin itong imik,s iguro, masama talaga ang loob nito sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako.
Makalipas ang sandali, natapos na rin kaming kumain kaya inumpisahan ko ng iligpit lahat ang mga hugasin at sinimulan ko na itong hugasan sa lababo.
Ilang saglit pa, natapos ko na rin lahat ng hugasin at pumunta ako ng aking silid upang kunin ang aking tuwalya dahil balak ko nang maligo. Tiningnan ko ang oras sa orasang nakasabit sa pader, alas otso na pala ng gabi.
Pagkatapos kong makuha ang aking tuwalya dali dali akong lumabas at dumiretso sa banyo sa labas ng bahay, tinignan ko ang malaking timba kung merong lamang tubig ngunit wala itong laman kaya agad akong nag-igib ng tubig sa poso na aking pam paligo Ng matapuno ko ng tubig ang malaking timba ay agad akong pumasok ng banyo at sinimulan ko ng maligo. Makalipas ang sandali na tapos na rin ako sa aking pagligo.
Hindi ko na nakita sila Inay at Itay sa sala ng lumabas ako ng banyo. Siguro pumasok na ang mga ito sa kanilang silid para matulog.