Chapter 41

1777 Words
“Eva, gusto mo bang puntahan ang dating lokasyon ng Water Park? Baka makatulong iyon sa’yo,” suhestiyon ni Kristina sa akin at agad naman akong sumang-ayon sa sinabi niya. Wala naman mawawala kung susubukan kong alalahanin ang mga bagay na iyon. “Sige,” sagot ko kay Kristina at agad na kaming lumabas ng restaurant na iyon. Hinawakan ni Max ang kamay ko at narinig ko agad ang pagtikhim ni Kristina sa likod namin. Hindi ko alam kung bakit pinagbabawalan niya kaming dalawa ni Max na maging malapit sa isa’t-isa. “Huwag ka na masyadong kumontra pa, Kristina. Sana sinama mo dito yung boyfriend mo,” natatawang sinabi ni Max sa kanya ngunit walang reaksyon si Kristina at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa kanyang sasakyan. “Nagseselos ba si Kristina kapag magkasama tayo?” tanong ko kay Max habang nasa byahe na kami. Walang ibang nagmamaneho ng sandaling iyon kaya naman solo namin ang kalsada. Malapit na rin lumubog ang araw ng mga sandaling iyon. “Hindi ko alam at hindi ko gustong intindihin,” sagot niya sa akin at tumango na lang ako. Ayokong sirain ang araw na ito dahil lang sa pagtatanong ko na walang kahulugan. Natigil kami sa pag-uusap ng biglang tumunog ang kanyang telepono at nakita kong si Kristina ang tumatawag sa kanya. “Oh, bakit napatawag ka? May problema ba?” tanong ni Max sa kanya at agad naman niyang hininto ang sasakyan sa tabi. “May baril sa compartment. Huwag kang lalabas hangga’t hindi ko sinasabi,” bulong sa akin ni Max at tumango lang ako. Nang tuluyan na siyang makalabas ay agad kong kinuha ang baril na sinasabi ni Max saka nilagay ko iyon sa aking purse. Lumingon ako at nakita kong maraming tao sa likod ng sasakyan namin. Lahat sila ay nakasuot ng itim na damit at ang isa pa nga, hawak si Kristina at ang cellphone nito. Nagulat ako ng makita ang isang lalaki na biglang sinapak si Max tapos ay pinagtatadyakan niya ito. Nakatakip ang mga kamay ni Max sa kanyang ulo ng mga sandaling iyon tapos ay nakita ko ang isang lalaki na tinuro ang kotse ni Max saka agad silang lumapit sa akin. Nagmadali akong i-lock ang lahat ng bintana ng kotse at pinakialaman ko ang makina nito. Kailangan kong makaalis agad kung hindi ay papatayin nila kami. Umabante ako ng kaunti tapos ay lumiko para makaatras. Gusto kong sagipin si Kristina at Max papalayo sa mga taong ito. Nakaharang ang tatlong lalaki sa aking daanan pero nagpatuloy ako sa pagmamaneho at wala akong pakialam kung masagasaan ko man sila. Nang papalapit na ako sa kanila ay isa-isa silang tumabi. Agad kong binuksan ang pinto ng kotse sa likod ng papalapit na ako kung saan nakatayo si Max. “Dalian mo!” sigaw ko sa kanya at agad naman siyang sumakay tapos ay si Kristina naman ang sumunod. May ilang galos si Kristina sa kanyang braso tapos si Max naman ay hawak-hawak ang kanyang tagiliran dahil sa sakit na ginawa sa kanya. “Magpunta tayo agad sa hospital,” nag-aalalang sinabi ni Kristina tinaas ni Max ang kanyang kamay para umapila sa sinabi ni Kristina. “Sa bahay tayo tumuloy. Ihahatid ka na lang namin sa bayan, Kristina at ayokong madamay ka pa sa gulong ito,” sabi ni Max pero nagulat na lang ako ng nakita kong ngumisi si Kristina at may dinikit siya sa sentido ko. “Sa akin ka susunod, Eva. Kung hindi, tuluyan ka ng mawawalan ng ala-ala,” nakakalokong sabi ni Kristina sa akin at dahil sa gulat, agad kong inapakan ang preno. Naging dahilan iyon para mabitawan niya ang baril at agad kong pinulot iyon saka hinagis sa labas ng sasakyan. Ni-lock ko rin ang pinto nang kotse para tuluyan na hindi makalabas si Kristina. Nang lumingon ako sa kanila, kitang-kita ko ang pagkadismaya sa itsura ni Max nang sandaling iyon. Tila hindi makapaniwala sa ginawa ni Kristina sa kanya. “A-anong ibig sabihin nito, Kristina?” walang muang na tanong ni Max sa kanya at agad naman siyang lumayo sa babaeng ito. Masama talaga ang kutob ko sa kanya unang beses ko pa lang siyang nakita. Dahil sa isang bagay na aking napansin. Kung nasaan kaming dalawa ni Max ay nandoon rin siya. “Gusto mong malaman kung bakit? Sigurado ka ba na hindi moa lam?” tanong ni Kristina sa kanya at napansin ko na ang mga nagbabadya niyang luha. Patago kong nilabas ang baril sa aking purse nang sandaling iyon. “Tigilan mo si Max!” sabi ko sa kanya pero nagulat ako ng bigla niya akong sampalin at agad nagdilim ang aking paningin ng ilnag segundo. “Wag makialam dito!” sigaw ni Kristina sa akin at muling binaling ang atensyon niya kay Max. Pinahiran niya na ang kanyang mga luha at humingang malalim bago nagsalita. “Huwag mong sasaktan si Eva!” sigaw ni Max sa kanya at umayos ito ng pagkakaupo. Dahil sa inis na naramdaman ko, buksan ko ang pinto ng kotse at lumabas. Gano’n rin ang ginawa sa pwesto kung nasaan si Kristina at agad kong hinila ang kanyang buhok. “Halika dito, babaeng haliparot!” sigaw ko sa kanya at madiin niyang kinalmot ang aking kamay habang sumisigaw sa sakit dahil sa pagkakasabunot ko sa kanya. Nang tuluyan siyang makalabas ng sasakyan at mabilis ko siyang binitawan tapos ay naglakad patungo sa baril na hinagis ko kanina. Malakas kong sinipa iyon para mapunta sa kung saan nakahandusay si Kristina. “Sandali lang, Eva! Maghunos-dili ka!” pag-aawat sa akin ni Max tapos ay paika-ika siyang lumapit sa akin. Agad ko siyang hinawi at hinila ang braso ni Kristina para tulungan itong tumayo. “Ngayon mo ipakita ang tapang mo! Gusto mong mapunta sayo si Max? Pwes, kailangan mo muna akong patayin bago mo gawin iyan!” sabi ko sa kanya at pinulot ang baril saka inalis ang ilang piraso ng bala doon. Hindi ko man mawari kung papaano ko alisin ang mga balang iyon, basta ang alam ko, gusto kong makipagduwelo alang-ala kay Max. Nang natapos na ako, pinulot ko ang mga sobrang bala ni Kristina at inalis ko rin ang mga bala sa aking baril. Tinutok ko sa kanya ang baril na dala niya at ngumisi sa kanya. “Gusto kong magkaroon tayo ng pagde-dwelo. Gusto mo si Max diba? Dadaan ka muna sa ibabaw ng bangkay ko bago mo siya tuluyang makuha,” bulong ko sa kanya at nilapag sa kanyang kamay ang baril tapos ay lumapit kay Max. “Ikaw ang magiging referee ng dwelo namin,” bulong ko kay Max nang makadaan ako sa kanyang harapan pero hindi ko siya nagawang titigan. Patuloy lang ako sa paglalakad. Hanggang sa aking pagbibilang ng bawat hakbang ay huminto ako para silipin kung sapat na ba ang layo ko kay Kristina. “Umpisahan na natin ito!” sigaw ko kay Kristina at nakita kong tumalikod siya. Nagsumilang magdasal si Max para sa aming dalawa. Ilang sandali pa, may narinig kaming mga putok ng baril kaya naman naudlot ang gagawin namin ni Kristina. Tumayo si Kristina habang hawak ang baril. “SIge kung ito ang magiging paraan para mapasa-akin si Max!” sigaw niya at nakita kong tumalikod na siya. “Itigil niyo na ang walang kwentang bagay na iyan!” sigaw ni Max pero hindi ko pinansin ang sinabi niyang iyon. Nagsimula akong humakbang paatras pero natigil ako ng makita ko ang isang paparating na sasakyan. Nagmadali akong humakbang hanggang sa maramdaman ko ang isang malamig na bagay sa aking batok. “Tingin mo ba talaga ay lalaban ako ng patas at isusugal ko ang buhay ko para sa isang lalaki na walang kakwenta-kwenta?” bulong ni Kristina sa akin at niyakap ako saka hinarap sa kanya. “Tingin mo ba, basta-basta rin ako susugod sa isang duwelo kung wala akong dalang back-up?” tanong ko kay Kristina at ngumisi sa kanya. Pansin kong biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi ng sabihin ko iyon. Agad kong sinipa ang kanyang paa na naging dahilan ng pagkatumba niya. Hinila ko siya at kinuha ang baril niya at nilagay ko sa aking purse ng patago. Nang makalapit na sa amin ang kotse na paparating, huminto ito sa aming kinatatayuan at lumabas ang matanda na nakausap ko noon. Naka-formal at may hawak pang baston habang mabagal itong lumalakad papunta sa amin. Hinila ko si Kristina at tinutok sa ulo niya ang baril na hawak ko. “Kristina, wala sa usapan natin ang bagay na ito!” sigaw ng matanda sa kanya at parang hingal na hingal pa siya nang sandaling iyon. Akmang magsasalita si Kristina pero agad kong tinapkan ang kanyang bibig para pigilan ito sa kung ano man ang sasabihin niya. “Hija, alam kong Mabuti kang tao at hindi mo kayang gawin ang bagay na iyan,” mahinahon na sinabi sa akin ng matanda at tinaas nito ang kanyang kamay para pigilan ako pero sa mga oras na ito, labis akong nakakaramdam ng galit. “Eva, hindi mo kailangang gawin iyan!” dugtong pa ni Max sa sinabi ng matanda pero umiling lang ako at mas diniin ang bunganga ng baril sa ulo ni Kristina. Walang mga salita ang gustong lumabas sa aking bibig ng sandaling iyon, basta alam ko lang, gusto kong maligtas kaming dalawa ni Max. “Pakawalan mo ang apo ko at pinapangako ko, hindi kayo masasaktan ni Max,” sunod na panghihiyakat na sinabi ng matanda sa akin. Sapilitan na kumilos ang ulo ni Kristina para sabihin sa matanda na hindi siya sumasang-ayon. Aktong lalapit ang matanda sa akin pero tinutok ko ang baril sa kanya. “Huwag kang lalapit! Mangloloko kang matanda ka! Kayo ni Kristina! Dapat sa inyong dalawa, mamatay!” sigaw ko at napahinto ang matanda sa kanyang ginagawang paglapit. “Don Sebastian, hindi maayos ang kalagayan ng isip ni Eva ngayon at batid kong walang makakapagpahinto sa kanya,” sabat ni Max sa matanda pero tinuktok lang nito ang kanyang baston at sinamaan ng tingin ang matanda. “Huwag kang maniwala diyan, Max! Ikaw! Paalisin mo ang lahat ng tauhan mo ngayon din!” sigaw ko sa kanya at lumingon naman ang matanda sa mga lalaking nakaitim na amerikana at sumenyas lang ito na. Agad na pumasok sa loob ang mga lalaki at umalis na rin ang sasakyan nito. “Ngayon, nagawa ko na ang gusto mo, maaari mo na bang pakawalan ang apo ko?” tanong niya sa akin at lumapit ako kay Max para sabihan siya na sumakay na sa sasakyan. Gusto kong pag binitawan ko si Kristina, nakahanda ang lahat para makaalis kami sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD