Hindi ko na po ipagpapatuloy pa ang pagsusulat ng kwentong ito sa Stary at mas nanaisin kong maudlot ang pagbabasa ninyo. Alam kong nakarating na sa inyo ang balita tungkol da pagbabago ng rules ni Stary at isa ako sa lubos na naapektuhan nito. Humihingi ako ng pasensya sa mga nagbabasa dahil sa nangyaring ito.
Kung may pagkakataong tapusin ko ang kwentong ito, tatanggapin ko pero sa ngayon, mananatiling putol ang kwentong ito sa Stary. Kagaya rin ng mga ibang kwento, ang The Fall of Rion at Run, Eva, Run ay ipapaterminate ko. Sana ay maintindihan niyo ang kalagayan ki at ang iba pang mga authors dahil grabe na ang ginagawaa ng Stary sa amin. Hindi makatarungan.
Nagpuyat, napagod mag-tipa, nalipasan ng gutom at kung ano pa para lang makapagsulat ng isang kalidad na kwento pero sa bandang huli ay hindi nila kami babayaran ng nararapat sa aming ginawa. Labis akong nadismaya sa nangyari at hinding-hindi ko matatanggap ang kanilang pinagsasabi tungkol sa violation ng aking kwento.
Maraming salamat sa pang-unawa niyo kung bakit hanggang dito na lang ang kwentong ito. Maaari niyo po akong hanapin sa aking f*******: page "Spideerrr Stories" at doon ako mag aanunsyo kung kailan ko nanaising ipagpatuloy ang kwentong ito.