Inaayos pa lang nila ang mga gamit sa speedboat ay agad akong bumaba dahil naisip ko napapasunod ako ng estrangherong ito. Hindi ko siya gano'n kakilala dahil isa lang rin siyang baguhang doktor.
"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Max nang nakababa na ako. Umiling lang ako sa kanya at dumiretso na papunta sa pampang.
"Bahala ka kung ayaw mo!" sigaw niya ulit at dumiretso na ako maglakad kung saan ako dalhin ng aking mga paa. Ramdam ko ang init ng buhangin ng mga sandaling iyon dahil tsinelas lang ang suot ko. May mga taong tumitingin sa akin habang naglalakad ako at nakaimutan kong suot ko pa pala ang lifevest na iniabot sa akin ng coast guard kaya dali-dali akong bumalik kung nasaan ang speedboat nila.
Napansin ko na lang na nasa pampang na rin ang speedboat at may pinalilibutan ang mga tao. Agad akong nagsumiksik para makita kung ano ang nangyayari. Nagulat ako ng makitang nakahiga sa buhangin si Max at walang malay.
"Anong nangyari!" sigaw ko sa kasama niya.
"Nalunod po siya dahil biglang may malakas na alon at tinangay ang surfboard niya," sagot sa akin ng coast guard.
Binalik ko ang tingin ko kay Max at agad rin lumuhod sa tabi niya para bigyan siya ng CPR. Dinikit ko ang tainga ko sa kanyang mukha para malaman kung humihinga pa siya.
Pinatok ko ang aking mga kamay sa kanyang dibdib at nagsimulang gawin ang proseso ng CPR dito. Tatlong tulak ay hindi siya gumagalaw kaya naman umalis na ako sa pwesto ko at pinisil ang kanyang ilong tapos ay dinikit ang labi ko sa kanya para bigyan siya ng sapat na hangin sa katawan pero wala pa rin epekto iyon. Dalawang beses kong inulit ang proseso hanggang sa magkaroon na ng resulta ang ginawa ko.
Nagulat na lang ako ng biglang tumawa si Max at dinuro-duro pa ako. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa ginawa niyang iyon.
"Anong nakakatuwa?" tanong ko sa kanya pero hindi siya tumitigil sa kanyang pagtawa. Naririnig ko na ang sinasabi ng ibang tao sa paligid na nagkukunyari lan siyang nalunod. Umalis agad ang mga ito na may pagkainis sa kanilang nararamdaman dahil sa panglolokong ginawa ni Max.
"Nakalimutan mo yata na isa akong surfer, so malamang, marunong akong lumangoy," bungad niya sa akin ng matapos siya sa pagtawa. Kinuyom ko ang aking kamay at agad siyang ginawaran ng isang malakas na suntok sa pisngi.
Nang humarap siya sa akin, may kaunting dugo sa kanyang labi at hindi ako nagsisisi na galing iyon sa aking kamao. Nag-ayos na ako ng sarili ko at sinimulan ko ng umalis sa kinauupuan niya.
Malalaking hakbang ang ginagawa dahil naririnig ko ang pagtawag niya sa akin. Kahit pagtinginan na kami ng taong makasalubong namin ay wala akong pakialam. Hndi ako natutuwa sa ginawa niyang pangloloko sa akin.
Naramdaman ko na lang ang paghawak sa balikat ko at alam kong siya iyon kaya agad kong hinatak ang braso niya para buong lakas ko siyang hilahin at mapahiga sa buhangin.
"Snatcher! Tulong!" sigaw ko at nakita kong agad siyang hinila ng mga turista sa lugar na iyon. Tinitigan ko lang siya habang hinihila siya papalayo sa akin ng mga kalalakihang tumulong sa akin.
"Hindi ako snatcher! Hindi totoo ang sinasabi ng babaeng iyan! Magkasintahan kami at nag-aaway lang!" sigaw niya at nakita kong lumuwag ang kapit sa kanya ng mga lalaki bago nalipat ang titig sa akin.
"Hindi kita kilala. Kung talgang kasintahan kita, subukan mong tawagan ang numero ko," paghahamon ko sa kanya at umiling siya sa akin.
"Honey, papaano ko gagawin iyan? Nasa pouch mo ang cellphone ko," sagot niya sa akin na may halong paglalambing. Nagtaka naman ako sa sinabi niya pero naaalala kong bago kami sumakay sa speedboat ay binigay niya sa akin ang kanyang cellphone para hindi ito mabasa. Kasama nito ay ang kanyang pitaka.
"Hindi naman talaga kita kilala. Nakisuyo ka lang para ilagay sa pouch ko ang cellphone mo," sagot ko sa kanya at agad kong kinuha ang cellphone niya saka inabot iyon sa kanya. Napangisi ako ng makitang kumunot ang kanyang noo.
"Ngayon, subukan mo kong tawagan," sabi ko sa kanya habang nakalahad ang kamay ko para iabot ang kanyang cellphone. Agad naman niyang kinuha iyon at nagsimulang mag-dipa dito.
Nagulat na lang ako ng tumunog ang aking cellphone. Para akong binaon sa buhangin dahil sa pagkapahiyang naramdaman ko. Narinig ng mga taong tumulong sa akin ang pagtunong ng cellphone at dismayadong lumayo sa aming dalawa.
"Sagutin mo ang tawag ko, honey!" masayang sabi niya pero binaba niya na ang kanyang cellphone at lumapit sa akin. Nang isang dipa na lang ang layo naming dalawa, muli ko siyang ginawaran ng sampal dahil dalawang beses niya akong pinahiya sa lugar na ito.
"Anong pakay mo sa akin at bakit mo ba ako sinusundan?" tanong ko sa kanya matapos ko siyang sampalin.
Hindi ko maintindihan ang kanyang ginagawang pagsunod-sunod sa akin at gusto kong malaman ang kanyang dahilan sa ginagawa niyang ito.
"Interesado ako sayo," sagot niya at nawala ang galit sa aking pakiramdam dahil napalitan ito ng pagtataka. Tinitigan ko siyang mabuti para malaman kung kilala ko ba siya or naging kaibigan ko pero nakalimutan ko lang.
"Wala kang mapapala sa pagsunod sa akin kaya kung ako sayo, tantanan mo na ako," sagot ko sa kanya na may bahid ng galit.
Isa sa mga dahilan kaya ako nagpunta sa lugar na ito ay dahil gusto kong lumayo sa mundong nakasanayan na ng aking pamilya. Sobrang gulo ng aming buhay at gusto kong manahimik kahit panandalian lang.
"Interesado ako sa kwento ng buhay mo at gusto kitang tulungan," sagot niya sa akin pero umiling lang ako at natatawa sa sagot niya. Naisip ko agad na marahil, isa siya sa mga naging biktima ng aking kapatid at kaya ako sinusundan dito para maghiganti.
"Mas lalo mo kong binigyan ng dahilan para layuan ka. Pakiusap lang, tantanan mo na ako. Kung gusto mong maghiganti dahil biktima ng aking kakambal na si Genro, siya ang guluhin mo at hindi ako," matabang kong sagot sa kanya at tinalikuran na siya.