Chater 2 Pagpapalayas,

1311 Words
Kinabukasan maaga kaming pumunta ni Itay, sa Barangay hall gusto raw akong makausap ni Kapitan,pagdating namin sa Barangay hall nandito narin si Kap, kasama nito ang kayang anak na aking nilagyan ng black eye napa hagikgik tuloy ako ng makita ko ang itsura nito, para itong may suot na salamin sa mata dahil sa black eye nito. Bigla na lang akong hinampas ni Itay sa braso ng marinig nito ang pag hagikgik ko. " Pamela, tumigil ka! baka may makakita sayo!" saway ni Itay sa akin, kaya napa hinto ako sa pag hagikgik ko. "Magandang umaga po Kapitan," pagbibigay galang ni Itay, habang nasa harapan na kami ni Kapitan, sumulyap lang si Kap sa amin bago ito nag salita. "Akala ko pinatakas mo na ang anak mo," saad nito sa aking Ama Na'ng siyang ikinasalubong, tuloy ng aking kilay dahil sa sinabi nito sa aking Ama. "Hindi ko yon gagawin, na patakasin ko ang anak ko,"sagot naman ni Itay. "Kung ganun hindi kona papatagalin ang aking sasabihin,ipapaalam ko lang sa inyo hindi na kami mag sasampa nang kaso laban sa anak mo, ngunit kayo ang gagastos ng pampagamot ng aking anak, tatlong buwan ang magiging gamotan ng aking anak linggo linggo mag aabot kayo ng limang libo para sa pambili ng gamot ng aking anak,"dagdag pa ni Kapitan. "Mawalang galang na po ngunit wala kaming perang ibibigay tuwing linggo malaki po ang limang libong hinihingi nyo, hindi po namin kayang magkaroon ng ganyan kalaking halaga baka pwedi nyong bawasan?"pakiusap ni Itay. "Hindi ko na problema kung wala kayong pera!"saad nito sa aking Ama. "Pwede kayong makabayad, kung papayag ka ipapahiram mo sa akin ang anak mo nang isang gabi lamang, mukhang sariwa at bata pa naman ang anak mo,"nakangising saad ni Kapitan sa aking Ama. Nakita kong nag igting ang panga ni itay alam kong nagpipigil lang ito ng galit. "Parang hindi po ata tama ang sinabi niyo,naturingan ka pa naman isang Kapitan ng baryo natin ngunit bastos ang lumalabas sa bibig mo!" may diin na saad ni itay. "Kung ayaw mo tanda makipag sundo sa hinihingi namin mas mabuti siguro itutuloy ko na lamang ang pagpapakulong sa anak mo!”nangigil na sambit nito kay Itay. Kuyom ang dalawang kamay ko sa pananakot nito kay Itay. "Kung hindi lang nagpupumilit samahan ako ni Itay, kanina pa sana ito nagkaroon ng black eye sa mata si Kapitan sa akin," nangigigil kong bulong .Hindi na ako nakatiis kaya nagsalita, narin ako. “Parang mali naman po ata ang gusto nyo mangyari?! Hindi naman po tama na singilin niyo kami nang ganyan kalaki!.. tiyaka hindi ko naman kasalanan kung bakit nagkaroon ng black eye sa mata ang anak niyo! Kung hindi ba naman mandaraya ang lalaking yan, hindi sana siya magkakaroon ng black eye sa mata!" nanggigil kong sambit Kay Kapitan. Nakita kong kumunot ang noo ng mag-ama dahil sa sinabi ko. "Kung ayaw niyo magbayad siguro ipapakulong nalang kita!” pagbabanta ni Kapitan sa akin. Akala siguro ng mukhang perang matandang nito matatakot ako sa pagbabanta nito. “Bakit hindi mo gawin Kapitan?!" nanggigil kong sambit dito. habang nakangisi ako sa kanya, na lalong ikinakunot ng noo nito dahil sa aking sinabi. "Pamela tumigil ka!" sigaw naman ng aking Itay habang nakatingin ito ng masama sa akin. “Sige po Kap, pumapayag na kami sa gusto niyo," Saad ng aking Ama. "Mabuti naman tanda at pumayag kayo sa gusto ni daddy," sabat naman ng anak ni Kapitan at ngumiti ito sa amin ng mapang uyam. “Hoy! Mukhang panda parang negosyo ang pagkakaroon mo ng black eye sa mata ah!"anas ko rito, nakita kong nag igting ang panga nito dahil sa akin sinabi. “Kapitan, baka gusto niyo rin po'ng mag mukhang panda lalagyan ko rin kayo ng black eye,para doble na ang magiging singil nyo sa amin!"anas ko. "Bastos kang babae ka! Baka dito pa lang may pag lalagyan na kayong mag ama!”Hiyaw ni Kap sa akin habang kuyom ang dalawa nitong kamay. "Pasensya na kayo Kap sa inasta ng aking anak,"sabat naman ng aking Ama. “Pag sabihan mo yang anak mo tanda! ang bastos ng bunganga baka dito pa lang pulutin na yan sa kulungan!"saad ni Kapitan habang nanlilisik itong nakatingin sa akin, hindi rin ako nagpatalo dito tinitigan ko rin ito ng masama. "Babae parang may ibig sabihin ang tingin mong yan?!"anas ni Kap sa akin. “Gusto nyo bang malaman kung anong ibig sabihin ng tingin ko?" nanggigil kong wika kay Kapitan, saglit na nag isip ito bago nagsalita. "Ano yun?" tanong ni kapitan sa akin Hindi ko na sinagot ang tanong ni Kapitan mabilis ko itong nilapitan sa kinaroroonan niya at walang pakundangan ko itong pinag susuntok sa magkabilaan nitong mata, hindi agad ito nakagalaw dahil sa ginawa ko habang hawak-hawak nito ang kanyang dalawang mata at bigla itong sumigaw ng malakas. "Animal kang babae ka!May paglalagyan ka talaga sa akin!”anas ni kapitan habang hawak parin nito ang kanyang dalawang mata.Ngunit wala akong nararamdaman takot. Nakita kong palapit ang anak ni Kapitan sa akin, upang suntukin sana ako ngunit mabilis kong nahawakan ang kamay nito, at agad kung pinilipit ang kanyang kamay, napasigaw ang lalaki sa sobrang sakit hindi pa ako nakontento pinagkalooban ko pa ito ng mag kakasunod na sipa sa tagiliran, namilipit ito sa sakit bago ito napaluhod sa sahig ang anak ni Kapitan. "Hayop kang babae Ka! Pagbabayaran mo ito ng mahal!”hiyaw ng anak ni Kapitan habang hawak nito ang kangyang kamay. “Ngayon Kapitan may dahilan ka na upang maipakulong muna ako" saad ko rito. Tumingin naman ako kay Itay kita sa kanyang mukha ang pagkagulat dahil sa aking ginawa. “Palabasin ang mag amang yan! At kaladkarin sila palabas!"galit nitong utos sa mga tauhan nito. Mabilis naman sumunod ang mga tauhan ni to sa kanyang utos at agad kaming kinaladkad palabas. “Bitawan niyo nga kami marunong kaming lumabas mag isa!,” hiyaw ko sa mga lalaking kumakaladkad sa amin. Habang nagpupumiglas ako nakita kong bigla nalang itinulak si Itay sa labas kaya napaupo itong bumagsak sa lupa, agad akong lumapit kay Itay, upang sana alalayan itong tumayo dahil nag alala ako baka nasaktan ito ngunit tinabig lang nito ang aking kamay tumayo itong mag isa at naglalakad na pauwi, napabuntong hininga na lamang ako bago sumunod kay Itay. "Pamela ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo sa pamamahay na ito!, pinagsabihan na kita wag ka ng gagawa ng gulo pero hindi ka parin nakinig, malaking gulo na ang idinulot mo!,”Si kapitan pa talaga kinalaban mo huh!"galit na hiyaw ni Itay sa akin habang nakayuko ang aking ulo "Sorry po talagang hindi ko lang po napigilan ang galit ko kay Kap,"paliwanag, ko kay Itay. "Dahil dyan sa katapangan mo pati kami ng Nanay mo nadadamay sa kalokohan pinaggagawa mo!,kung alam ko lang noon, puro problema lang Ibibigay mo sa amin sana hindi na lang kita inalagaan!," galit pa rin sigaw ni Itay. “Lumayas ka na dito ayaw na naming madamay sa problemang daladala mo! Linda ayusin mo lahat ang gamit ng batang iyan simula ngayon wala na tayong anak na suwail!" galit na saad n Itay. Hindi ko napigilan hindi tumulo ang aking luha sa sinabi ni Itay sa akin, ngayon lang niya ako pinag salitaan ng ganito, sobrang bigat sa dibdib kahit hindi ko sila tunay na magulang alam kong minahal din nila ako. “Mando tama na yan anak parin natin si Pamela."anas ni Inay habang umiiyak ito." " Wala akong anak na matigas ang ulo!" “Pero Mando." “Inuulit ko Linda ayusin mo ang gamit ng batang yan! At palayasin siya!,"sigaw muli ni Itay, Walang nagawa si Inay kundi sumunod sa inuutos ni Itay hindi na ako nagmakaawa kay Itay mabuti na siguro umalis na lamang ako para hindi na sila magkaroon ng problema sa akin bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD