Chapter 51

1183 Words
Tumango sa akin si Eveanne ng sinabi kong huwag sasabihin sa kanyang ama ang nakita niyang itsura ko. Mabilis kaming nag-ayos at nagbalik sa table namin ng sandaling iyon. Tila nawala naman agad sa isip ni Eveanne ang kanyang nakita dahil naging abala na ulit siya sa kanyang pagkain. “So, Deva, can we talk about business?” tanong niya sa akin at agad akong tumango. Pinaligpit niya sa waiter ang pinagkainan namin maliban sa plato ng dalawang bata at nag-order pa siya ng ice cream para sa kanilang dalawa. “Heto ang business plan na ginawa ko,” panimula niya at sinimulan kong basahin ang business plan at nalaman kong ito pa rin ang negosyong dapat itatayo namin dati. Sinara ko ang folder at tinitigan ko siya ng seryoso. “Mr. Barrientos, please explain this to me in a very, very interesting way,” sabi ko sa kanya at pinagsalop ang aking mga kamay. Tumikhim siya at inayos ang pagkakaupo saka niluwagan ang kanyang necktie. Halatang tensyonado na siya sa pinapagawa ko. “Miss Deva-“ nahintong sasabihin ni Max sa akin dahil tinaas ko ang aking kamay at binalik sa kanya ang dala niyang business proposal plan. “Mr. Barrientos, tingin mo ba, hindi lingid sa akin na nangangailangan ka ng pera para sa negosyong ito,” matabang kong sabi sa kanya at huminga ng malalim. Hindi ko gustong ibagsak ito agad sa kanya pero kailangan niyang mahirapan bago makapasok sa kompanya ni Rosemarie. Iyon ang isa sa mga payo niya sa akin bago makipagkita kay Max. “Yes, naghahanap ako ng mag-invest sa negosyong gusto kong itayo,” seryoso niyang sabi sa akin at medyo mataas ang kanyang boses kaya naman napalingon sa kanya ang dalawang bata. “Daddy, what’s wrong?” tanong ni Eveanne kay Max pero umiling lang ito at hinawakan ang kamay ng bata. Umiling na lang ako kay Max at tinitigan siya kung may gusto pa siyang sabihin. “Maaari naman kaming tumulong pero bilang mediation lang sa kompanya mo. Hindi kami maglalabas ng malaking halaga para sa negosyo na sigurado akong babagsak rin naman,” sabi ko sa kanya matapos ang ilang minutong paghihintay ko at wala siyang sinagot sa akin. “Sisiguraduhin kong hindi babagsak ang negosyo ko.” Sagot niya sa akin at huminga ng malalim. “Kung bibigyan niyo ko ng pagkakataon na maitayo ang negosyong ito, doon mo malalaman kung magtatagumpay ako o hindi,” sagot niya sa akin. Naaawa ako sa kanya ng mga sandaling iyon dahil sa pagmamakaawa niyang maituloy ang negosyong dapat ay sisimulan namin pero kailangan kong patunayan kay Rosemarie na kaya kong hindi basta-basta ibigay kay Max ang gusto niya. Kailangan mahirapan ni Max para makuha ang gusto niya. “Okay. Bibigyan kita ng ilang minuto para ipaliwanag sa akin kung papaano o kung ano ang marketing strategy mo sa negosyong iyan at doon ako magdedesisyon kung popondohan ba o hindi ang gusto mo,” sagot ko sa kanya at uminom siya ng tubig bago nagsimula. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya habang pinapaliwanag ang mga bagay na hindi tumitingin sa kanyang portfolio. Kabisadong-kabisado ni Max ang lahat ng nasa kanyang business plan at hindi ko muna siya tinatanong dahil sa mga susunod niyang sasabihin ay nandoon ang sagot na mga naiisip kong tanong. “Well done, Mr. Barrientos. Last question, ano ang kakaiba sa negosyong ito kumpara sa ibang mga water park with hotel and restaurant? Sigurado akong marami nang ganitong negosyo sa Batangas. Gusto kong malaman ano ang pinagkaiba ng negosyo mo sa kanila?” huli kong tanong sa kanya at ngumiti siya sa akin. “Ang water park na itatayo ko ay hindi lang basta negosyo lang. Negosyo ito na pinag-usapan namin noon ng namayapa kong asawa at para sa kanya kaya gusto kong itayo ito kahit na mamulubi ako, magawa ko lang ang hiling niya bago siya nawala sa akin,” malungkot niyang sabi at sa emosyon na naman niya ako tinira. Hindi ko rin matanggap na ang dahilan niya ay namatay ako? Iyon ba ang sinasabi niya sa aming mga anak? “At tingin mo sapat na iyon para maging matagumpay ang negosyo mo? I’m sorry, Mr. Barrientos pero hindi pa sapat ang sinasabi mo. Mataas din ang hinihingi mong pera para sa negosyong ito,” sagot ko sa kanya at uminom ako ng tubig saka naghanda na para makaalis dahil tapos na ang binigay na oras sa akin ni Rosemarie. “I have to go,” sagot ko sa kanya at dinampot na ang aking purse saka naglakad papalayo. Hindi ko na hinintay pa ang makapagpaalam sa akin ang mga bata dahil masakit para sa akin ang mahiwalay sa aking mga naka sa muling pagkakataon. “Kamusta ang meeting?” tanong sa akin ni Rosemarie at talagang hinihintay niya pala ako sa sala. May hawak ulit siyang baso ng wine ng sandaling iyon at pinaupo ako sa kanyang tabi. Pagkaupo ko naman, agad kong hinubad ang sandals na suot ko dahil masakit na ang sakong-sakong ko. “Hindi ako pumayag sa business plan,” mahina kong sagot sa kanya at agad niyang pinalo ang aking hita. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon. “Bakit ka ba namamalo?” tanong ko sa kanya at sinamaan niya lang ako ng tingin. Umirap naman ako sa kanya dahil masakit talaga ang palo niya sa akin. “Ang sabi ko pahirapan mo siya pero hindi ang tanggihan ang proposal niya!” iritableng sinabi sa akin ni Rosemarie. Hindi niya na inisip na kakarating ko lang at pagod pa ako sa bagay na gusto niyang gawin ko. Pinangaralan niya na ako agad pagkadating ko pa lang. “Parte rin ng pagpapahirap sa kanya ang hindi pagpayag sa proposal na gusto niya,” sagot ko kay Rosemarie at humalukipkip ito saka padabog na binagsak ang kanyang likod sa sofa. “Ewan ko sayo, Eva. Gawaan mo ng paraan iyan. Alam mo bang dahil sa ginawa mo, maaaring magkaroon ng mantsa ang tatayo kong negosyo para sayo?” tanong niya sa akin at agad akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. “B-bakit naman magkakaroon agad?” nagtatakang tanong ko sa kanya at huminga siya ng malalim bago nagsalita ulit. “Hindi mo dapat diretsong sinabi sa isang negosyante na tumatanggi ka sa proposal nila, pwede mo naman sabihin nap ag-iisipan mo pero ang sabihin na hindi ka sang-ayon, negatibo ang kakalat na usapan tungkol diyan. Maaari niyang sabihin sa ibang investors na tumatanggi ka sa proposal at magdadalawang-isip na ang iilan na mag-alok ng proposal sayo. Hindi natin masasabi ang mga taong iiwas ay siya palang magiging dahilan ng paglago ng kompanya mo,” mahabang lintanya sa akin ni Rosemarie at naisip kong tama ang punto niya. “Hindi ko na alam, Rosemarie. Pagod na ako,” tanging sagot ko sa kanya at tumayo na ako saka naglakad papasok sa aking kwarto para makapagpahinga. Kailangan kong mabawi kay Max ang desisyon ko kaya dali-dali kong kinuha ang aking cellphone pagkapasok ko ng kwarto at tinawagan siya agad para magkaroon ng pangalawang pagkikita sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD