Chapter 2

1019 Words
Tanghali na ng magising ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Sampung minuto muna ang pinalipas ko bago ko naisipang bumangon at ayusin ang sarili ko. Gusto ko sanang maglakad - lakad bago pa man sumikat ang araw pero hindi ko na iyon magagawa. Agad akong naglinis ng katawan para lumabas at humanap ng makakain. Simpleng short at itim na t-shirt lang ang suot ko, naglagay na rin ako ng kaunting make - up at cologne bago tuluyang lumabas ng kwartong iyon. Walang tao sa hallway kaya kampante ang loob ko lumakad doon, simula nang malaman ng mga tao ang tungkol kay Genro, nawalan na ako ng lakas ng loob makisalamuha sa lahat. Kahit si Thea na matalik kong kaibigan ay hindi ko na masyadong kinibo simula nang mangyari yon. Paglabas ko ng hotel, marami agad akong nakitang mga restaurant at agad akong bumili ng inihaw na karne dahil iyon ang isa sa paborito kong kainin. Naghihintay lang ako maluto ang ulam ko ng biglang umupo sa harapan ko ang isa sa mga doktor kung saan ako nagtatrabaho. "Hi." Lahad niya ng kamay sa akin at ngumiti. Simple lang rin ang suot niyang damit at hindi mo aakalaing isa siyang propesyonal na doktor. Blue na polo shirt at khaki na pantalong hanggang tuhod ang suot niya pero ang kanyang pabango ang talagang nakakakuha ng atensyon ng makasalubong niya dahil sa lakas ng dating nito. "Ikaw na naman? Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya at naghalukipkip tsaka sumandal sa aking upuan. Tinaasan ko siya ng kilay habang naghihintay ng sagot niya. Umiling lang siya saka itinabi na ang kamay niya at yumuko dahil sa pagkapahiya. Hindi ko tinanggap ang kamay niya. "Sigurado ka na ba sa pag - reresign mo? How about your expenses? Narinig ko ang lahat ng balita tungkol sayo at hindi naman ako naparito para may gawing masama sayo," sabi niya at humingang malalim tapos ay tumitig sa akin. "I am here to help," dagdag niya pa at sasagot na sana ako pero dumating na ang pagkain ko. "Sorry, pang - isahan lang ang napaluto kong ulam. Bakit hindi ka mag - order rin ng pagkain mo para masabayan mo na ako," sagot ko sa kanya pero umiling na siya tsaka may dumating na isa pang waiter at inilapag ang pagkain niya. "Again, sigurado ka na ba sa desisyon mo? If yes, matutulungan kita maghanap ng trabaho dito sa isla, pero province rate lang dito, solo ka naman kaya sakto na rin sayo ang magiging sahod dito." Nag - umpisa na siyang kumain at ganon na rin ako. Hindi ko siya nagawang kibuin pero hindi ko rin maalis ang tingin ko sa kanya dahil hindi naman normal na may isang tao ang bigla na lang tutulong sayo at hindi mo pa kilala. Halos sabay lang kami natapos kumain at nakita ko ang isang waiter na sumaludo sa kanya, nag - iwan lang siya ng isang libo sa lamesa at umalis na. Lumingon - lingon pa ako at naisip kong mag - iwan rin ng pera pero bigla niya akong hinila palabas ng restaurant. "It's on me." Hawak niya sa balikat ko at tuluyan na kaming nakalabas ng restaurant. Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya nanatili lang ako sa tabi ng entrance ng restaurant na iyon habang sinusundan ko ang lalaki na mawala sa paningin ko dahil humahalo na siya sa mga turista. Hindi ko man lang nakuha ang pangalan ng lalaking iyon at nagpasalamat dahil sa paglilibre niya ng pagkain ko. Tumingin ako sa kanan at kaliwa dahil hindi ko alam kung saan ako mas makakahanap ng katahimikan sa tabing dagat. Naisip ko na lang na sundan ko siya at tanawin lang kung saan siya pupunta. Marami ang nagta - try ng iilang mga activities sa dagat. May magbabarkadang sumasakay sa banana boat, may parasailing at mayroon ding naglalaro ng volleyball. "Kala ko, nakasunod ka sakin? May iba ka bang lakad dito sa Loren Island? Kung wala, pwede mo akong maging tour guide," sabi niya sa akin at huminto sa harapan ko. Nahinto na rin ako sa paglalakad dahil sa bigla niyang pagsulpot. Napatingin ako sa dagat at nakita ko ang isang lalaki na nakasakay sa surfing board at hinihila ng motor boat. "Gusto mong subukan yan? I've tried that surfing for many times." Turo niya sa dagat at napangiti na lang ako dahil gusto kong subukan. Inakbayan niya ako at iniharap ang mukha ko sa kanya. "Maganda ka sa personal at mas maganda ka ngayon dahil nakangiti ka." Hinalikan niya ang aking noo at tuluyan akong nakaramdam ng init sa aking pisngi. Hinaplos niya iyon at ngumiti lang sa akin tsaka inalis ang pagkaka - akbay niya tsaka hinawakan ang kamay ko papunta sa tabing dagat. Iniwanan niya ako sandali at may kinausap na isang lalaki. Tinapik niya ang braso nito at ilang minuto lang, itinuro niya ako saka kumaway naman sa akin ang lalaki. "Ako na muna ang magta - try. Dito ka muna at panoorin mo muna kami kung paano. Huwag ka mag - alala, matutuwa ka sa wakesurf," sabi niya sa akin at tumakbo na pabalik sa lalaki tsaka may inilabas na surf board ang lalaking iyon at may ipinupunas. "Sandali, ano nga ba ulit ang pangalan mo?tanong ko sa kanya at itinuro ang parte ng surfing board. May nakaukit doon na 'Max B,' Tumango na lang ako nang mabasa ko. PInanood ko lang siya sa kanyang ginagawa at nang sumakay na ang lalaki sa speedboat, sumunod na sa kanya si Max. "Ano pang ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka pa sumakay, Eva!" tanong niya sa akin at sa pagkataranta ay sumakay ako. Kaya ko naman silang panoorin lang sa di kalayuan pero pinasakay niya ako kaya sumunoda ko. Apat kami sa speedboat na iyon, ang driver, ang isang lalaki na may tatak nang coast guard sa kanyang polo shirt, ako at si Max. Inabot ng coast guard ang dalawang lifevest at si Max mismo ang nagsuot nang para sa akin. Hindi na ako nakagalaw pa dahil doon. Bakit pagdating kay Max, napapasunod niya ang katawan at isip ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD