Chapter 37

2092 Words
“Ilang ulit ba akong gigising na nakahiga sa hospital?” tanong ko sa sarili ko dahil muli na naman akong nagising na nasa hospital pero ang kaibahan lang ay hindi na ako nag-iisa. Paglingon ko, nakita ko si Max na nakahiga sa kabilang kama sa aking tabi. Nang sinubukan kong gumalaw ngunit bigla akong natigilan dahil sa kirot na naramdaman ko sa aking tagiliran. Agad kong inalis ang kumot sa aking katawa at kitang-kita ko ang hospital gown na may kaunting dugo dito. Dahan-dahan kong iniangat ang suot ko at nakita ko ang aking tiyan na may gasa. Doon ko naaalala ang mga nangyari sa akin na naging dahilan para matamo ko ang sugat na ito. Nasangkot kami ni Max sa isang barilan at tinamaan ako ng bala sa aking likod. Hindi ko lang alam kung bakit nandito rin si Max dahil ang huli kong natatandaan ay buhay at maayos siya bago ako tuluyang mawalan ng malay. “G-gising ka na pala,” bulong ni Max sa akin nang makita niyang gumagalaw na ako. Agad ko siyang nilingon para magtanong kung bakit rin siya nakahiga sa hospital na ito. Nakita kong pinindot niya ang emergency button sa itaas ng kanyang ulo. “A-anong nangyari sayo?” tanong ko sa kanya at agad siyan umupo saka inayos ang suwero na nakaturok sa kanya. Pansin kong wala namang masamang nangyari sa kanya dahil nakakagalaw pa siya na parang walang nararamdamang sakit. “Teka, natatandaan mo ko?” tanong niya at sinagot ko lang ito ng pagtango. Ngumiti siya at lumapit sa akin. Hinaplos niya ang aking noo at napatingin sa mga nurse at doctor na pumasok sa aming kwarto. “Mabuti naman at natatandaan mo ko,” sagot niya at lumayo na siya sa akin dahil inumpisahan na akong suriin ng mga empleyadong pumasok. “Kamusta pakiramdam mo, Eva? Nagkita na naman tayo,” sabi ng doctor sa akin at pamilyar ang kanyang mukha ngunit hindi ko matandaan ang kanyang pangalan. “Kaya nga po, Dok,” sagot ko sa doctor at nagtawanan kami ngunit natigil ko dahil sa kirot na nararamdaman ko. “Hindi ka pa pwedeng humalakhak,” saway ni Max sa akin at tinitigan ng masama ang doctor dahil sa biro nito ay hindi ko napigilang hindi matuwa sa kanya. “S-sorry,” sabi nito kay Max tapos ay pinagpatuloy na ang kanyang ginagawa pero hindi na ito nagawa pang kumibo sa akin, tanging nurse lang ang kinausap niya tapos ay sila naman ni Max ang nag-usap tapos ay lumabas na sila. “Max? Bakit may suwero ka rin? Tinamaan ka rin ba ng bala?” tanong ko sa kanya pero umiling lang siya at dahan-dahan nang inalis ang kanyang suwero saka lumapit sa akin. “Kinailangan mo ng maraming dugo kaya naisip kong mag-donate dahil parehas naman tayo ng blood type,” sagot niya sa akin at napatango ako. “Mabuti naman. Akala ko ay natamaan ka na rin ng baril kaya nakahiga ka rin diyan,” sambit ko kay Max at ngumiti na lang ako. Pinigilan kong matawa para na rin sa sarili kong kapakanan. “Tama na muna ang biruan at mamaya di mo mapigilang humalakhak. Kung kaya mo na tumayo ay aalis na tayo. Hindi tayo pwedeng magtagal dito dahil alam nilang dito lang din kita maaaring dalahin,” seryosong sinabi sa akin ni Max. Hindi ko alam kung sino ang mga taong nagtangka sa buhay namin, ang alam ko lang ay delikado na ang pananatili namin sa iisang lugar. Dahan-dahan akong kumilos at iningatan ng husto ang aking tiyan. Inalalayan naman ako ni Max para makababa ng kama at pati sa paglalakad ay hindi niya ako nilubayan. Pagdating sa banyo, tinulungan niya akong alisin ang aking suwero. “Gusto mo bang ako na rin ang magbihis sayo?” tanong sa akin ni Max. NGumisi ako ng nakakaloko at tumango. Napangiti na rin siya sa akin at inalis na ang hospital gown na suot ko tapos ay inumpisahan niya na akong bihisan. Hindi na ako nakakaramdam pa ng hiya sa tuwing makikita niya ako ng walang saplot dahil sa ilang beses na rin naman niyang nakita ang aking katawan. Pagdating namin sa lobby ng hospital ay napansin akong ilang mga lalaki na nakasuot ng amerikano at nagkalat sila sa paligid ng hospital. Nang mapansin niila si Max ay agad silang sumeryoso ng tinding at sabay-sabay na lumabas. Sumunod naman kami ni Max sa kanila at doon ko nakitang nakapila sila at tila may hinihintay. “Sino ka ba talaga, Max? Bakit pinagtangkaan nila ang buhay natin? May atraso ba tayo sa mga taong iyon?” tanong ko sa kanya. “Alam kong marami pa akong dapat ipaliwanag sayo pero naghihintay lang ako ng tamang panahon dahil hindi pa maayos ang takbo ng isip mo,” bulong sa akin ni Max at ilang sandali pa, huminto sa harapan namin ang isang itim na kotse. “Sandali, hindi ba mas nakakaagaw ng atensyon kung marami kang bodyguards na nagkalat sa paligid?” tanong ko sa kanya at tila nagkaroon siya ng ideya dahil sa sinabi ko. “Alam ko, Eva. Pero sa lagay mo ngayon, hindi mo pa kayang lumaban. Hindi mo nga magawang maaalala kung sino ako, papaano pa kaya ang ilang mga bagay?” iritable niyang sagot sa akin at napakagat na lang ako sa labi ko dahil sa mga sinabi niya. Binuksan niya na ang sasakyan at tinagilid ang kanyang ulo para sabihing sumakay na ako. Tinitigan ko ang mga bodyguard niyang isa-isa na ring sumakay sa mga sasakyan na kasunod namin. Hindi pa rin ako kampante sa lagay na ito pero kung sa tingin ni Max ay ito ang makakabuti, susundin ko ang gusto niya. Pagdating namin sa bahay, may mga kapitbahay na nakatayo sa labas nito at tila hinihintay kami ni Max. Sa kumpulan ng mga tao, may isang matandang babae ang lumapit sa amin at agad na nagmano sa kanya si Max. Kinuha niya rin ang dala nitong plastic bag nap uno ng mga gulay at nagbulungan lang sila. Tinuon ko naman ang atensyon ko sa ibang tao na nakatayo doon at napansin ko ang matandang nakausap ko noon. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata na parang hindi niya nagugustuhan ang makita ako. Ngumisi siya sa akin at tinalikuran na rin ako saka unti-unting lumakad papalayo. “Max, mauuna na ako sa loob,” tawag ko sa kanya at agad na akong pumasok. Nakakaramdam na rin kasi ako ng kirot sa aking tagiliran kaya gusto kong magpahinga na lang muna. “Sige po, Manang. Maraming salamat po sa mga prutas na ito,” narinig kong pagpapaalam ni Max sa matanda at agad na siyang sumunod sa akin. Pagkapasok ay agad akong niyakap ni Max na labis kong kinagulat. “Anong nangyayari?” nagtataka kong tanong dahil narinig kong humihikbi si Max habang nakayakap sa akin. “I-I’m sorry,” bulong niya na may halong paghihinagpis. Agad ko siyang tinulak papalayo sa akin. Nakita kong naluluha na siya ng sandaling iyon at hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para maiyak. “Kasalanan ko kung bakit nangyari ito sa’yo. Ayoko nang mapahamak ka pa ulit. Ang akala ko, mawawala ka na naman sa akin,” sabi niya sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa aking balikat. Tumagos sa pagkatao ko ang nararamdaman na takot ni Max nang sandaling iyon. Alam kong totoo ang sinasabi niya na takot siyang mawala ako. Hinaplos ko ang kanyang mukha at pinunasan ang mga luhang tuluyan nang tumulo galing sa kanyang mga mata. “Hindi ako mawawala sayo. Kung magagawa kong lumaban, gagawin ko. Hindi ako basta-basta mamamatay,” natatawa kong sab isa kanya at unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha. “Alam ko, napatunayan ko na iyan,” nakangisi niyang sagot sa akin at dinikit muli ang noo niya sa akin. Dinampian niya ng halik ang labi ko at marahan na pinalalim ito pero agad ko siyang tinulak palayo sa akin. “Wala muna ngayon at gusto kong magpagaling,” natatawa kong sabi sa kanya nang magawa kong kumawala. “Right,” sagot niya sa akin at lumakad na siya papalayo at nagtungo sa kusina. Agad naman akong nagtungo sa kwarto para kumuha ng aking damit at linisin ang aking katawan. Napakaraming tanong sa aking isip dahil sa mga sinabi ni Max at mas lalong nadagdagan ang aking kuryosidad para malaman kung sino ng ba talaga si Max? Sino ang mga taong gumawa nito sa kanya at kung may kinalaman ba ako sa problema niyang ito? Pagkapasok ko sa kwarto, napansin kong may isang sulat ang nakalapag sa kama at agad ko itong nilapitan. “MAMAMATAY KA!” iyon ang nakasulat doon gamit ang pulang likido bilang pangsulat sa papel na iyon. Tinitigan ko ang bintana para masiguro kung nakasara ba ito. Walang bahid ng pagkakabukas ang bintanang iyon kaya labis akong nagtaka kung papaanong nagkaroon ng ganoong sulat sa kwarto ni Max. “Max!” sigaw ko at inulit ko pa iyon hanggang sa marinig ko na ang pagbubukas ng pinto. Nilingon ko siya at inilahad sa kanya ang sulat. Binasa niya naman ito at agad niya ring nilukot. “Bakit hindi na lang tayo magsumbong sa mga pulis at mas madaling gawin ang bagay na iyon,” suhestiyon ko sa kanya pero umiling lang siya sa akin. “Walang magagawa nag mga pulis dahil hawak rin sila ng kalaban naming pamilya,” bulong ni Max sa akin at agad kumunot ang aking noo. “Kalabang pamilya? Anong ibig mong sabihin?” tanong ko sa kanya at napatingala lang siya habang hinihimas ang gitna ng kanyang ilong at bumuga ng malalim na hangin. “Masyado pang maaga para malaman mo ang mga bagay na iyan. Ang gusto kong mangyari ay maaalala mo ang lahat,” sagot niya sa akin at tinapik ko ang kanyang braso. “Anong masyado pang maaga? Max, kamuntikan na akong mamatay!” galit kong sagot sa kanya. Umupo ako sa kamay dahil sa nakaramdam na ako ng pananakit ng aking paa pero nanatili ang atensyon ko kay Max habang wala pa siyang binibitawan na sagot. “Nakialam ako sa kaso mo noon at ginamit iyon ng kalaban para pabagsakin ako,” bulong niya sa akin. Tinitigan ko siya ng ilang segundo bago tanungin ang bumubuong konklusyon sa isip ko. “Ano ka ba? Sino ka ba? Hindi tayo naglalaro para ulanin mo ko ng pagtataka. Gusto ko ng sagot, Max! Buhay ko ang kamuntikan na nawala dito!” sigaw ko sa kanya at muli lang siyang huminga ng malalim. “Isang malaking sindikato ang pamilya ko at sa akin pinasa ang posisyon para patakbuhin ito matapos mamatay ang aking ama,” sagot sa akin ni Max at napatuptop ako sa aking bibig. Sindikato ang boyfriend ko at ito marahil ang dahilan kaya pilit siyang pinapatay ng mga taong ito. “Sindikato ng ano?” tanong ko sa kanya at tinaas ang kanyang kamay. “Huwag mo na alamin kung anong klase kami ng sindikato dahil labas ka doon. Not until mangyari sa iyon iyan. Hindi ako titigil hangga’t hindi matukoy kung sino ang may gawa sa’yo ng bagay na ito,” mahaba niyang sabi sa akin at tumango ako. “Gusto kong malaman ang totoo, Max. Karapatan ko iyon,” sagot ko sa kanya. Pe-pwersahin ko si Max na sabihin sa akin ang totoo para malaman ko kung papaano ko siya matutulungan sa laban niyang ito. “Bakit ba importante sayong malaman ito, Eva?” aniya at hinarap na ako na may galit sa kanyang mga mata. “Dahil gusto kong lumaban kasama ka. Ayokong ikaw lang palagi ang nag-iisip kung papaano tayo magiging ligtas. Gusto ko rin naman makatulong sayo,” sagot ko sa kanya at tinapik ang ulo ko. “Ang gusto ko sa ngayon, magpahinga ka. Palakasin mo ang katawan mo at kung maaari, gawin mo ang lahat para maaalala mo ako,” sagot niya at naglakad papunta sa kanyang cabinet at may inilabas siyang ilang mga kahon. “Lahat ng litrato nating dalawa ay nakatago sa kahon na ito. Kung may kailangan ka o gustong maaalala sa akin, maaaring isa sa mga litratong nandito ay makakatulong sayo,” mahinahon niyang sabi sa akin at nilapag ang kahon sa aking tabi. Dahan-dahan kong binuksan iyon at nakita ko ang naka-ayos na litrato sa kahon na iyon. “Maiwan na muna kita at magluluto pa ako ng hapunan,” sagot sa akin ni Max tumango na lang ako habang sinusundan ko siyang papalabas ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD