Chapter 21

1047 Words
Napansin ko ang isang babae na nakatingin sa amin pagkapasok niya sa loob ng restaurant. Kasunod ng babae ay isang lalaking naka-amerikana at may kurbatang maluwag na ang pagkakatali nito. May sinabi ang babae sa kanya tapos ay tumango lamang ito. Unti-unting lumapit ang babae sa amin at nang nasa lamesa siya, abot-langit ang kanyang ngiti ng makita si Max. “Max?” bati niya sa aking kasama tapos agad na napatingala si Max sa kanya. Pinagmasdan ko lang silang dalawa tapos ay tumayo si Max para yakapin ang babaeng ito. “Kristina! Long time no see!” sabi nito matapos silang magyakapan. Humarap sa akin si Max habang ako, nakatingin sa kanyang kamay na nasa balakang ng babaeng ito. “Nga pala, Eva, si Kristina. Kristina, si Eva,” pagpapakilala niya at nilahad ni Kristina sa akin ang kanyang kamay. Agad kong tinanggap iyon at ngumiti sa kanya. Muling humarap ang babae kay Max na parang wala ako sa kanilang harapan. TInuon ko na lang ang pansin ko sa lalaking kasama nito na nakatingin lang din sa aming lamesa. Ngumiti ang lalaki sa akin at nagulat ako ng biglang humarang si Max sa harapan ko tapos ay tinitigan ako ng masama. Naglakad sila ni Kristina at nakita kong hinatid na siya ni Max sa kanilang lamesa. Tinapik ni Max ang likod ng lalaki at parang may binulong. Napansin kong namutla ang lalaki tapos ay tumitig sa akin. Naglakad na pabalik si Max sa aming lamesa pero masama pa rin ang tingin niya sa akin. “Hindi ka pwedeng makipagtitigan sa ibang lalaki,” galit niyang bulong sa akin na naging dahilan para kumunot ang aking noo. Hindi ko pa naman siya kasintahan pero grabe siya kung bakuran ako. Pakiramdam ko rin ay may sinabi siyang masama sa lalaking iyon kaya gano’n na lang ang reaksyon nito ng may ibulong siya dito. “Ano na naman ang sinabi mo sa lalaking iyon?” matabang kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot hanggang sa dumating ang pagkain namin. Labis akong namangha dahil sa presentasyon ng pagkain na hinain sa amin. Maayos ito at talagang masasabi mong pang-ibang bansa talaga ang dating. Masaya akong kinain ang mga ito at gano’n din si Max. Hindi kami nagkikibuan ng sandaling iyon pero alam kong maraming gustong sabihin si Max sa akin. Nang makauwi kami, muli kong sinubukan na kausapin siya. “Anong sinabi mo sa lalaking iyon?” muli kong tanong at doon lang siya huminga ng malalim at nagsimulang kibuin ako. “Ka-kompetensiya ko sa negosyo ang lalaking iyon at ayokong tinititigan ko siya. Binigyan ko lang siya ng babala na akin ka at hindi ka maaaring tingnan basta-basta,” matalim niyang sagot sa akin. “Hindi pa kita sinasagot!” galit kong sagot sa kanya. Simula ng makilala ko siya at hinayaan kong may mangyari sa amin, pakiramdam ko ay nasa isip niya na pagmamay-ari niya na ako. Hindi pwedeng manatili ang ganitong klase ng pag-iisip sa kanya dahil gusto kong panatilihin ang Kalayaan ko kahit na kasintahan ko pa siya. “Akin ka!” sagot niya sa akin at marahas akong hinalikan. Sinubukan kong manglaban sa kanya ngunit hinawakan niya na ng mahigpit ang aking pulsuhan at pilit na buksan ang mga labi ko. Nagulat pa ako ng bigla niya akong binuhat at mabilis siyang naglakad sa kwarto kung saan nagawa kong masilip kanina. “Ano ba ginagawa mo!” galit kong sagot sa kanya ng maghiwalay ang mga labi namin para lang huminga ngunit hindi na naman siya sumagot at muli akong hinalikan. Dahil sa gulat, nagawa niya ng pasukin ang aking bibig at doon na ako nawalan ng control dahil naglakbay na ang kanyang mga kamay sa aking katawan. Mabilis niyang nabuksan ang aking suot na pantalon hanggang sa makaramdam na lang ako ng lamig ngunit mas nangibabaw ang init na dulot ng ginagawa sa akin ni Max. “Sabihin mong akin ka lang!” galit ngunit may awtoridad niyang bulong sa akin. Napaigtad ako ng itigil niya ang kanyang ginagawa kaya agad akong umismid dahil nag-uumpisa na rin akong makaramdam ng sensasyon tapos ay bigla siyang titigil. “Hindi mo ko pagmamay-ari!” sagot ko sa kanya at kahit may pagnanais akong may mangyari sa amin ng sandaling iyon ay agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Hindi ako papayag sa gusto niyang makokontrol niya ako dahil lang sa pagpipigil niya ng isang bagay na hindi ko naman kailangan. Nakatayo lang ako sa harapan niya habang umupo na siya at tumingala sa akin. Nilahad niya ang kanyang mga kamay at niyakap sa aking baywang. “Ganito ako kapag nagseselos. Ayokong may ibang taong tumitingin sayo,” maamo niyang bulong sa akin na parang batang inagawan ng kendi. Nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil parang namamalimos siya ng pagmamahal. Lumuhod ako sa harapan niya at nakita kong namamasa na ang kanyang mga mata. “Hayaan mo akong matutunan kang mahalin, Max. Mas maganda sa pakiramdam iyon dahil totoong pagmamahal ang mararamdaman mo at hindi pinilit,” mahinahon kong sagot sa kanya at nakita kong umayos ang kanyang reaksyon. Pinunasan ko ang kanyang mga mata tapos ay siniil ko siya ng halik. Hindi ko rin naman itatanggi na may pagtingin ako kay Max. Isang mababaw na pagtingin at sa tingin ko, habang tumatagal na kasama ko si Max ay unti-unting lalalim ang mararamdaman ko. Marahan ko siyang tinutulak hanggang sa mapunta na ako sa kanyang ibabaw at hinain kong muli ang sarili ko sa kanya. Inaasam na ng aking katawan ang presensya ni Max at malugod nilang tinanggap ang buong pagkatao niya hanggang sa makarating kami sa Paraiso. Kusa kong binibigay ang sarili ko kay Max sa tuwing mangyayari ang ganitong sandali sa aming dalawa. “Pasensya ka na kung nagiging mapusok ako kapag nakakaramdam ng selos. Ayoko lang talagang may ibang tumiti-“ pagpipigil ko sa kanyang sasabihin sa pamamagitan ng pagdampi ng halik sa kanyang labi. “Hindi rin talaga ako interesadong pumasok sa isang relasyon,” sagot ko sa kanya pero ang totoo, may nararamdaman na ako para kay Max. Ayoko lang dagdagan ang kanyang pag-asa dahil may tsansa na ikulong niya ako lalo. “Akin ka na lang,” narinig kong bulong ni Max at unti-unti na akong dinadala ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD