Cbapter 39

2095 Words
“Magpahinga ka na muna at ang magandang gawin habang di pa magaling ang sugat mo, aralin mo ang bawat produkto at kompanya natin. Pati ang mga investors, yung kahinaan at lakas ng bawat isa,” payo sa akin ni Max at hinalikan ang noo ko saka muling tumayo pero agad kong hinila ang kanyang kamay. “Tandaan mo, hindi ka na nag-iisa,” aniya ko sa kanya at ngumiti siya sa akin. Nang tuluyan siyang makaalis, agad akong nakaramdam ng pagod dahil sa mga nalaman ko. “HETO ang listahan ng mga taong mahalaga sa ating kompanya at heto naman ang mga taong dapat nating was akin. Kung kaya mong aralin ang lahat ng impormasyon nila, mas maigi. Nga pala, anong gusto mong kainin?” tanong niya sa akin habang nasal abas na ng pinto. “Kahit anong galing sayo,” matamis kong sagot sa kanya at dahan-dahan akong humiga sa kama at inumpisahan ko nang buklatin ang binigay niyang folder sa akin. May kakapalan din ito dahil sa lahat nang impormasyon na nandito ay patungkol sa mga taong mahalaga sa aming kompanya. Unang-una kong nakita ay si Kristina. Alam ko nang kakampi namin siya. Napag-alaman kong galing sa mayaman na pamilya si Kristina at simula pa lang pagkabata ay magkakilala na sila ni Max. Nag-aral siya sa ibang bansa at pagbalik dito, nakipag-transaksyon ng negosyo kay Max. Ang sumunod sa listahan ay ang mga major investors na at may ilan silang mga iba pang negosyo na kilala dito sa isla ng Batangas. Ang ilan naman ay nagtayo ng sarili nilang resort at restaurant sa mga kalapit na isla. Nasa pangatlong investor pa lang ako ng marinig ko ang pagtawag ni Max sa akin at bumukas ang pinto. PUmasok siya na may dalang tray ng pagkain at mabilis itong nilapag sa kama. Umayos naman ako ng pagkakaupo at inalis ang mga papeles na binigay niya sa akin. “Kumain na tayo,” bulong niya at agad siyang naghanda. Hiniwa niya ang mga pagkain sa isang plato saka aktong susubuan ako. “Hindi naman ako baldado. Kaya kong kumain mag-isa,” sambit ko sa kanya at kinuha ang tinidor na hawak niya saka sinubo ang pagkain na nakatusok doon. “Hindi ka ba nagkaroon ng relasyon kay Kristina?” tanong ko sa kanya at agad naman nagbago ang kanyang reaksyon. Kaunti na lang ay masasanay na ako sa kung gaano kabilis magbagoa ng reakasyon ni Max. “Bakit mo naman natanong? Magkaibigan lang kami,” depensa niya sa sarili niya at nagsimula na rin siyang kumain. Nakatitig ako sa kanya at inuusisa kung papaano siya ngumuya. Nagulat ako ng ibagsak niya sa kanyang plato ang hawak niyang kutsara. “Alam kong gwapo ako pero hindi mo kailangang pagmasdan ako dahil sayong-sayo lang ako,” natatawa niyang sinabi sa akin at yumugyog pa ang kanyang balikat dahil sa di mapigilang pagtawa. “Ang korny mo!” sigaw ko sa kanya na may halong pagbibiro at nagpatuloy na lang rin kami sa pagkain. Inilapit niya sa akin ang tray kung nasaan ang mga pagkain at nilagay iyon sa gitna ng aking tiyan saka niya kinuha ang plato niya at hawak ito tapos ay kumain. “Tumabi ka sa akin,” utos ko sa kanya at agad naman niya akong sinunod. Naging masaya ang tanghalian namin ng oras na iyon. “Lahat ba ng investors na nasa listahan ay kasosyo mo pa rin?” tanong ko sa kanya at pinagpatuloy ko na ang pagbabasa. Kinuha ang folder at may pinili siyang ilang mga pahina dito saka pinakita sa akin. “Ito si Mr. Valdez, matalik na kaibigan ng pamilya namin. Simula pa lang ay parte na talaga siya ng aming pamilya,” sabi niya sa akin at tumango ako. Binasa ko ang detalye patungkol sa taong iyon at masasabi kong totoo ang sinasabi ni Max dahil sa dami ng mga nakalistang negosyo nito, hindi lang sa Batangas, pati na rin sa ibang lugar at bansa ay may negosyo ang taong ito. “Nga pala, kung anndito tayong dalawa, sino ang namamahala sa kompanya natin?” tanong ko sa kanya. Wala naman siyang sinabi sa akin na sarado na ang kompanya, ang alam ko lang na binanggit niya ay gusto niya itong gamitin laban sa mga namaril sa amin noong nakaraan. “Ang mga supervisor at pumupunta lang sila dito para mag-report sa akin,” sagot niya. Pinalipat-lipat ko lang ang mga papel kahit na hindi ko binabasa ang mga nakasulat doon tapos ay nakikinig lang sa paliwanag ni Max. “Sandali,” sabi niya sa akin at kinuha ang folder sa akin tapos ay binalik sa isang pahina. Pinakita niya ito sa akin at nagtaka ako sa taong nakalagay doon dahil pamilyar iyon sa akin. “Ayan yung matandang kausap ko noong nakaraan,” sabi ko kay Max at naging seryoso ang kanyang mukha. Binalik niya ang papel sa folder tapos ay hinawakan ang kamay ko. “Eva, kapag nakita mo ulit ang matandang ito, huwag mo siyang kakausapin,” aniya ni Max at may halong takot sa kanyang mukha. “Bakit, ano ba ang gianwa ng taong iyan?” tanong ko kay Max at naaalala ko ang sinabi ng matanda sa akin noong nakita ko siya. Hindi mabuting mga tao ang Barrientos, iyon ang pinaka natandaan ko sa lahat. “Isa iyan sa mga shareholders noon at malaki na rin ang porsyento niya. Ngunit dahil gahaman ang taong iyan, gumawa siya ng mga bagay na ikakasira ng kompanya. Nalaman iyon ni Papa kaya naman ginawa namin ang lahat para makuha ang yaman ng taong iyan. Nandito na naman pala siya at sigurado akong may balak na naman siyang masama,” sagot sa akin ni Max. Labis akong nakaramdam ng takot dahil sa sinabi niyang iyon. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko lang pala noong nakaraan ang taong may galit sa amin. “Noong makauwi tayo, nandito rin siya. Hindi mo ba napansin?” Umiling si Max sa akin at nilukot ang papel na iyon saka hinagis kung saan. “Kapag makikita mo ulit ang taong iyan, sabihin mo sa akin. Kailangan mo na rin magkaroon ng mga bodyguards habang di pa bumabalik ang ala-ala mo dahil hindi mo pa kayang ipagtanggol ang sarili mo,” sabi sa akin ni Max at tumango ako. Hindi na ako umalma pa sa sinabi niya dahil malaki ang posibilidad na maulit lamang ang nangyarinig aksidente sa akin. “Saka mo na ulit aralin ang mga detalye nila. Ang gusto ko maging malapit ka kay Kristina dahil malaki ang maitutulong niya sa atin,” dagdag niya pa pero umismid lang ako. “Bakit pa? Pwede naman na ikaw na lang ang kumausap sa kanya,” iritable kong sabi sa kanya. Hindi ko gusto ang pagkatao ni Kristina at hindi ko maintindihan kung bakit pati ako ay kailangan pang mapalapit sa kanya. “Tayong dalawa ang magiging may-ari ng bagong kompanya na ito, Eva. Bakit ba hindi mo gusto si Kristina?” tanong niya sa akin at binaling ko lang ang aking mukha sa kabilang parte ng kwarto para makaiwas sa tanong niya pero hinawakan ni Max ang baba ko at hinarap sa kanya ng mahinahon. “Nagseselos ka ba kay Kristina? Kahit noon pa man ay pinagseselosan mo na talaga siya,” natutuwang sabi sa akin ni Max pero hinawi ko ang kanyang kamay at tinitigan siya ng masama. Tinaas niya ang dalawang kamay niya at nakangisi lang na nakatingin sa akin. “Hindi ako nagseselos at bakit ako magseselos? Nilalandi ka ba niya?” iritable kong tanong sa kanya at katong sasapakin ko na siya pero dinampian niya ng halik ang labi ko. “Wala kang dapat ikaselos sa kanya. Negosyo lang ang pakay ko kay Kristina at wala ng iba. Sayong-sayo lang ako,” malambing niyang sagot sa akin at wala na akong ibang nagawa pa kung hindi ang ngumuso lang. “Hindi mo naman masisisi ang mga babae kung magkaroon ng pagnanasa sa akin. Pinanganak akong gwapo at mayaman saka mabuting kalooban. Ano pang hahanapin mo?” dagdag niya pa at doon ko na siya tuluyang pinalo sa kanyang braso. Nagulat siya sa ginawa kong iyon at agad hinimas ang nahampas kong parte ng kanyang katawan. “Ang yabang mo!” sigaw ko at tinawanan lamang siya saka umayos sa aking pagkakaupo. Inayos ko na rin ang folder tapos