Chapter 20

1048 Words
Labis akong namangha sa loob ng kwarto at parang palagi itong nililinisan. Wala akong nakitang kahit anong alikabok sa kwartong ito. Nang matapos kong usisain ang kwarto, agad kong sinara ito tapos ay naisip kong i-isunod ang isang kwarto pero narinig ko ang pagbukas ni Max ng pinto kaya naman naisip kong ipagpaliban na lang ang gagawin ko at may oras pa para doon. “Eva?” patanong niyang tawag sa akin at agad naman akong naglakad ng mabilis para makapunta sa harapan niya. “ Saan ka galing?” tanong niya sa akin binaliwala ko ang kanyang katawan na may kaunti pang tubig habang nagpupunas siya ng buhok. “Paki-tingnan naman ang manok kung malambot na. Magbibihis lang ako,” sab isa akin ni Max at agad ko naman siyang sinunod. Nagtungo ako sa kusina habang inuusisa ang manok. Malambot na ito at saka ko naisip na tanggalin na ito sa kanyang supot at ibabad na lang sa tubig. Ilang sandali pa ay naamoy ko ang panglalaking amoy ni Max at paglingon ko, nasa likod ko na siya. “Hihiwain ko na muna ang manok nay an para mas madaling lumambot tapos ay manood na muna tayo ng kahit anong palabas,” sabi niya sa akin at tumango naman ako. Kahit nagugutom na ako ay sumang-ayon na lang ako dahil wala rin naman akong magagawa doon. “Gusto mo ba lumabas na lang tayo?” tanong niya sa akin pagkaupo ko sa kanyang tabi. Tumango naman ako dahil sobrang gutom na rin ako, hindi ko na mahihintay pa ang lulutuin niya ng sandaling iyon. “Sige, sandali lang at kukunin ko ang pitaka ko,” sabi niya at binuksan niya agad ang bag niya para gawin ang sinabi niya at tinabi ko na lang muna ang mga inihanda namin sa kusina. Isa-isa kong nilagay ko ito sa ref tapos ay nagtungo na sa tabi ni Max. “Tara?” tanong niya pero napahinto ako saka hinarap siya. Hinawakan ko ang braso niya para pahintuin rin siya. “Huwag mong isipin na date ito ha?” mahinahon kong tanong sa kanya pero alam kong hindi iyon gagawin ni Max. Mas maigi na sabihin ko na rin sa kanya ang saloobin ko. Tumango lang siya tapos ay nauna na ring maglakad ng bahay. Habang nakatayo na ako sa labas, pinatay niya ang ilaw ng sala at ni-lock ang pinto ng bahay saka nauna na siyang naglakad sa akin. Sinundan ko na lang siya. Minsan talaga ay nahihiwagaan ako kay Max. Porket sinabi kong hindi date ang lakad naman ay hindi niya na ako kinibo pa. Habang naglalakad, bigla siyang huminto tapos ay lumingon sa akin. Naging maaliwalas na ang reaksyon ng kanyang mukha kaya napangiti na rin ako. “Anong gusto mong kainin?” tanong niya sa akin at naisip kng isang sikat na pagkain ang naisip kong hapunan ng gabing ito. Kebab at Shawarma ang naisip ko. “Gusto ko ng Shawarma at Kebab,” sagot ko at tumango siya saka pinara ang isang dumadaan na tricycle sa aming harapan. Manong, sa food center tayo,” sabi ni Max sa driver at agad naman pinaharurot ang sinasakyan namin. “Maraming pagkain sa food center. Iba’t- ibang putahe na ginaya sa ibang bansa,” sabi ni Max sa akin at napatango na lang ako. Alam kong maliit lang ang food center dito dahil maliit na isla lang naman ito pero namangha ako sa pagkakaunlad ng islang ito. “Para na rin akong nasa Manila at hindi probinsya ang dating ng islang ito,” bulong ko kay Max habang nakasakay pa rin kami ng tricycle. Parang city proper na talaga ito kung tutuusin. “Oo, gusto ko kasing moderno na rin ang lugar na ito kaya naman kung may mga pagkakataon na maging asensado ang tinutuluyan ko, ibibigay ko talaga ang lahat,” sagot sa akin ni Max at napangiti ako sa sinabi niyang iyon. “Tinutuluyan? Anong ibig mong sabihin?” maamo kong tanong sa kanya. Napatingin siya sa akin at parang may hinahanap siyang sagot pero hindi ko mawari kung ano ang mga bagay na iyon. “Noong bago mawala ang babaeng mahal ko, dito kami nakatira,” malungkot niyang sagot at nakaramdam din ako ng lungkot sa sinabi niyang iyon. Parang may malalim talagang sugat sa puso ni Max at kailangan na itong mahilom. “Pero tapos na iyon. Gusto kong bigyan ang sarili ko ng pagkakataon na maging masaya. Sana ikaw na iyon,” bulong niya sa akin. Aktong sasagot na ako nang huminto ang tricycle at agad nagbayad si Max sa kanya. Nang makita ko ang maliwanag na gusali kung nasaan nakatayo ang sinasabing Food Center ni Max ay labis akong namangha. Hindi mo talaga aakalain na probinsya ang istilo ng bayan na ito. Agad kong hinawakan ang kamay niya at gustong-gusto kong pumasok sa loob dahil sa nakakaakit pagmasdan ito. Pagpasok ko sa loob, may ilang mga tao ang kumakain na sa loob nito. Hindi mo mararamdaman na nasa isang restaurant ka pagpasok mo sa loob dahil ang disenyo ay para kang nasa bahay. Simula sa mga lamesa at upuan ay bahay ang disenyo nito. Abot-tanaw rin ang kusina nila at makikita mo talaga kung paano niluluto ang mga pagkaing hinahain nila sayo. “Ang ganda naman dito,” bulong ko sa aking sarili at hindi ko akalain maririnig ni Max iyon. Tumawa lang siya at inakbayan ako. “Sana maging paboritong lugar mo ito. Gustong-gusto kong kumain dito,” sagot niya sa akin at agad niya akong dinala sa isang libreng lamesa at lumapit agad sa amin ang isang waiter tapos ay nilahad ang menu nila. Ang mga pagkain dito ay talagang international category. Agad kong sinabi ang Kebab at Shawarma. Dinagdagan ko na rin ng milk shake ang aking pagkain. Ang binili naman ni Max ay isang set ng burger at friends tapos large coke naman ang kanyang inumin. Magkatapat kami ng sandaling iyon at nang makaalis ang waiter, hinawakan ni Max ang kamay ko. Nakaramdam ako ng pamumula sa kanyang ginagawa kahit na simpleng bagay lang naman iyon. “Ayaw mo bang tumabi sa akin?” malambing kong tanong sa kanya at walang pagdadalawang-isip na tumayo siya at mabilis na tumabi sa akin tapos ay hinarang ang kanyang katawan sa aking paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD