Sumakay na kami ni Jackie ng jeep upang makauwi na kami ng Sta Garcia,”kung saan nakatira ang Babae.
“My friend nakita mo na ba?kung ano ang laman ng box?”
Tanong ng kaibigan ko sa mahinang boses.
“Hindi pa pagdating na lang sa bahay mo friend ko, titignan baka kasi may makakita bulong ko rin sa kanya, tumango lang sa akin ang babae.
Makalipas ang ilang minuto nakarating na rin kami ng Sta Garcia, kung saan kami nakatira ni Jackie,
“Manong para po sabi ni Jackie, huminto naman ang sinasakyan namin jeep kaya mabilis na kaming bumaba at nag lakad na kami papasok ng kanto nasa bukana pa lamang kami,”pansin kong marami nanaman nag iinuman sa tabi ng daanan halos araw araw na yata silang nag iinuman bulong ko.
“Oy mga pare dumarating na ang rena at prinsesa ng mandurukot!”
Sigaw ng isang tambay na bangag na ata sa alak ngunit hindi na lang namin, pinansin ni Jackie ang pang aalaska ng Lalaking bangag
at tuloy tuloy,” lang kami sa aming paglalakad
Ngunit hindi pa kami halos nakakalayo sa kanila may biglang humarang sa aming dinaraanan,"
kakamot kamot tuloy ako sa aking ilong, ito pa naman ang ayaw ko yung naiistorbo ako bulong ko.
“Ikaw nanaman buknoy hindi kana ba nadadala, sa kakasapak ko sayo ?!
Hiyaw ng aking kaibigan sa lalaki.
“Mayabang ka babae nakakatyamba ka lang kaya lagi mo akong nasasapak, pero ngayon hindi na mauulit na masapak mo ako! Sigaw din Lalaking bangag.
“Friend dito muna ako sa tabi, ayaw kong madamay, sa away nyo ng mukhang kuhol na yan! Saad ko kay Jackie,”na ikinatawa naman nito ng malakas.
Biglang kumunot ang noo ng Lalaking mukhang kuhol dahil, sa narinig nito ang aking sinabi, lalayo na sana ako sa dalawa ng,bigla itong nag salita.
“Hoy Babae anong sabi mo?! Mukha akong kuhol! hindi mo ba alam? halos lahat ng kababaihan dito sa lugar na ito,” halos lahat sila nagkakandarapa silang tikman ako!
Sigaw nito sa akin na ikinangiwi ko.
Pare mukha ka raw kuhol! panunukso ng kasama nitong mukha rin pinaglihi sa iwan.
“Hoy lalaking mukhang kuhol!” wala akong paki alam kung lahat ng babae dito,” nagkakandarapa na tikman ka puwes,” kami ng kaibigan ko ibahin mo kami dahil hindi kami, pumapatol sa mukhang kuhol na iwan kong saan ipinaglihi!
Sigaw ko rin sa lalaki, na ikinatawa nanaman ni Jackie ng malakas,”
“Mayayabang kaayong dalawa!” Akala nyo ba makakaalis kayong dalawa rito.!
Hiyaw ng Lalaki habang dinuduro kami ng kaibigan ko.
Pinagtawanan lang siya ni Jackie sa pagbabanta nito sa amin, na hindi na raw kami makakaalis kaya lalong nainis,ang lalaki sa kaibigan ko.
“Hoy kayo bigyan ng leksyon, ang dalawang yan.! Utos ng Lalaking mukhang kuhol sa mga kasamahan nito.
Mabilis naman sumunod ang mga kasama,”nito sa kanyanyang pinag uutos. Kaya naghanda kami ni Jackie sa pag atake ng apat na Lalaki,” mabilis akong umilag sa balak sanang pagsuntuk ng isang Lalaking unang nakalapit sa akin,” at sumunod naman. ang isang lalaking balak akong sipain Sa mukha kaya mabilis kong iniyuko ang aking ulo at mabilis akong gumalaw at agad nakalapit dito at magkakasunod ko itong pinagsusuntok,” sa kanyang sikmura nakita ko itong napaluhod sa lupa at namimilipit sa sakit, Mabilis ulit akong gumalaw dahil papasugod ulit ang isang Lalaki na balak akong paluin ng kahoy nyang hawak,” ngunit mabilis akong umikot habang nakatapak ang aking paa, sa lupa at sabay taas ko ng isa kong paa at sabay sipa sa panga ng Lalaki na ikinabagsak nito agad,’ dahil sa tama nito sa panga napasulyap naman ako kay Jackie," habang nakipaglaban pa ito sa dalawang Lalaki, “magaling din si Jackie sa pakikipag laban dahil hindi makatama sa kanya ang dalawang Lalaking kalaban nito,napansin kong aatake ang Lalaking tinawag kong mukhang kuhol sa Kaibigan ko, balak sana nitong saksakin ng patalim si Jackie ngunit hindi natuloy ang balak nito dahil mabilis Akong kumilos nakakita ako ng hindi kalakihan bato agad ko itong inipit sa dalawa kong paa at sabay sipa sa bato ng malakas patungo, sa Lalaking mukhang. Kuhol sapol na sapol ito sa noo na ikinagulat nito partida dahil naka tsinelas
lamang ako.
Mabilis nakalapit si Jackie, sa Lalaking mukhang kuhol at walang awa nitong pinag sisipa sa tiyan ang Lalaki hanggang sa tuluyan na itong bumagsak,” sa lupa ang Lalaki.
“Ang galing mo pala Pamela, sa pakikipag laban manang mana, ka talaga sa akin.
Anas ng babae iiling iling lang ako dito sa pagyayabang nito.
Pagdating sa bahay ay nagmamadali akong pumasok sa loob ng kwarto ni Jackie, upang tingnan ang laman ng box baka,kasi isang diamond ring ang laman, kaya exited akong buksan ang box ngunit ng buksan ko ito nawala ang exciment sa aking mukha, dahil isang susi lamang ang laman neto ngunit kakaiba ang itsura ng susi dahil para etong tunay na ginto at napapalibutan ng parang mga diamond na maliliit sa gilid gilid ng susi,totoo kaya ito pwede ko kaya etong ibinta bulong ko habang sinusubukan ko etong kagat kagatin hanggang sa binalik ko na lamang ang susi sa loob ng box,
Tiyaka ko na lang iisipin kong totoo nga ito at tyaka baka puwet lang ng baso ang batong nakapalibot dito sa susi kaya itinago muna ito sa aking damitan, sa isang araw ko na lang ito ipapatingin sa sanglaan kung tunay na ginto at diamond, ang nakapalibot sa susi bulong ko.
“Kinabukasan nagising akong bihis na bihis ang aking kaibigan,” kaya tinanong ko ito kung saan ito pupunta.?
“Jackie parang bihis na bihis, ka yata saan mo nanaman balak pumunta?”tanong ko kay Jackie,
“Friend hindi lang ako ang aalis,kasama ka rin. sagot nito.
“Saan ba tayo pupunta ?” tanong Ko ulit dito.
“ Papasyal tayo friend tutungo,” tayo ng C.A mall.“
Hey! baka may makilala sa atin doon? anas ko kay Jackie,hindi kaya ang C.A, mall at yung restaurant na pinuntahan, natin kahapon ay iisa lang ang may ari?” Tanung ko rito.
“Hindi malabong mangyari yun dahil parihas, lang ng pangalan. Sagot nito.
“Bakit doon tayo pupunta?”, Tanong ko sa kaibigan ko.
“Dahil kong kahapon wala sa restaurant yong Lalaking,” lagi kong dinudukotan tiyak andoon yon malamang sa C.A ,Mall.
Sagot ng Babae sa akin.
“Kaya kumilos ka na po at sasama ka sa akin, kumain kana rin nagluto na rin ako ng almusal."
kaya bilis bilis ang kilos ko, kumain muna ako ng almusal bago ako naligo.
Paglabas ko ng banyo, naka ayos na ang Babae at naka todo make up na rin ito
Ibang iba ang ayos ng Babae ngayon para talaga itong isang mayaman,lalo rin itong gumanda at mapagkakamalan mo rin syang isang mahinhin na Babae.
“Oh my friend ito ngayon, ang isuot mo