ay pinatong ito sa lamesa sa tabi ko. “Pero kahit gano’n, ikaw lang ang nag-iisang babae sa paningin ko,” sabi ni Max sa akin at agad akong nakaramdam ng kung anong kiliti sa aking tiyan. Hinaplos ni Max ang pisngi ko at batid kong alam niya na ang aking nararamdaman kaya niya ginawa iyon. “Huwag ka na magselos kay Kristina at wala kaming relasyon,” muling sabi ni Max sa akin at napapikit na lang ako sa mga haplos niya. Hinawakan ko rin ang kanyang kamay at tinitigan siya ng malalim. “Ipangako mo sa akin na ako lang ang babaeng mamahalin mo,” sabi ko sa kanya at hindi ko alam kung saan galing ang mga salitang iyon. Basta gusto kong akin lang si Max kahit na hindi ko magawang hanapin sa isip ko ang mga ala-ala naming dalawa. “Kung gusto mo, papakasalan kita,” seryosong sabi niya sa akin pero hinawi ko na ang kanyang kamay dahil sa sinabi niyang iyon. “Kahit nag anito ang sitwasyon ko?” tanong ko sa kanya at tumango siya. Alam kong seryoso siya sa mga sinabi niyang iyon. “Gusto ko munang maging maayos ang lagay ko bago kita pakasalanan. Ayokong itali ka sa sitwasyon ko,” sabi ko sa kanya pero umiling lang siya. “Handa akong tiisin ang lahat para sayo. Ikaw na ang babaeng gusto kong makasama sa buhay kong ito at sa mga susunod pang buhay. Kung hindi kita makikilala ay hahanapin kita, kagaya ng ginawa ko noon,” malambing niyang sab isa akin at muli niya akong hinalikan sa labi. Hanggang sa lumalim na ang kanyang halik at nalipat na sa aking leeg. Napakagalaw ako nang biglaan dahil sa ginawa niyang iyon ngunit nagkamali ako ng galaw dahil pagkilos ko, naramdaman ko ang aking sugat. “Aray!” sigaw ko at agad na umalis si Max sa aking harapan saka tiningnan ang aking tiyan. Napansin kong may tumagas nang mga dugo sa aking benda. “Hindi pa talaga pwede?” nagsusumamong tanong ni Max sa akin at mabagal akong tumango sa kanya dahil masakit pa rin ng husto ang aking sugat. “Kung kaya lang kitang pagbigyan, bakit hindi?” malungkot kong sabi sa kanya at ngumuso lang siya. Pero hindi natinag si Max. “Mag-iingat na lang ako, makabuo lang tayo ng anak,” masaya niyang sabi at napakagat-labi ako bago tuluyang hinayaan si Max sa kanyang gusto. Dahan-dahan niyang inalis ang bawat saplot ko at pati ang mga galaw niya ay para akong isang babasaging plato dahil sa sobrang pag-iingat niya sa akin. Nagawa ni Max ang kanyang gusto sa akin nang hindi ako nakakaramdam ng sakit sa aking tiyan. Kasalukuyan kaming nakahiga at nakatitig lang sa kisame ng oras na iyon at humarap ako kay Max. “Anong produkto ang ibebenta natin?” tanong ko kay Max at siyang harap niya sa akin. Mapupungay na ang kanyang mga mata nang sandaling iyon. “Gusto ko sanang ituloy ang center pero dahil alam na ng mga kaaway kung nasaan tayo kaya naman hindi ka na maaaring pumunta doon,” sabi sa akin ni Max at tumango ako. “Kamusta na pala ang mga tauhan doon? Wala bang ibang napahamak?” tanong ko kay Max dahil wala na akong nakuhang balita simula ng lumabas ako ng hospital. “Wala naman napahamak at ang mga gumawa nito sayo ay nahuli na rin agad ng mga pulis. Kasalukuyan na silang nakakulong at ang abogado ako ang humaharap sa kanila,” sabi ni Max sa akin at wala na akong magawa pang itanong dahil sinagot niya na ang lahat ng maaari kong itanong sa kanya. “Sana magkaroon na tayo ng anak,” bulong ni Max at ngumiti lang ako. Gusto ko na rin ang bagay na iyon pero hindi pa sa ngayon dahil napakadelikado pa nang sitwasyon namin. Paglingon ko kay Max, nakapikit na ang kanyang mata at mahimbing na ang kanyang tulog. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at ginawa kong unan ang kanyang braso. Hindi man kayang hanapin ng isip ko ang damdamin para kay Max, sinisigaw naman ng katawan ko ang mga bagay na hindi kayang maarok ng aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD