Chapter 36

1566 Words
Matapos ang eksenang iyon ay parang walang nangyari. Mabilis na nagbihis si Max at gano’n na rin ang ginawa ko. Pakiramdam ko ay masasanay ako sa ganitong gawain namin. Kahit na hindi ko siya matandaan, hinahayaan ko lang ang aking katawan na gawin ang gusto nito kapag kasama si Max. Tila ay sanay na sanay ito sa lahat ng aktibidad ni Max. “Kung nabuburyo ka dito, dito na rin muna ako at gusto kong masanay ka pa lalo sa presensya ko,” aniya at umupo saka tinapik ang binti nito. Nagpalipat-lipat naman ang kanyang tingin sa akin at sa binti niya at alam kong gusto niya akong umupo doon. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanya at mabagal na umupo sa binti niya at parang pinakikiramdaman ito. Nang magawa ko ito ay napahinga ako ng malalim dahil sa kaba na nararamdaman ko. Napatingin ako sa kanya nang sandaling iyon at agad niyang hinawi ang buhok ko na nakaharang sa aking mukha. “W-wala pa ba tayong anak?” tanong ko sa kanya at hindi ko malaman kung saan nanggaling iyon. Mabilsi nagbago ang reaksyon na nakaguhit sa mukha ni Max dahil sa tanong kong iyon at pakiramdam ko, hindi maganda ang sagot na masasabi niya sa akin. “Hindi pa tayo nagkakaanak kaya nga paulit-ulit na kitang ginagalaw,” malungkot niyang sagot at nagdulot rin iyon ng kirot sa aking puso. Naniniwala ako sa sinabi niyang iyon dahil sa nilabas na pakiramdam ng katawan ko. “Ilang taon na ba tayong magkasintahan?” sunod kong tanong sa kanya ngunit hindi na niya nagawa pang sagutin iyon dahil may biglang kumatok sa kwarto ko. Agad akong tumayo dahil ayokong makita kami na nasa ganoong posisyon. “Pasok!” sigaw ni Max at pansin ko ang pagkairita sa kanyang mukha dahil sa ginawa kong pagmamadali na makalayo sa kanya. Umupo na lang ako sa sofa at pumasok ang isang babae na may dalang papeles at agad iyong lumapit kay Max. Nakatingin ito sa akin na may kahulugan pero sandaling segundo lang iyon. “Mamaya po ay parating na ang mga deliver ng gamot, Sir,” sabi nito kay Max at kakaiba pa ang kinikilos nito sa harapan ni Max ngunit hindi siya nito pinapansin dahil nakayuko ito at pinipirmahan ang dala niyang papeles. “Si Ma’am Eva mo na ang bahala doon.” Iniabot ni Max ang papel habang sinasabi iyon. Tumalikod na ang babae matapos kunin ang papel at kitang-kita ko ang masama niyang tingin sa akin. Labis akong nagtaka dahil sa reaksyon niyang iyon at kulang na lang ay saksakin niya ako gamit ang mga mata niyang may makahulugang tingin. Sinamaan ko rin siya ng tingin dahil alam kong wala akong ginagawang masama sa kanya para magkaroon siya ng ganoong emosyon laban sa akin. Ngumisi siya nang makita ang reaksyon ko tapos ay lumakad palabas na ng kwartong iyon. Hindi ko magawang palagpasin iyon kaya tumayo na rin ako at nagmadaling sinara ang pinto bago pa man siya makalabas ng tuluyan. “Sandali lang, kilala b akita?” iritable kong tanong sa kanya at kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagtataka ngunit hindi pa rin naalis ang galit sa kanyang mga mata. “Eva, anong nangyayari?” pagtatakang tanong ni Max sa akin at nilingon ko lang siya saka nginitian. Binalik ko ang atensyon ko sa babae na ngayon ay nakatingin na kay Max at tila nanghihingi ng tulong. “Sumagot ka!” pagdidiin kong sab isa babae at tumayo na rin si Max saka lumapit sa aming dalawa. Tinaas ko ang kamay ko para magbigay ng senyas kay Max na huwag siyang makialam. Hindi ko alam kung maiintindihan niya iyon. Humalukipkip ako at tinitigan ko ng maigi ang babaeng ito. “H-hindi kita kilala. Diba ngayon ka lang naman pumasok dito?” sagot niya na may halong panginginig sa kanyang boses saka muling tumingin kay Max. “Tama, kaya hindi ko maintindihan kung bakit pagpasok mo pa lang ng kwartong ito, masama na ang tingin mo sa akin. May gusto ka ba sa asawa ko?” tanong ko na may halong pagtataray dahil alam ko sa sarili ko na iyon talaga ang dahilan niya para magkaroon siya ng inis sa akin. “Max, ano ba tong si Eva? Sa tagal na nating magkakilala, alam mong wala akong gusto sayo,” aniya na may halong pa ring panginginig sa kanyang boses. Hindi nagawang kumibo ni Max dahil muli ko siyang sinenyasan na huwag magsalita. “Max, huwag kang makialam dito,” galit kong sabi sa kanya matapos kong itaas ang aking kamay. Tumango lamang ito at bumalik na sa aking lamesa. Muli kong hinarap ang babae at ngayon, kaming dalawa na lang ang nag-uusap. “Sa susunod na papasok ka dito sa opisina ko at ganyan ang asal mo, huling beses mo ng aapak sa center na ito,” sabi ko sa kanya at binuksan ko ang pinto saka marahas ko siyang itinulak papalabas ng opisina ko saka ako sumunod sa kanya. “Sa susunod na papasok kayo sa kwarto ko at magtataray sa akin, sana kaya niyong dalahin ang sarili niyo,” mahinahon kong sab isa kanila at muli ko pang itinulak ang babae. Tumagal pa ako ng ilang segundo na nakatingin sa kanila at kitang-kita ko ang pagtataka sa kanilang mga mukha at hinuhulaan ang nangyari sa pagitan namin ng babaeng ito. Pagkapasok ko, isinandal ko ang aking ulo sa likod ng pinto dahil sa eskandalong ginawa ko. Napapikit ako ng marahan at nang pagdilat ko, tinitigan ko si Max na may halong pagkainis. “Ang hirap talaga kapag gwapo ang boyfriend,” malambing kong sab isa kanya at muli na akong umupo sa kanyang mga hita at kinawit ko pa ang braso ko sa kanyang leeg. “Hindi ko alam kung dapat ba akong magselos pero nairita talaga ako sa babaeng iyon,” sunod ko pang sab isa kanya at ngumisi lang siya at hinimas ang gitna ng kanyang ilong. “Hindi ko alam sayo, Eva. Wala kang dapat ikaselos,” sagot niya sa akin at hinila ang noo ko saka idinikit sa kanyang noo. Napapikit ako sa ginawa niyang iyon at dinampian niya pa ng halik ang aking labi. “Wala ng round three,” sabi ko sa kanya at saka sabay kaming nagtawanan dahil sa sinabi niyang iyon. Muli na akong tumayo para magsimula ng magtrabaho dahil sa alam kong paparating na ang deliver ng mga gamot. “Samahan mo ko sa garahe para tingnan ang paparating na deliver ng gamot,” sabi ko sa kanya at sa di ko malamang dahilan ay naging malambing ako sa kanya at hinawakan ko ang kanyang kamay habang papalabas kami ng opisina ko. Taas-noo akong naglakad sa harapan ng mga babaeng iyon at napatingin ako sa lamesa kung nasaan ang babaeng kinaiinisan ko kanina. Nakita kong nakayuko ito at tinatakpan ang kanyang mukha. Marahil ay nahihiya dahil sa kanyang inasal. Nagulat ako ng inakbayan pa ako ni Max nang sandaling iyon kaya mas nakaramdam ako na walang aagaw sa kanya at pagmamay-ari ko lang siya. “Thank you,” bulong ko sa kanya at saka kami nagpatuloy papalabas ng center. Nang makarating kami, nakahinto na ang isang delivery truck at may ilang mga lalaki ang nakahinto dito. Di pa man kami nakakalapit ay napansin kong kakaiba ang kinikilos nila ng mapansin kaming papalapit. “Sandali, hindi maganda ang pakiramdam ko, Max.” Hinila ko siya para huminto at napatingin sa akin. Nakatalikod siya sa kanila at hindi niya napansin ang paglabas pa ng ilang mga lalaki at may hawak ng baril ang mga ito. “Max, umalis na tayo dito!” sigaw ko sa kanya at nakita kong tinutok na nila ang mga baril sa amin at agad na pinaputukan ang pwesto namin. Tinulak ko si Max at napansin kong napahiga na siya sa semento habang ako ay may naramdaman na kirot sa aking likod. May mga ilang sibilyan ang nakita kong nagtago ng marinig ang putukan at ang ilan naman ay tumawag ng tulong para saklolohan kami ni Max. Huminga akong malalim hanggang sa mas sumakit lalo ang kirot na nararamdaman ko. Tumagos ang sakit na iyon hanggang sa aking tiyan kaya naman kinapa ko ito, doon ko naramdaman ang mainit na likido na dumampi sa aking balat at nang i-angat ko ang aking kamay, kitang-kita ko ang pulang likido sa aking palad. “Max…” bulong ko at naramdaman kong namamanhid ang aking mga tuhod kaya naman napaluhod ako habang nakatingin kay Max. Agad siyang tumayo at patakbong lumapit sa akin. Habol-habol ko na ang aking hininga ng mga sandaling iyon hanggang sa maramdaman ko na lang na namamanhid na ang buo kong katawan at nang malapit na akong matumba ng tuluyan, sinalo ako ni Max at napahinga sa mga binti niya. “Mga walanghiya kayo!” naringin kong sigaw niya. Pakiramdam ko nang mga sandaling iyon ay katapusan ko na dahil lumalabo na rin ang paningin ko habang nakatingala at tinititigan si Max na labis ang galit. Ilang sandali pa ay may narinig na akong sirena ng wang-wang at may mga ilan pang putok ng baril ang narinig ko. “Eva, hindi ka pa pwedeng mamatay,” bulong ni Max sa akin at may halong paghihnagpis na ang kanyang boses ng sandaling iyon. Niyakap niya ako at naramdaman ko na lang ang pagbuhat sa akin hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD