Chapter 52

2062 Words
“Napatawag ka, Miss Deva?” tanong sa akin ni Max at agad akong umayos sa aking pagkakaupo. “Nagbago na ang desisyon ko. May second meeting tayo at update kita kung kailan,” sagot ko sa kanya at binaba ko na agad ang tawag. Napahiga na lang ako dahil sa sobrang pagod. “Eva! Gising at may bisita ako!” muli na naman akong ginising ni Rosemarie sa mahimbing kong pagkakatulog. Iritable akong bumagon para bulyawan sana siya pero narinig ko ang isang pamilyar na boses galing sa labas ng kwarto. “Rose?” tawag ni Max at narinig ko pa ang dalawang anak namin na nakikipaglaro na kay Lucho. Nanglaki ang mga mata ko nang mapatingin ako kay Rosemarie. “B-bakit nandito si Max?” tanong ko sa kanya pero umiling rin siya. Nagulat kaming pareho dahil biglang tumunog ang aking cellphone. Agad kong hinablot ito at nakita kong si Max ang tumatawag. Sumenyas ako kay Rosemarie na huwag siyang gagawa ng kahit anong ingay. “Yes? Ang aga mong tumawag, Max?” tanong ko sa kanya at nanatili lang nakatingin kay Rosemarie. Hindi agad nakasagot si Max sa akin kaya naman tinuro ko kay Rosemarie ang pinto para tingnan sana ang ginagawa ni Max sa labas ng kwarto. Agad naman niya akong naintindihan at nagpapasalamat ako sa kanya dahil doon. “Naistorbo ba kita? Nandito ako ngayon sa bahay nila Rosemarie,” sagot niya sa akin at agad na akong bumangon at umupo lang. “Busy ba si Rosemarie ngayon? Gusto ko sanang siya na lang ang kausapin tungkol sa negosyo ko,” sambit niya pa sa akin. Napabugtong-hininga na lang ako sa sinabi niyang iyon at binabaan ko siya ng tawag dahil wala na akong maisip pang sagot sa kanya. “Rosemarie, kakausapin ka ni Max tungkol sa negosyo. Mag-aayos na muna ako para harapin siya,” sagot ko sa kanya pero hinawakan ng mahigpit ni Rosemarie ang aking braso at umiling. “Ako na ang haharap,” sagot niya sa akin. “Bakit hindi?” tanong ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy na lang siyang lumabas ng kwarto. Sinundan ko siya papalabas pero hanggang pintuan lamang ako at naisip na pakinggan ang kanilang pinag-uusapan. “Rosemarie, nandito ba si Deva?” narinig kong tanong ni Max. “Wala siya dito, bakit mo natanong?” tanong ni Rosemarie sa kanya. Nagulat na lang ako ng biglang tumunog na naman ang aking cellphone at si Max ang tumatawag kaya agad kong tinanggan ang battery ng aking cellphone. “Narinig mo ba iyon?” tanong ni Max kay Rosemarie pero tumanggi lang siya. Napakagat na lang ako sa aking labi dahil doon. “Bakit ka naparito, Max?” tanong ni Rosemarie kay Max at muling pinaliwanag ni Max ang kanyang pakay dito. Narinig kong nag-utos si Rosemarie sa mga katulong para ipaghanda si Max ng makakain. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sinilip kung ano ang ginagawa nila Rosemarie at Max. Tahimik lang silang dalawa habang si Max ay umiinom sa kanyang kape tapos ay binabasa naman ni Rosemarie ang dalang proposal ni Max sa akin kahapon. “Max, I’m sorry kung ni-reject ni Deva ang proposal na ito at alam ko kung bakit. Unang-una, ang location ng negosyo, napakarami ng mga mas kilalang resort sa Batangas, what made you think na papatok ang itatayo mo?” tanong ni Rosemarie sa kanya at pinagsalop ni Max ang kanyang mga kamay bago sumagot. “Karamihan ng nakatayong resort doon ay ako ang nagmamay-ari,” sagot ni Max at agad siyang pinigil ni Rosemarie at binaba ang binabasa niyang papeles. “Kung gano’n, bakit kailangan mo pang magtayo ng panibago? Are you competing with yourself or just wasting your money?” seryosong tanong ni Rosemarie sa kanya at napahilamos na lang si Max sa kanyang mukha dahil sa sagot ni Rosemarie. “May personal akong dahilan para itayo ang resort na iyan,” sagot ni Max gamit ang matigas na boses. Agad naman umayos sa pagkaka-up so Rosemarie dahil alam kong hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Max. “I think, I will agree with Deva’s decision. Hindi mo kayang sabihin ang personal na dahilan at kung sasabihin mo naman, I don’t want to hear it. Ayokng hinahaluan ng emosyon o personal na dahilan ang isang negosyo. Baka iyon pa ang makasira nito,” matigas rin na sagot ni Rosemarie sa kanya at iniabot ang folder kay Max. Nakita kong nalungkot siya sa ginawa ni Rosemarie pero malugod niyang tinanggap ang desisyon na iyon. “Maddox, Eveanne! Tara na at uuwi na tayo,” tawag ni Max sa mga anak niya pero pinigilan siya ni Rosemarie. “Mr. Barrientos, gusto ko lang malaman kung bakit pinipilit mo sa akin ang business plan mong ito. Alam naman nating pareho na marami kang kilalang negosyante at malakas rin ang impluwensya mo sa kanila, why are you pushing this on me?” tanong ni Rosemarie sa kanya at agad siyang bumalik sa kinauupuan. “Dahil sinabi ni Rion na matutulungan moa ko,” sagot ni Max sa kanya. Naisara ko ng malakas ang pinto ng kwarto. “May ibang tao ba sa kwarto mo?” tanong ni Max sa kanya at agad gumawa ng dahilan si Rosemarie parae pagtakpan ako. Pinalo ko ng mahina ang ulo ko dahil sa padalos-dalos kong galaw. “It’s none of your business, Mr. Barrientos,” sagot ni Rosemarie sa kanya at tumikhim. Napahawak ako sa king bibig dahil sa ginawa kong iyon. “Anyway, nabanggit mo si Rion? Anong koneksyon mo sa kanya?” tanong uli ni Rosemarie kay Max. Gusto ko pa sanang buksan ulit ang pinto para makita ang kanyang reaksyon pero maaari na naman akong makakuha ng kaunting atensyon kay Max kapag ginawa ko iyon. Kaya nakinig na lang ako sa pinto kung ano ang pag-uusapan nila. “Kamag-anak ng dati kong asawa si Rion at kilala siyang bigtime tycoon. Hindi ko rin alam kung bakit ba niya ako pinapalapit sa’yo tungkol sa negosyong ito. Anon ga ba sa tingin mo ang dahilan, Rosemarie? May dapat ba akong malaman?” seryosong tanong ni Max at sa tingin ko, sa oras na ito, may hinala na siya sa pagkatao ko. “A-anong ibig mong sabihin?” tanong ni Rosemarie sa kanya at nanginginig pa ng sandaling iyon. “Rosemarie, mas matagal ka sa akin dito at napansin kong may bago kang tagapag-alaga kay Lucho, tama ba ang pangalan? Napansin ko wala siya dito ngayon?” sarkastikong tanong ni Max sa kanya. Napansin pala ni Max ang bagay na iyon kaya naman agad kong binuksan muli ang aking cellphone para tawagan si Rosemarie dahil alam kong kailangan niya ng tulong ngayon. “Sinesante ko siya at wala kang pakialam kung sino ang lumalabas at pumapasok sa bahay ko,” mataray na sagot ni Rosemarie at tumawa lang sa kanya si Max. “Hindi mo kailangan magpaliwanag sa akin, Rosemarie. Kagaya mo, wala rin akong pakialam. Napansin ko lang na nawala na siya dahil gusto ko siyang kunin bilang tagapag-alaga ng mga anak ko,” seryosong sagot ni Max sa kanya. Hindi na ako nakatiis pa at agad na akong nagbihis tapos ay tinawagan si Rosemarie. Narinig kong nagpaalam siya kay Max at sinagot ang tawag ko. “Napatawag ka?” tanong niya sa akin. Huminga akong malalim bago tuluyang nagsalita. “Lalabas ako,” sagot ko sa kanya at hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya. Sinuot ko ang aking maskara at lumabas na ng kwarto. Agad yumakap sa akin si Lucho na siyang kinagulat ko at kinatakot ko rin dahil baka matawag niya ako sa aking totoong pangalan. “Miss Deva! “Miss Deva!” tawag sa akin ni Maddox at Eveanne at sumunod naman sila kay Lucho. Napatingin si Lucho sa kanila at marahil, nagtataka sa tinawag sa akin ng kambal. “Hindi Deva ang pangalan niya!” sigaw ni Lucho at tumingala sa akin. Umiling ako sa kanya tapos ay hinawakan ang kanyang kamay. “B-bakit ka nandito, Miss Deva?” tanong ni Max sa akin at umupo ako sa tabi ni Rosemarie. Kinuha ko ang papeles at binasa iyong muli. “Gusto mo ba talagang tanggapin namin ang proposal mo? Kung nirekomenda ka ni Miss Margaret, bakit hindi na lang siya ang tumulong sayo at bakit kailangan pang ipilit ito kay Rosemarie?” seryoso kong tanong sa kanya. Kilala ko si Tita Rion at alam kong may ideya na rin siya kung sino si Max sa buhay ko. “Dahil marami na siyang hinahawakang negosyo,” sagot ni Max pero pinilas ko ang papel na hawak niya at siyang kinagulat nilang dalawa. Umismid ako sa kanya at kinalat sa sahig ang mga papel na iyon. “A-anong ginagawa mo, Deva?” tanong ni Rosemarie sa akin at hinawakan ang kamay ko pero inalis ko rin iyon sa aking braso. “Hindi ka ba nagtataka, Rosemarie? Bakit hindi tinanggap ni Miss Margaret ang business plan na ito?” tanong ko sa kanya at tumitig kay Max na ngayon ay namumula ng husto dahil sag alit. “A-ano sa tingin mo?” nanginginig na tanong ni Rosemarie sa akin. Alam niyang mas kilala ko si Tita Rion kaysa sa kanya. “Simple lang ang sagot, hindi kayang pagkatiwalaan ni Miss Margaret ang isang kagaya ni Max, tama ba ako?” tanong ko sa kanya at nilipat ang tingin kay Max. Kinuyom niya ang kanyang kamay at yumuko. “Gusto mo bang i-report kita kay Miss Margaret dahil ginagamit mo ang pangalan niya para magkaroon ka ng investors?” pananakot ko kay Max pero umiling lang siya at pinulot ang mga punit na papel. Pinagmasdan lang namin siya ni Rosemarie habang ginagawa iyon at nakita kong nanglalaki ang mga mata niya habang nililipat ang tingin sa akin. Sumenyas rin ang kanyang bibig para itanong kung ano ang ginagawa ko. Ngumiti lamang ako sa kanya tapos ay pinanood na lang muli si Max na nilalagay sa kanyang bulsa ang mga papel. “Huwag na. Pasensya na kung ginawa ko ang bagay na iyon. Gusto ko talagang matuloy ang negosyong balak ko,” mahinang sabi sa amin ni Max at nanginginig na ang kanyang boses. Pakiramdam ko ay naluluha na siya pero pinipigilan niya lang ito. “Sabihin mo sa amin ang totoo, bakit sa akin, Max?” seryosong tanong ni Rosemarie at humarap sa kanya si Max. Namumula na ang kanyang mga mata at bas ana rin ang pisngi niya. “Dahil nahagip ng mata ko ang itsura ng babysitter ni Lucho at kamukhang-kamukha siya ng asawa ko,” malungkot na sabi ni Max at muling yumuko. Nagkatinginan kami ni Rosemarie dahil sa sinabi iyon ni Max. “Kaya ba gusto mong magkaroon ng koneksyon sa akin?” tanong ni Rosemarie at tumango si Max sa kanya bilang sagot. “Maiwan ko na muna kayo Rosemarie at may gagawin pa ako,” pagpapaalam ko sa kanila at mabilis akong natungo sa kwarto dahil sa takot kung ano pa ang maririnig ko. Hindi ko kayang marinig na nakita ako ni Max ng araw na iyon. Habang nasa kwarto, pinakinggan ko muli ang pag-uusap nila at pumayag na si Rosemarie sa gusto ni Max pero sa isang kondisyon. Ako ang makakausap niya at kahit anong bagay ang may kinalaman sa negosyo ay ako lamang ang kakausapin ni Max at wala ng iba. “Maraming salamat! Tungkol ng apala sat agapag-alaga ni Lucho, talaga bang sinesante mo na siya?” tanong ni Max kay Rosemarie. “Oo, dahil nalaman kong may kaso ang pamilya niya at hindi ko kayang isugal ang kaligtasan ng anak ko,” sagot ni Rosemarie sa kanya at tumikhim si Max. “Maaari ko bang malaman kung ano ang pangalan niya?” tanong ni Max kay Rosemarie at agad akong nagtipa ng sagot pero huli na ang lahat. Nabitawan ko ang aking cellphone dahil sa sinagot niya kay Max at halos gusto na ng kaluluwa kong lubayan ang aking katawan dahil sa narinig ko. “Eva,” matipid na sagot ni Rosemarie sa kanya at napapikit na lang ako dahil sa ginawa niyang iyon. Hindi ko alam kung ano ang plano niya at bakit sinabi niya kay Max ang tunay kong pangalan. Napahinga ako ng malalim dahil doon at parang gusto ko na siyang hilahin pabalik ng kwarto pero hindi ko magawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD