Chapter 5

1026 Words
Hindi na muli kami nag-usap habang naglalakad pero alam kong nakasunod siya sa akin. Nakakaramdam ako ng pagkairita dahil sa ginagawa niyang ito at nagtataka kung ano ba ang kailangan niya sa akin. Hinayaan ko na lang siya at pinagpatuloy ko ang pagliliwaliw ko hanggang sa may lumapit sa aking isang lalaki at may hawak na isang karton. Pinakita niya ito sa akin at ngumiti. "Miss, baka gusto mo, island hopping?" tanong niya at iniabot ang karton kung saan nakadikit ang ilang mga litrato ng tourist spot sa islang ito. Tinitigan kong maigi at naisip kong magandang paraan ito para makalayo kay Max. "Sige po," pagsang-ayon ko sa lalaki at inaya niya ako. Sumunod naman ako. Lumingon ako kay Max at nakita kong nakangisi na siya na parang alam ang nasa isip ko. Habang sumusunod ay huminto ang lalaki at parang may hinahanap. "Ma'am, pakihintay lang po ako dito," pagpapaalam sa akin ng lalaki at lumapit sa isang lalaking may cowboy na sumbrelo. Natawa ako sa itsura niya dahil para talaga siyang isang cowboy pero bangka ang sinasakyan. Kumaway sa akin ang lalaki at agad naman akong lumapit sa kanya. "Ma'am, si Gimo, siya po ang magiging tour guide niyo," sabi niya sa akin at nakipagkamay ako sa kanya. "Tara po, Ma'am at para may maupuan kayo. May kasama po ba kayo?" tanong niya sa akin at umiling ako. Nagulat na lang ako ng nag-iba ang direksyon niya kaya napalingon na rin ako. Nakita kong nasa likuran ko na pala si Max at patawa-tawa pa. "Dalawa po kami," sagot niya sa kay Gimo kaya naman tumango na ito at muling pinakita kay Max ang lugar ng mga pupuntahan namin. "Kailangan niyo po mag-down muna ng bayad Ma'am at Sir," sabi ni Gimo kaya agad kong kinuha ang aking pitaka para magbayad pero agad lumapit ang lalaking nag-alok sa akin ng island hopping at tinapik sa balikat si Gimo saka may binulong dito. "Naku, kuya hindi ko alam eh. Sige po," sabi niya sa lalaki saka tumitig kay Max. "Huwag na po pala kayo magbayad," sabi nito sa amin. "Sumunod na po kayo sa akin," dugtong niya pa at napansin kong may kaba sa kanyang boses. Nagtaka naman ako dahil sa pagbabago ng kanyang reaksyon at walang pakialam si Max dahil sa hindi kami pinagbayad ng mga ito. "Teka lang kuya, bakit hindi na kami magbabayad?" tanong ko at tumitig siya kay Max bago nagsalita. "Libre daw po kayo ng may-ari ng isla," mahina niyang sabi sa akin at muli ng tumalikod. TInitigan ko ng maigi si Max dahil sa nangyayaring nakakapagduda. "May kinalaman ka ba dito?" mahina kong tanong sa kanya pero ngumisi lang siya sa akin at iniwan ako sa kinatatayuan ko. Agad naman akong sumunod sa kanila. Pagdating namin sa pampang kung nasaan nakahinto ang bangka na gagamitin namin ay isa-isa nang sumasakay ang mga tao doon. May nakaukit na MB sports sa bangka at kulay pula ang pintura nito. Tinandaan ko talaga ang itsura ng bangka at inalam ang detalye nito. Pinagilid ni Gimo ang mga taong nakapila sa harapan at pinauna kaming sumakay. Nagtataka na talaga ako sa nangyayari dahil sa espesyal na tratong binibigay nila sa amin ni Max. Inalis ko na lang sa isipan ko ang mga bagay na ito dahil gusto kong mag-enjoy sa island hopping na ito. "Hindi mo kailangan i-todo ang pag-asikaso sa amin," suway ni Max sa kanya at agad naman itong tumango. Hindi na siya lumapit sa amin matapos niyang iabot ang lifevest sa amin ni Max. Labis akong natuwa ng nagsimula ng umandar ang bangka at inalis sa isipan ko na si Max ang kasama ko. "Gusto mo ba kuhaan kita ng litrato?" tanong niya sa akin pero umismid lang ako at naisip na kuhaan ko ng litrato ang bawat magagandang lugar na makikita ko. "No, thanks! Kaya kong mag-isa!" iritable kong sagot sa kanya at inumpisahan na ang gusto kong gawin pero napansin kong hinaharangan ako ni Max. Tinatakpan niya ang bawat lugar na gusto kong kuhaan sa pamamagitan ng pag-aangat ng kanyang braso o di kaya ay uusog sa tuwing itututok ko ang camera sa dagat. "Papansin ka talaga!" sigaw ko sa kanya at tinulak ko siya. Nagulat ako ng sumigaw ang babae dahil napalakas ang tulak ko at napaupo siya sa sahig ng bangka. "Ano ba! Kung maghaharutan nga kayo, huwag dito! Hndi lang kayo ang tao!" sigaw nito sa amin at nakaramdam ako ng pagkapahiya dahil sa sinabi niya. Walang sumunod na nagsalita sa kanya pero nagulat ako ng hinablot ng kasama nitong lalaki ang lifevest ni Max. "Sir!" sigaw ni Gimo sa kanya para awatin kami. Nahinto bigla ang bangka sa gitna ng dagat dahil sa pag-aaway nila. "Hindi mo ba kilala kung sino ang binabangga mo!" matapang na sigaw ng lalaki at may kakaibang tono pa ang boses nito. Halatang anak mayaman. Tumawa lang si Max dahil sa sinabi nito sa kanya. "Gimo! Pakitapon ang lalaking ito sa dagat, ngayon na!" sigaw ni Max at parang wala sa sarili dahi lsa utos nito. Nahihibang na ba siya at gusto niyang ihagis nila ang isa sa mga turista? Biglang lumitaw ang lalaking nag-alok sa akin at pwersahang hinila ang lalaki saka tinulak ito paalis sa bangka. Humarap si Max kay Gimo at nakita kong pawisan si Gimo at namumutla dahil kay Max. "Kapag may inutos ako, sundin mo agad. Paunang babala yan sayo," matigas na sabi ni Max sa kanya at lumapit ang lalaking nag-alok sa akin. Hindi ko naiintindihan noong una ang nangyayari pero nariringi ko ang pag-uusap nila Gimo. "Pasalamat ka, nasa kundisyon si Sir!" mariin na sigaw nito at muling umandar ang sasakyan. Nakita kong kumakawag ang lalaking pinatapon nila hanggang sa sinaklolohan ito ng ibang bangka. Umiiyak naman ang babaeng nagalit dahil kay Max kanina at parang humihingi ng tulong dahil tumititig ito sa bawat pasahero. "Siya ang may-ari ng islang ito," narinig kong bulong ng babaeng katabi ko at nakatingin kay Max. Nalipat naman ang titig ko sa kanya hanggang sa mapagtanto ko ang initial ng bangkang sinasakyan namin. Hanggang sa sumagit sa isip ko ang buong pangalan ni Max. MB, Max Barrientos Sports.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD