Chapter 38

2053 Words
Hindi ko na tinapos pang tingnan ang lahat ng mga litrato sa kahon na binigay sa akin ni Max dahil wala rin naman akong maintindihan sa mga iyon. Nagtungo ako sa kusina para tingnan kung ano na ang ginagawa niya at naabutan ko siyang nakatalikod at nasa tainga ang kanyang cellphone. Nagtago ako sa pader na nakaharang sa kusina at papakinggan ang mga salitang manggagaling sa bibig ni Max. Gusto ko pang madagdagan ang mga kaalaman ko sa gulong ito dahil may mga bagay na hindi pa sinasabi sa akin si Max. “Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon, Kristina. Hanggang ngayon, hindi pa rin naaalala ni Eva ang ilan sa nakaraan naming dalawa,” mahinang sabi ni Max sa kabilang linya. May alam si Kristina sa gulong ito kaya ba kung nasaan kami, nandoon rin siya para tulungan si Max? Tanong ko sa sarili ko ng mga sandaling iyon. Hindi agad nagsalita si Max ng ilang minuto matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. “Max?” tawag ko sa kanya at lumapit na kung saan siya nakapwesto. “Tawagan kita ulit mamaya,” sabi niya kay Kristina tapos ay pinatay na agad ang tawag saka tinago ang kanyang cellphone. “May natuklasan ka na ba, Eva?” tanong niya sa akin at nagpatuloy sa kanyang niluluto. Hindi ko na pinansin kung ano ang pagkaing iyon at natuon lang ang atensyon ko sa kanya. “Wala akong natuklasan pero gusto kong malaman kung ano ang maitutulong ko sayo?” mahina kong tanong sa kanya at agad niyang pinatay ang kalan at tinuon na ang atensyon sa akin. “Kailangan mo munang maaalala kung ano ang pinagsamahan natin,” sagot niya sa akin at yumuko sandali at tumingin ulit sa akin. “Kung gano’n, tulungan mo akong makaalala. Bakit hindi na lang ikaw ang magsabi sa akin kung ano ba ang nakaraan natin?” tanong ko sa kanya na may halong pagkadismaya. “Sigurado ka ba? Kung yan ang gusto mo, yan ang gagawin natin,” sagot niya sa akin at ngumiti na may halong pait. Alam kong hindi madali ang bagay na iyon kay Max sa kadahilanang may mga bagay na alam kong hindi maganda ang nangyari. “Saan tayo magsisimula?” tanong ko sa kanya at pinagdikit niya ang kanyang mga palad saka tinuro ako. Nakangiti siyang lumapit sa akin at hinila ang aking kamay. “Halika dito,” masayang sabi niya at muli kaming bumalik sa kwarto namin. Nagtungo kami sa kama at binuksan niya ang box kung saan nakalagay ang mga litrato. May hinalungkat siya doon at nakita ko ang dalawawang bata na magkatabi sa litrato. Ang isa ay isang lalaking binate na nakahiga sa kama at may benta sa ulo tapos ay ang batang ako naman ang kasama nito. Naka-peace sign ako sa litratong iyon ngunit hindi ako masaya. “Ikaw ba ang batang iyan?” tanong ko sa kanya at tumango siya tapos ay hinarap ito sa akin. “Nagkakilala tayong dalawa dahil ikaw ang naging donor ko ng dugo noon. Kasama ka ni Spiel ng mga oras na iyan at nagpresinta kang mag-donate ng dugo sa akin. Matapos maging matagumpay ang pagsasalin ng dugo ay naging matalik tayong magkaibigan,” kwento niya sa akin at tumango ako saka tinitigan ang litratong iyon. Wala akong maaalala sa kahit anong sinabi niya pero dahil sa litrato ay naniwala akong totoo ang kwentong ito. “Tapos ay naging magkasintahan tayo?” tanong ko sa kanya at umiling siya. Binalik ko na ang litrato sa kahon tapos ay may sunod naman siyang kinuha. “Ito ang muli nating pagkikita nang sundan mo ang kapatid mo sa isang isla matapos niyang isagawa ang krimen. Aksidenteng nagkabangga tayo, hindi mo na ako naaalala ng mga panahon na iyan kaya naman nilapitan kita at nagpakilala ako sayo. Nagkaroon tayo ng koneksyon at doon kita sinimulang ligawan,” masayang sabi niya sa akin at nakangiti habang nakatitig sa litratong iyon. “Ilang taon tayo naging magkasintahan?” tanong ko sa kanya. “Hindi rin tayo nagtagal dahil sa pamilya ko. Isa ang pamilya namin sa mga oligarko dito sa Batangas at ang aking ama ay kilalang pinuno ng Mafia dito. Hinadlangan nila ang relasyon natin pero lumaban tayong dalawa,” sagot niya sa akin at napatuptop ako sa sinabi niyang iyon. “Iyon ba ang naging dahilan kung bakit ako lumayo sayo ng matagal na panahon?” tanong ko sa kanya pero umiling lang siya sa akin. “Lumaban tayong dalawa noon. Nagtayo ng malaking kompanya, gumawa ng sariling isla at marami pang iba,” sagot niya sa akin. Napapikit ako dahil sa nakaramdam ako ng sakit ng ulo. “A-ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Max at hinimas ang aking braso. Dahil sa gulat, nahawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay at buong pwersa kong napilipit iyon. “Eto ang sinasabi ko sayo, Eva. Natuto ka kasi nang self-defense. Inaral mo kung paano bumaril at kung paano maging propesyonal, sopistikada at eleganteng babae dahil magkasama tayo ng pinapabagsak natin ang kompanya ng aking ama,” sagot niya sa akin. Mas lalo akong nakaramdam ng sakit ng ulo dahil sa mga impormasyon na nanggagaling sa kanya. “Ang sakit ng ulo ko,” bulong ko kay Max at mabagal kong inalog ang aking ulo dahil sa nararamdaman ko. “Hindi mo pa talaga kaya ang lahat ng impormasyon na sasabihin ko sayo kaya naman gusto kong unti-untiin sayo ang lahat ng nakaraan natin,” sagot niya sa akin pero hinawakan ko ang kanyang kamay para pigilan siya. Gusto kong malaman ang lahat-lahat at ngayon na ang tamang pagkakataon. “Max, gusto kong malaman ang lahat. Ang sinasabi mo bang sariling nating kompanya, ano ang nangyari doon?” tanong ko sa kanya at kinuha niya sa ilalim ng mga litrato ang ilang mga papeles at pinakita niya iyon sa akin. Binasa ko ang nakasulat doon at nakita ko ang aming pangalan bilang may-ari ng kompanyang iyon. “Ang hospital na pinapasukan mo ay sarili nating kompanya noon,” sagot niya at tinaas ko ang aking kamay para pigilan siya dahil sa magulong mga impormasyon. “Sa atin ang hospital na iyon? Pero ang naaalala ko, nag-apply ako doon bilang isang normal na nurse,” pagpigil ko sa kanya pero umiling siya sa akin. Kinuha niya ang kanyang cellphone tapos ay may tinawagan siya. Tinapat niya muna sa akin ang cellphone at nakita kong si Thea ang tinatawagan niya. “B-bakit mo tinatawagan si Thea?” tanong ko sa kanya tapos at narinig ko na lang ang sunod-sunod na pagsasalita ni Thea sa kabilang linya. “Max, anong mapaglilingkod ko sayo? Magkasama na ba kayo ni Eva?” tanong ni Thea sa kanya at nagkatitigan pa kami bago ko naisip na magsalita. “Thea,” mahina kong sabi at narinig ko ang pagmumura ni Thea sa kabilang linya dahil sa gulat nang maringi niya ang boses ko. “Eva?” sagot niya sa akin. “Thea, maaari mo bang ikwento kay Eva ang nangyari noon?” tanong ni Max sa kanya at nagtatanong pa si Thea sa kanya kung bakit kailangan niyang gawin iyon. Hindi naman sumagot sa kanya si Max kaya nagpatuloy na lang siya sa hiling ni Max. “Natatandaan mo na noon, magkaklase tayo, diba Eva? Pero nagulat ako ng bigla kang himatayin at doon ko nakilala si Max. Pinaliwanag niya sa akin ang lahat at nagkunyari akong walang alam sa lahat ng totoong nangyari. Tinayo ang hospital na pinapasukan natin at ang lahat ng mga empleyado doon ay alam na ikaw ang may-ari, kinausap ko lang sila na huwag sabihin sayo ang totoo,” sabi ni Thea sa akin at pakiramdam ko ay masisiraan na ako ng bait dahil sa laki ng bagay na tinago sa akin ni Max. Pinatay niya na ang tawag tapos ay muling tumingin sa akin. Bumugtong-hininga si Max nang makita ang aking reaksyon. “Eva, matagal kong tiniis ang lahat ng ito at gusto kong lumaban muli kasama ka. Kung nasaktan ko man ang damdamin mo sa mga bagay na nalaman mo ngayon, humihingi ako ng tawad pero kailangan kita,” mahinang sab isa akin ni max at nagsusumamo. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito. “Naiintindihan ko na ngayon, kahit na wala akong naaalala, nauunawaan ko na ang lahat ng mga sinabi mo sa akin,” sagot ko sa kanya at pinunasan ang aking pisngi. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pa la ang aking mga luha ng sandaling iyon. “Alam kong mahirap ito para sayo, Eva, pero nandito lang ako. Hinding-hindi kita iiwanan at aalagaan kita, po-protektahan kita. Pero ang bawat hari, kailangan ng isang reyna,” malambing niyang sinabi sa akin at tumungo ako. Tinapik ko ang kanyang kamay at tumango sa kanya ng ilang beses saka ngumiti. “Tutulungan kita, pangako. Pero sana, tulungan mo kong maibalik ang dating ako,” sagot ko sa kanya at niyakap niya ako habang nakaupo kami. Yumakap ako pabalik sa kanya at nagpatuloy na siya sa ilan pang mga kwento niya sa akin gamit ang mga litrato. Pinakita niya sa akin ang larawan ng kanyang ama at mga kapatid. Pati ang mga kapatid niya. Ayon sa kanya, ang ilan sa mga ito ay nasa ibang bans ana matapos magkaroon ng gulo. Ang kanyang ama naman ay ilang taon na ring patay. “Kung patay na ang iyong ama, sino ang kinakalaban natin?” tanong ko sa kanya at tinuro ang isang lalaki. “Siya ang panganay kong kapatid. Hindi niya gusto ang naging desisyon ko na Samahan ka kaya naman pilit siyang gumagawa ng paraan para magkahiwalay tayo,” sagot niya sa akin at tumango ako. “Anong klaseng kompanya ba ang mayroon tayo?” “May-ari tayo ng ilang malalaking investment sa islang ito tapos ay karamihan ng hospital at restaurant ay sa atin din. Kung mapapansin mo, lahat ng pagkain sa food center ay ang mga pagkaing paborito mo dahil ikaw mismo ang naglagay ng mga restaurant doon,” mahaba niyang lintanya sa akin. Wala na akong masabi ng sandaling iyon dahil malinaw at kumpleto ang kanyang kwento. “Papaano nawala ang ala-ala ko?” sunod kong tanong sa kanya at tumango lang siya. “Nasangkot ka sa isang aksidente at labis na tinamaan ang iyong ulo. Minsan, babalik ang ala-ala mo at minsan naman ay nawawala. Hindi masasabi kung kalian magiging maayos ang iyong isipan,” sagot sa akin ni Max at wala na akong magawa pang sabihin sa lahat ng impormasyon na binitawan niya. Muli kong kinapa ang malaking peklat sa likod ng aking ulo para masigurong totoo ang lahat ng sinasabi niya. “Tapusin mo na ang kwento mo sa akin,” sagot ko sa kanya at muli siyang nagpatuloy sa ilang mga bagay tungkol sa amin. Nalaman kong wala pa talaga kaming anak, hindi pa kami kasal at hindi rin kami ng tanggap ng kanyang mga kapatid. Napakagat ako sa aking labi dahil doon. “Ano ang dapat kong gawin para matulungan ka, bukod sa pagbabalik ng aking ala-ala?” tanong ko sa kanya at pinaliwanag niya sa akin na dapat, muli kong matutunan kung papaano maging isang matagumpay na CEO dahil ang muli naming gagawin ay palaguin ang negosyong kanyang itatayo para iyon ang armas namin laban sa mga taong nagtangka sa buhay namin. “Kilala mob a kung sino ang mga taong iyon, Max?” tanong ko sa kanya at tumango siya. “Ang pamilyang iyon ay mortal na laban ng aming pamilya kaya naman ako ang sinubukan nilang maging target dahil ako na lang ang naiiwan dito sa Pilipinas,” pagliwanag niya sa akin at tumango na lang ako. Wala naman akong alam sa kung papaano magtayo ng kompanya sa panahon ngayon at kasalukuyan pa akong may butas sa katawan na naging dahilan ng pagiging mahina kong tao. “Kung gano’n, gusto kong tulungan ka. Kahit ganito ang sitwasyon ko, gagawin ko ang lahat ng maaari kong gawin para matulungan ka at matigil na ang gulong ito,” sagot ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin. Masaya na ulit siyang nagkwento at pinakita pa ang ilan sa mga litrato at ginagamit ni Max ang mga ito para ipakita ang ilang mga ala-ala naming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD