Chapter 53

1002 Words
“Kailangan mo ng bumukod sa akin,” sabi sa akin ni Rosemarie ng makaalis na si Max. Hindi naman ako tumutol doon dahil alam kong iyon ang mas tamang gawin. Hindi kailangan malaman ni Max na dito ako tumutuloy. “Okay pero pwede bang hingiin mo kay Tita Margaret ang gagastusin ko sa panibago kong bahay?” tanong ko sa kanya at tumango siya. Bumalik na rin ako sa kwarto ng sandaling iyon. Wala ako masyadong ginawa pero pakiramdam ko ay sobrang pagod ko ng araw na iyon. SInimulan ko nang ayusin ang mga papeles na pinapagawa sa akin ni Rosemarie para sa negosyong ito kaya naging abala ako sa loob ng ilang araw. Kasama na sa pinapagawa niya ang paghahanap ko magtutuluyan. “Eva?” tawag sa akin ni Rosemarie at iniabot sa akin ang kanyang cellphone. Hindi ko alam kung sino ang nasa kabilang linya pero tinanggap ko pa rin ito. “Eva? Ikaw ba talaga ang pamangkin ko?” narinig kong tanong sa akin ng isang pamilyar na boses. Napatakip ako sa aking bibig ng mapagtanto ko kung sino ang taong iyon. “T-tita Rion?” naluluha kong tanong at agad siyang humagulgol sa kabilang linya. Narinig kong tinawag niya sa kabilang linya ang mga magulang ko at nagpatuloy ang pagkakaroon ng gulo dahil sa narinig niya ang boses ko. “Anak!” narinig kong sigaw ni Nanay at binalik ko na kay Rosemarie ang kanyang cellphone. Basang-basa na ang aking mukha ng humarap sa kanya kaya naman agad niya akong binigyan ng tissue para ipang-punas ito. “Thank you. Rosemarie, hindi pa ako handang makausap sila,” sabi ko sa kanya at agad naman siyang tumango at pinatay na ang tawag. Mabagal akong naglakad papunta sa aking kama at pabagsak na umupo doon. Tumabi naman sa akin si Rosemarie at hinawakan ang aking kamay. “Hindi ko sinasadyang magkaroon ng gulo sa pamilya mo. Gusto ko lang kasing makausap ka ni Miss Margaret dahil alam kong matutuwa siya,” sabi ni Rosemarie sa akin at umiling ako. “Walang problema, ayos lang iyon,” sagot ko sa kanya at inayos na ang aking sarili dahil marami pa akong dapat tapusing trabaho. Kahit gulong-gulo ang utak ko ng sandaling iyon ay pinagpatuloy ko pa rin ang pagta-trabaho. “Huwag ka na muna magtrabaho ngayong araw. Gusto kong maghanap ka ng matutuluyan, lumabas-labas ka muna,” sabi sa akin ni Rosemarie at nagulat ako dahil ilang oras na ang nakakalipas ay hindi pa pala siya umaalis ng kwarto ko. “Sa susunod na lang,” sagot ko sa kanya at tumango naman siya sa akin. Hindi na siya nagsalita pa at tuluyan ng umalis ng kwarto. Sinundan ko naman siya ng tingin para masigurong wala na siya sa loob ng kwarto ko. Napabugtong-hininga na lamang ako pagkalabas niya at tinitigal ng matagal ang report na ginagawa ko para balak kong marketing strategy ng itatayong negosyo namin ni Max. Tuluyan nang nawala ang aking konsentrasyon kaya naman lumabas na rin ako ng kwarto at hinanap si Rosemarie. "Bakit mo tinanggap ang proposal ni Max?" seryosong tanong ko sa kanya habang nakikipaglaro kay Lucho. Agad naman siyang tumawag ng katulong para bantayan ang bata tapos ay humarap sa akin. "Dahil naaawa na ako," sagot niya at kinagat ang labi niya. Umirap ako sa kawalan tapos ay binalik ang atensyon ko sa kanya. "Sa akin, hindi ka ba naaawa? Masaya na akong makita ang mga anak ko at lumakimg malusog, Rosemarie. Pero ang mapalapit muli sa kanilang ama, tingin ko, hindi ko kakayanin," matigas kong sabi sa kanya pero humina sa bandang huli ang bawat salitang binitawan ko. "Alam kong hindi maganda ang nakaraan niyo ni Max, Eva. Pero hindi pa huli ang lahat. Ngayong nandyan na siya, p-pwede kayong magsimula ulit," malumanay niyang sagot sa akin tapos ay tinabihan ako sa table deck. "Papaano mo nasasabi iyan, Rosemarie? Alam mo ba ang dinanas ko sa loob ng bilanguan? Papaano kung muling gawain sa akin ni Kristina ang bagay na iyon kapag sinubukan kong kalabanin ang kompanya niya?" magkakasunod kong tanong sa kanya hanggang sa napansin konh humihikbi na siya. "Ayokong mangyari sayo ang naranasan ng aking Ina. Nakulong siya matapos makuha ang lahat ng yaman niya pero hindi niya nagawang lumaban. Hindi niya gustong lumaban," sagot niya sa akin at napatingin ako sa kanya. Pinunasan niya agad ang kanyang luha na dumaloy sa mapusyaw niyang pisngi at nakangiting tumitig sa akin. "Kahit h'wag ka ng maghiganti, Eva. Mahalaga, buo ang pamilya mo," dagdag niya pa at hinawakan ang aking kamay. Hindi ako nakapagsalita ng makitang umiiyak sa harapan ko ang isang babaeng kagaya ni Rosemarie. "P-pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari sayo?" nauutal kong tanong sa kanya tapos ay umiling lamang siya. Nirespeto ko ang bagay na iyon at muli na akong bumalik sa aking kwarto. Nakaupo lamang ako sa kama hanggang sa maisip ko si Aling Lusing dahil kaparehas ng kwento ni Rosemarie ang karanasan ni Aling Lusing. Muli na naman akong lumabas para kausapin si Rosemarie. Umiinom siya ng tubig sa kusina ng mapagitla sa presensya ko. "Bigla-bigla ka talagang sumusulpot," galit niyang sabi sa akin habang nakahawak sa kanyang dibdib. "Rosemarie, anong pangalan ng Nanay mo?" seryoso kong tanong sa kanya at kumunot ang kanyang noo dahil doon. "Bakit gusto mong malaman?" nagtatakang tanong niya at humalukipkip siyang humarap sa akin. "Sagutin mo na lang ang tanong ko," iritable kong tanong sa kanya at umiling lamang siya. "Hindi ko na matandaan. Matapos niya akong abandonahin, hindi na magulang ang turing ko sa kanya pero kinuwento iyon sa akin ng iilang kamag-anak ko? "Gano'n ba? pero kahit sa palayaw, hindi mo alam o sadyang hindi nila sinavi iyon sayo? muli kong tanong sa kanya at tinalikuran na niya ako saka naglakad patungo sa kwarto niya. "Rosemarie! Lusing ba ang palayaw mo,?" biglang tanong ko sa kanya ay mabilis pa sa kamay ng relo ang oag-order niya sa shapey. "P-paano nalaman ang bagay na iyan,"sambitnm ko at umismid
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD