Chapter 40

2116 Words

Isang linggo ang nakalipas matapos ang nangyari sa akin at maliit na lang ang sugat ko sa tiyan kaya naman nakakakilos na ako ngunit limitado pa rin ang bawat galaw ko. “Tapos ka na ba, Eva!?” sigaw ni Max sa labas ng kwarto at tinitigan ko ulit ang aking mukha kung maayos na ang aking make-up. Makikipagkita kami ni Max kay Kristina dahil pag-uusapan ngayon ang muling pagbubukas ng kompanya. “Oo, tapos na ako!” sagot ko sa kanya at pinulot ko ang purse ko at tuluyan na akong lumabas. Namangha ako kay Max dahil sa kasuotan niya ngayon. Talagang masasabi kong swerte ako at siya ang napunta sa akin. “Tara na at ayokong pinaghihintay si Kristina,” iritable niyang sabi sa akin at nagmadali na kaming nagtungo sa labas. Hindi siya kumikibo habang nagmamaneho siya. Hindi na rin ako kumibo at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD