"Ikaw may-ari ng islang ito?" gulat kong tanong kay Max pero hindi siya sumasagot sa akin. Lumayo siya para kausapin ang mga tauhan niya at hinayaan ko lang siya. Pinapakalma rin siya ng mga tauhan nila at pilit na binibigyan ng tubig pero hindi ito kinuha ni Max. Nagulat talaga ako sa nalaman ko ngayon, isang doktor at may-ari ng isang isla ang walang tigil ang pagsunod sa akin. "Kuya, ibaba niyo na po ako at pupuntahan ko ang asawa ko," sabi ng babae ngunit walang pumapansin sa kanya ng mga sandaling iyon. Hindi naman niya magawang magalit kay Max dahil alam niyang may kakahantungan siya. Nanahimik na lang siya sa kanyang kinauupuan at nagsimula na rin matahimik ang bawat isa sa amin. Muling nagpatuloy sa pag-andar ang bangka at napansin kong nakikipagtawanan na si Max sa mga tauha