Chapter 19

1055 Words
Wala akong dinalang mga gamit pagbaba namin dahil lahat ay dala ng mga alipores ni Max. Inalalayan naman ako agad ni Max pababa sa barko kahit na hindi naman delikado ito at tinanggap ko na lang ang pagiging manly niya ng sandaling iyon. Malapit na ang gabi pagkababa namin kaya naman hindi na masyadong mainit ang sandaling iyon, sakto na rin na hindi ko na kailangan pang maglagay ng sunblock. Agad na nagpaalam si Max sa kanyang mga tauhan at hinawakan ang kamay ko. Kaming dalawa lang ang nasa isla ng mga sandaling iyon na labis kong pinagtaka pero may ilang mga kubo akong nakita sa di kalayuan. “Bakit walang mga tao dito?” tanong ko kay habang naglalakad na kami papunta sa mga kinatatayuan ng kubo. Punong-puno ng mga puno ang lugar na iyon. Pagkalagpas namin, doon ko nakita ang isang simpleng talipapa tapos ay maraming tao doon. Nang makita nang iilan ang pagkarating namin, may mga taong lumapit sa amin at agad nilang binati si Max. Pinalibutan nila si Max kaya naman agad akong lumayo para magkaroon sila ng pagkakataon na malapitan si Max. May ilang mga yumakap sa kanya at parang sabik na sabik sila sa presensya ni Max. Ilang minuto rin silang nasa ganoong pagbabati hanggang sa may isang babae ang napatingin sa akin. Ngumiti siya tapos ay parang may binulong kay Max na naging dahilan para mapatingin rin siya sa akin. Hinawi niya ang mga tao sa paligid niya tapos ay hinila ako. “Oo ng apala, si Eva,” pagpapakilala sa akin ni Max na labis kong kinagulat dahil hindi naman niya ako kailangang ipakilala sa mga ito. Yumakap ang ilan sa mga akin na parang kilala na nila ako pero kahit isa sa kanila ay ngayon ko lang nakita sa buong-buhay ko. Tiniis ko na lang ang mga ito hanggang sa isa-isa na silang umalis at muli kaming naiwan ni Max. Muli kaming naglakad at nagtungo sa isang kubo. Pagpasok, nagulat ako ng makita ang loob nito dahil hindi mo aakalain na nasa tabi ak ng isla. Maayos at matibay ang sahig nila dito, hindi mo mararamdaman ang init galing sa labas pagkapasok. “Buti hindi mainit sa loob,” bulong ko at naringin kong binuksan ni Max ang aircon matapos ilapag ang lahat ng gamit sa sahig. “Pinagawa ko talaga ito at alam kong magagamit din natin ito balang-araw,” sabi sa akin ni Max. Napatango na lang ko sa kanya tapos ay agad na umupo sa sofa. Sumunod naman agad si Max sa akin at habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng bahay na ito, naramdaman kong nakatingin siya sa akin. Agad ko siyang nilingon at parang may kakaiba talaga sa kanya ng mga sandaling iyon. “Bakit tinititigan mo na naman ako?” naiilang kong tanong sa kanya tapos ay ngumiti lang siya sa akin. Sobrang weirdo talaga ng taong ito at hindi ko na maintindihan ang mga iniisip niya. “Gusto kong makilala mo sila para kapag may problema ka o di mo kabisado ang lugar, pwede mo silang tanungin. Ang iba kasi doon ay tauhan ko,” sagot ni Max sa akin at napatango na lang ako kahit komplikado ang sinasabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay kung ano ang trato niya sa unang babaeng minahal niya ay gano’n din ang trato niya sa akin at parang nakakasakal ang ginagawa niya. “Nagugutom ka na ba?” dagdag niyang sabi sa akin at tumango na lang ako. Tumayo siya at nagtungo sa dulong parte ng bahay na iyon. Marahil ay kusina ang pinuntahan niya kaya naman agad akong sumunod at nakita kong tinitingnan niya ang ref ng kanyang bahay. “May ref ka din dito. Handang-handa ka,” masigla kong sabi sa kanya at humalakhak lang siya sa akin. Inilabas niya ang isang plastic na batid kong manok ang laman. Dinala niya iyon sa lababo at binabad agad sa plangganang maliit. “May maitutulong baa ko?” tanong ko sa kanya dahil pansin kong abala na siya sa pagkuha ng sangkap ng gusto niyang lutuin. “Meron. Kunin mo ang mga patatas at karot sa ref,” utos niya na agad ko namang sinunod. Matapos ay hinugasan ko na ito at nag-umpisa na akong balatan ang mga ito. Hindi ko alam kung ano ang balak niyang lutuin kaya ito na lang ang maaari kong gawin. “Gusto mong mag-sandwich muna? Matagal pang lumambot ang manok,” sabi niya sa akin at tumango ako saka niya tinuro sa lamesa ang tinapay at palaman. Agad akong nagtungo doon tapos ay naghanda na ng aking makakain. Habang ginagawa ko iyon, nakita kong nagsasalin na ito ng juice sa baso at inilapag sa tapat ko. “Salamat,” sabi ko sa kanya at nakita kong umupo siya sa harap ko tapos ay pinapanood lang akong kumakain ng tinapay. Pakiramdam ko tuloy, para akong artista at si Max ang direkto sa palabas na ito. Hindi ako mapakali sa ginagawa niya sa akin at parang buong oras na kasama ko siya ay hindi ako tatantanan ni Max sa ginagawa niyang pagmamasid sa akin. “Nakakailang ka na,” sabi ko sa kanya pero hindi nagbago ang kanyang reaksyon. Baliwala ang sinabi ko sa kanya kaya matapos kong kainin ang tinapay, agad akong umalis sa hapagkainan at kumuha na lang ng damit sa mga bag namin. Hindi ko na tinanong kay Max kung nasaan ang banyo at kusa ko na lang hinanap ito. Naisip kong maligo na lang para mawala na rin ang init ng ulo na nararamdaman ko. Matapos kong maligo, nakasalubong ko si Max na nasa labas na rin ng banyo at naghihintay sa aking matapos. May dal ana rin siyang damit at alam kong maliligo na rin siya. Hindi ko siya kinibo at agad akong nagbalik sa sala para doon na lang magpahinga. Hindi ko kabisado kung saan ang kwarto dito at naisip kong habang nasa banyo si Max, titingnan ko ang kabuuan ng bahay na ito. Malaki talaga ito at masasabi kong ito lang ang nag-iisang bahay nag anito ang disenyo. Nang marinig ko na ang pag=agos ng tubig, agad akong naglakad sa loob ng bahay at nakita kong sag awing kaliwa, may tatlong kwarto doon. Una kong binuksan ang pinakahuling pinto at nakita kong puting-puti ang disenyo nito. Maski ang kobre kama ay kulay puti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD