"Eva, sigurado ka na bang magre - resign ka na? Kung wala ka naman talagang kinalaban sa kaso ng kapatid ko, bakit kailangan mo pang umalis?" tanong sa akin ni Thea habang nag - iikot kami sa bawat pasyenteng hawak namin para kunin ang kanilang mga vital signs. Maingay ang paligid dahil sa mga nag - uusap na bantay ng ibang pasyente kaya hindi rin ako nakapag - focus sa pagkuha ng pulso ng pasyente.
"Thea, pakiulit ang blood pressure ni ma'am," bilin ko sa kanya at kinuha ko naman ang body temperature niya. Lumilipad pa rin ang isip ko matapos ang insidenteng iyon kahit isang linggo na ang nakakalipad. Hinintay ko na lang si Thea na matapos sa ginagawa namin habang inaayos ko ang mga gamit namin. Nakatingin lang sa amin ang ilan sa mga bantay at naghihintay ng sasabihin namin sa pagbabago ng mga gamot nila pero nahalata na ni Thea na wala ako sa wisyo para magsalita kaya siya na rin ang gumawa ng mga iyon.
"Huy, hindi mo ko pinapansin. Mukhang sigurado ka na sa desisyon mo. Mawawalan na ako ng ka - partner dito," sabi sa akin ni Thea pero hindi ko na pinansin ang mga sinasabi niya at nagpatuloy lang ako trabaho. Alam ko naman na ako lang ang naging kaibigan ni Thea dito dahil bago pa siya, ako lang ang naglakas ng loob na kausapin siya noon. Isa si Thea sa magagaling na intern ng hospital na ito kaya madami ang naiinggit sa kanya dahil mabilis siyang naging regular na nurse dito.
"Yes, sure na sure na ako. Ang toxic na rin ng iba nating mga katrabaho at binubully na nila ako. And besides, last day ko naman na ngayon, wala na magagawa itong usapan natin," sagot ko kay Thea at inalis ko na ang stethoscope sa pasyente at inilista ang resulta ng blood pressure niya tapos ay umalis na sa kwartong iyon. Iniwan ko na rin si Thea sa desk namin pagkabalik at pumunta muna ako sa exit area kung saan ako palaging nagtatago para mag yosi break. Tatlong oras pa bago ako tuluyang umalis sa hospital na ito.
Tahimik at mainit sa exit area pero nasanay na ako dito kaya hindi ko na ininda pa ito. Bibihira lang rin ang pumapasok dito, si Thea lang rin ang may alam na dito ako namamalagi kapag napapagod na ako sa trabaho kahit hindi pa oras ng pahinga ko.
Nagtinginan sa akin ang iilan sa mga nurse ng lumabas ako sa Fire Exit at baka naiisip nilang tumatakas ako sa duty kaya ngumiti lang ako sa kanila at ipinakita ko ang cellphone ko. Nagdire - diretso lang ako sa paglalakad at hindi na pinapansin ang iilan sa mga katrabaho ko na abala rin sa pag - iikot nila sa mga hawak nilang pasyente. Alam ko naman kasing mainit ang mga nila sa akin dahil sa pumutok na balita nung isang linggo.
"Eva, ikaw daw sasama kay Doc. Barrientos para mag - introduce sa kanya ng mga pasyenteng hawak niya," sabi sa akin ni Thea pagbalik ko sa information desk. Tumango lang ako sa kanya at inayos ang mga napuntahan na naming pasyente para sa susunod na pag - iikot ni Thea, mag - isa. Inayos ko na ang sarili ko at ilang oras na lang naman, matatapos na ang duty ko kaya igugugol ko na lang ito sa pagsama sa bagong doktor.
"Kanina ka pa nila hinihintay sa opisina niya," sabi sa akin ni Thea kaya liptint at konting pabango lang ang nagamit ko tapos ay inayos ang tali ng aking buhok pati na rin ang uniform ko tapos ay nagmadali na akong lumakad papunta sa opisina niya dahil hikndi ako sanay na nalalate sa mga appointment ko.
Hinabol ko na muna ang hininga ko at kumatok bago tuluyang pumasok sa opisina niya. Ngayon lang ako na - assign sa pagsama sa isang doktor at malamang, pinagkaisahan na naman nila ako dahil mabigat na trabaho din ito. Kailangan, kabisado mo ang sakit ng bawat pasyente at alam mo kung ano ang schedule nila sa bawat araw.
"Come in!" narinig kong sabi niya sa loob pagkatapos kong kumatok at dahan dahan kong binuksan ang pinto saka sinilip kung may kausap ba siya o may ginagawa pero hawak niya lang ang cellphone niya at abala sa pagtitipa.
"Goodevening po, ako po si Eva Morri Monticello, isa sa mga naka - assign para samahan kayo sa pag - rounds," pagpapakilala ko sa kanya at iniabot ko ang kamay ko. Tinitigan niya muna ito bago niya inabot ang kamay niya.
Ngumiti siya sa akin at unang - una kong napansin ang kanyang dalawang dimples tapos ay ang makapal niyang kilay at mapuputi niyang ngipin.
"Have a seat. Maaga ka pa ng isang oras para sa pag - iikot natin," sabi niya sa akin at napatingin ako sa oras, alam kong alas singko ng hapon ang schedule namin. Napansin ko na rin na wala pa nga ang ibang nurse dito sa opisina niya.
"I'm sorry? I thought 5 PM ang schedule?" tanong ko sa kanya at tinitigan ko siya na may halong pagtataka at pagkairita na rin dahil sa nabago ang oras. Gusto kong umuwi ng sakto sa oras dahil mag - iimpake pa ako ng mga damit ko. Pupunta ako sa Nasugbu.
"Yes, nalate kasi ako kaya nag - update agad ako pagdating sa oras. Hindi ka ba na - inform ng ibang kasamahan mo?" tanong niya sa akin at hindi na ako sumagot. Wala na rin naman ako magagawa dahil nandito na rin ako at ayoko na rin bumalik pa sa desk.
Natahimik na lang uli kaming dalawa habang siya, naging busy na ulit sa kanyang cellphone at ganon na rin ang ginawa ko. Inubos ko na lang ang isang oras ko sa social media hanggang sa isa - isa nang dumating ang iba pang nurse.
May mga nagbulungan ng makita nila ang doktor at alam ko naman na dahil iyon sa itsura nitong nakakaakit. Kahit ako ay nahumaling rin naman sa kanya. PInagmasdan ko lang silang nagpapakilala sa isa't - isa hanggang sa makumpleto na kaming lahat.
"May lakad ka ba, Miss Eva? If you want, unahin na natin ang rea mo," sabi niya sa akin at ngumiti ako sa kanya dahil doon. Bukod sa gwapo na ito, mukha siyang matalino at marunong rin siyang makisama. Naisip pko, baka mas matanda siya sa akin ng ilang taon?
Ipinakilla ko sa kanya ang mga pasyente kong may cancer at ang mga malapit nang ma - discharge pa ti na rin ang mga senior kong pasyente, pagkatapos noon ay nagpaalam na ako sa kanya pero hindi ko na pinansin ang mga kasamahan ko dahil alam ko namang iritable sila dahil sa ilang minuto, sinusubukan nilang kausapin ng kausapin si Max pero nasa akin ang lahat ng atensyon niya.
"Thea, aalis na ako. Mag - iingat ka at gawin mo lang ang trabaho mo," bilin ko sa kanya at hindi na ako nag - atubili pang tingnan siya dahil alam kong iiyakan niya lang naman ako. Kung may tupa at tigre, si Thea ang tupa sa aming dalawa at ako naman ang tigre.