“Pamela” tignan mo ang Lalaking gwapo na yon sa kabilang table pansin,kung kanina pa siya patingin tingin sayo."
Saad ni Jackie, na parang sinusundot ang puwet nito habang kinikilig.
‘Wag ka ngang masyadong mag pahalata baka kong anong isipin, sa atin ng lalaking yan"! saad ko sa babae.
“May plano ako friend bakit hindi mo kaya gamitin ang karisma, mo sa kanya? Sya na lang ang targitin natin ngayon, total naman hindi dumating yung lalaking, lagi kong dinudukotan pero ikaw ang gagawa."
Saad ng babae sa akin.
“Kanina ko pa yan iniisip friend nakaplano na yan sa utak ko kukuha lang ako ng tamang, pagkakataon."
Sagot ko kay Jackie, na syang ikinangiti nito.
Makalipas ang sandali dumating na ang order namin pag kain ng kaibigan ko.
“Ma’am ito na po ang order niyo "
Magalang na sabi ng waiter na Lalaki bago nito ibinaba ang pagkain, sa table namin salamat saad ko , sabay ngiti ko sa kanya ngumiti rin itong na parang nahihiya sa akin
Sumulyap ulit ako sa lalaking nasa kabilang table lamang, baka kasi bigla itong umalis hindi pa matuloy ang balak ko sa Lalaki, ngunit sa pagsulyap ko sa kanya nag tama ang aming paningin, dalawa hindi ko alam kung anong nilalaman ng utak nito para itong galit dahil sa tabas ng mukha nito,ano kaya ang problema ng lalaking ito hindi kaya nakalunok ito ng buto?” bulong ko , at iniwas ko na lamang ang paningin ko sa kanya,
“Friend kumain kana saad ni Jackie sa akin.
Hoy Pamela anong ginawa? Mo doon sa
Lalaking nasa kabilang table, bakit ganun ang itsura niya parang gustong mag amok! habang nakatingin sayo.
Wika ng kaibigan kong luka luka ngunit hindi ko ito pinansin sa sinasabi, nito dahil busy ako sa kinakain ko.
Ilang saglit pa nakita ko sa gilid ng mata ko na tumayo ang lalaki, kaya nagsinyas ako kay Jackie gamit ang mata ko nakuha naman nito ang ibig kong sabihin, ng tumayo ang lalaki tumayo na rin kami ng kaibigan ko para sudan ang lalaki palabas ng restaurant, pero bago kami umalis nag iwan muna si Jackie, ng pera sa ibabaw ng table bayad sa aming kinain ng tuluyan makalabas ang Lalaki ay mabilis din kaming lumabas ng restaurant, para sundan ang Lalaki nakita ko naman ito agad may kausap itong mga nakaitim na Lalaki siguro mga tauhan niya ang mga kausap nito bulong ko.
“Jackie alam mo na ang gagawin mo? lalapit na ako sa kanya saad ko.
Tumango ang kaibigan ko sa akin kaya mabilis akong nag lakad papalapit sa kinaroroonan ng Lalaki, hindi ako nagpahalata sa kanya at sa mga tauhan nito, papalapit pa lamang ako, alam kong nakatingin na ito sa akin kaya hinawakan ko ang aking ulo habang naglalakad, at sa tabi niya talaga ako dumaan,ng saktong nasa tapat na niya ako nagkunwari akong nahihilo, habang hawak ko pa rin ang aking ulo at nagkunwari din akong parang matutumba, naramadaman ko na lamang may mga braso na sumalo sa akin.
“Ms, okay ka lang ba?”
Tanong nito sa akin habang hawak pa rin niya ako sa aking baywang, at dahan dahan kong iminulat ang aking mata at nag tama ang aming paningin, sa pangalawang pagkakataon, sabi ko na nga ba mas gwapo ang Lalaki sa malapitan, matangos ang ilong nito at may mapupungay na mata na parang may, nakatagong kong ano doon malalim kung makatitig parang binabasa niya ang buong pagkatao ko.
“Oo ayos lang po ako Kuya,sagot ko sa Lalaki.
Ngunit nag umpisa ng gumalaw ang isa kong kamay, habang ang isang kamay ko ay nakakawit sa leeg ng Lalaki, mabilis gumalaw ang kamay ko papunta sa likod ng bulsa ng pantalon nito at walang, kahihirap kong nakuha ang aking pakay mula sa bulsa sa likod nito, sumulyap, ako sa aking kaibigan at pasimple ko itong sininyasan gamit ang mata ko, nakuha naman nito ang ibig kong sabihin kaya mabilis itong nakalapit sa amin at pasimpleng nitong kinuha, mula sa aking kamay ang bagay nahawak ko mula sa likod ng lalaki at mabilis nitong nailagay sa kanyang bag.
Gusto ko ng maka alis sa mga braso ng Lalaki, dahil iba ang aking nararamdaman mula sa kanya para ako sinisilaban.
“Ah kuya ako na po bahala sa kaibigan ko
kaya siguro siya, nahihilo dahil sa nasubrahan ata siya ng kain.
Baliw na sabi ng aking kaibigan habang nakangiti ito at mabilis naman akong inaalayan ng Babae, nakita kong biglang sumimangot ang Lalaki sa sinabi ng aking kaibigan gusto kong humagalpak ng tawa ngunit hindi ko magawa dahil baka makahalata ito na umaarte lamang ako.
“Salamat sa tulong mo kuya sige aalis na kami wika ko.
Pasimple kong kinirot si Jackie para maka layo, na kami sa harapan ng Lalaking ito kaya inalalayan ako ng aking kaibigan sa aking pag lalakad, halos gusto ko ng tumakbo palayo dahil alam kong nakatingin pa rin ang Laki sa amin habang kami naglalakad palayo.
“Jackie bilisan natin maglakad, reklamo ko dito
“Pag binilisan natin maglakad baka makahalata, si pogi.
Sagot ng kaibigan kong baliw at lalo pa niya pa talagang binagalan, ang paglakad namin para inisin ako habang nakaalay, ito sa akin kaya pasimple ko itong kinurot sa tagiliran nito.
“Aray ko!” Ang sakit nun huh! Mamaya ka sa akin Pamela!
“Anong naman ang gagawin mo sa akin aber?
Mabilis akong bumitaw sa kaibigan ko ng alam kong malayo, na kami sa Lalaki at naglakad na parang walang nangyari.
“Friend anong naramdaman mo habang yakap mo si handsome boy?
Tanong ni Jackie ano nga ba ang naramdaman ko kanina, para lang may gumapang na kuryenti sa buong katawan ko at para akong sinisilaban kanina, naiilang ako sa titig ng lalaki, na para bang hinahalukay ang buong pag ka tao ko bulong ko.
“At isa pa friend manang mana ka talaga sa akin pati galawan ko at bilis, ng kamay kuhang kuha mo.
Pag yayabang ng aking kaibigan iiling iling na lang ako dito, sa pinagsasabi nito.
“Oh ito yung nadikwat,mo sa lalaking yon.
sabay abot ni Jackie sa akin ang hindi kalakihan box, agad ko tong kinuha mula sa kamay nito ang box at sabay lagay ko sa bulsa ng aking short sa bahay na lang ng aking kaibigan, titignan kong anong nasa loob ng box sana isang mamahalin ring bulong ko.