Chapter 12

1063 Words
Umalis na kami ng hospital matapos mahuli ng mga pulis ang dalawang babaeng iyon. Tahimik lang kami ni Max sa kanyang sasakyan pagbalik namin ng hotel. “Okay ka lang?” tanong niya sa akin habang nasa byahe kami at trapik ng mga sandaling iyon. Hindi ako sumagot sa kanya. Nanatili lang diretso ang tingin ko sa kalsada ng sandaling iyon. “Hoy! Kinakausap kita!” sigaw niya sa akin dahilan para mahampas ko siya ng malakas. Nagulat ako ng bigla rin siyang mag-preno ng saksakyan dahil sa ginawa kong iyon. “Hindi mo ba ako kayang pagkatiwalaan?” tanong niya sa akin at pasigaw ang ginawa niyang pagtatanong. Labis akong nagulat dahil sa ginawa niyang iyon pero hindi ko pinahalata sa kanya ang takot. Nagmadali na akong lumabas ng sasakyan dahil baka magkasakitan pa kami ni Max. “Saan ka pupunta!” sigaw niya sa akin at narinig kong malakas ang pagsara ng kanyang kotse. Lumingon ako at kitang-kita ko ang galit sa kanyang mukha. Pulang-pula ang kanyang mukha ng mga sandaling iyon kaya napahinto ako para titigan siya ng matagal. “Wala kang pakialam kung saan ako pupunta! Sino ka ba!” sigaw ko at kahit alam kong labis siyang maiinis sa ginagawa ko ay pinagpatuloy ko pa rin ang pagsagot sa kanya. “Ah ganon! Bumalik ka sa sasakyan at huwag mo kong ginagalit!” sigaw niya pabalik. Hindi ko sinunod ang kanyang utos at lumakad ako papalayo sa kanya pero naririnig ko pa rin siyang sumisigaw. Hanggang sa maramdaman ko na lang na umangat ako bigla at naging baliktad ang paningin ko. “Anong ginagawa mo sa akin! Ibaba mo ko!” sigaw ko sa kanya habang umaalog ang aking ulo. Pilit kong hinahampas ang kanyang likod para ibaba ako pero hindi natinag si Max. Narinig kong bumukas ang pinto ng kanyang kotse at pwersahan niya akong pinasok sa backseat ng sasakyan niya. “Bastos ka!” sigaw ko at umayos ng pagkakaupo para makalabas ulit pero nagulat ako ng bigla niya akong halikan. Hindi ako nakalaban ng mga sandaling iyon dahil sa sobrang gulat. “Ayan! Natahimik ka rin!” masayang sabi niya sa akin at iniwan ako sa loob ng kotse saka siya sumakay sa harap. Hindi ko magawang gumalaw ng mga sandaling iyon hanggang sa maramdaman kong umaandar na ang kotse niya. Nagulat na lang ako ng lumabo ang aking mata dahil sa galit. Hindi ako sanay halikan ng estranghero. Habang nakahinto muli ang kanyang sasakyan, agad ko siyang hinawakan sa kanyang ulo at diniin sa headrest ito para makulong siya sa bisig ko. “Walanghiya ka!” naiiyak kong sabi sa kanya at nagulat ako ng hatakin niya ng malakas ang mga braso ko kaya naman nalipat ang kalahati ng katawan ko sa harapan ng sasakyan. Muli niyang hininto sa tabi ng kalsada ang kanyang sasakyan tapos ay tuluyan niya akong hinatak. Napaupo ako sa mga binti niya ng sandaling iyon at labis akong nakaramdam ng init sa aking pisngi. Ilang minuto rin kaming nanatili sa posisyon na iyon hanggang sa ako na mismo ang lumayo at dahan-dahan na bumalik sa tabi niya. Muli kaming natahimik habang nasa byahe dahil na rin sa nangyaring iyon. Hanggang sa makarating kami ng parking lot, tahimik lang kaming dalawa. “Sorry,” narinig kong bulong ni Max nang makababa kami at magsimulang maglakad. Tahimik na ang isla ng mga sandaling iyon dahil madaling-araw na rin. May iilan pa ring mga tao sa paligid pero mga party goers na ang mga ito. “Hindi ka ba nagugutom?” tanong niya sa akin at agad akong nakaramdam ng gutom dahil sa dami ng nangyari. Tumango lang ako sa kanya at agad naman niyang iniangat ang kanyang braso para kapitan ko. “Tara na at gusto ko na rin magpahinga,” dagdag niya at agad akong sumunod sa gusto niya. Para kaming magkasintahan ng sandaling iyon dahil sa dikit na dikit ang aming mga katawan. Gawa na rin ng lamig ay labis akong dumikit sa kanya. “Gusto mo ba dito?” tanong niya sa akin at nakita kong maraming tao sa loob ng restaurant na iyon. Mga nag-iinuman pero mayroon ding mga pwesto para sa mga gusto lang kumain. Nakita ko ang menu ng restaurant na iyon at hindi nab ago sa akin ang puro seafood ang kainin. Agad akong natakam sa sinigang na hipon at iyon ang naisip kong kainin. “May gusto ka bang kainin?” tanong ni Max sa akin at agad kong sinabi ang gusto ko. Sandaling oras lang ang hinintay naming dalawa at agad namin tinapos ang pagkain para makapagpahinga na. Tahimik kaming muli sa paglalakad papunta sa hotel ko at hindi ko na pinagtatakahan kung hanggang sa tapat ng kwarto ko ay ihatid ako ni Max. “Huwag mong kalimutan i-lock ang kwarto mo,” bilin niya sa akin at nanatili lang ako sa tapat ng pintuan. Gusto kong hintayin na makalayo siya sa aking pinto pero nanatili pa rin siya doon. “Hintayin na kitang makapasok,” sabi niya sa akin at napakagat ako sa aking labi dahil mas gusto kong hintayin siya na makalayo sa kwarto ko bago ako tuluyang pumasok. “Hindi. Hintayin na kitang makaalis,” sagot ko sa kanya pero umiling lang siya. Marahan niya akong tinulak papasok ng kwarto at siya na mismo ang nagsara ng aking pinto. Pinagmasdan ko lang siya sa kanyang ginagawa pero hindi na ako makatiis sa gusto ko talagang mangyari. Binuksan ko ang pinto at sinundan ko siya. Wala sa sarili kong niyakap si Max at nagulat ako ng alisin niya ang pagkakayakap ko sa kanya at hinarap ako. “Natatakot ka ba nab aka may pumasok muli sa loob ng kwarto mo?” malambing niyang tanong sa akin pero umiling ako sa kanya at tumingala sa kanya. “Hindi. Gusto ko lang may katabi ako matulog ngayong gabi,” sagot ko sa kanya at agad niya na namana kong binuhat papasok sa aking kwarto. Hinayaan ko siya na kargahin ako na parang bagong kasal hanggang sa papasok sa aking kwarto. Hiniga niya ako sa kama at agad niyang sinara ang pinto at sinuguradong ligtas ako ngayong gabi. Dumiretso siya sa loob ng banyo at narinig ko na lang ang pagdaloy ng tubig sa loob. “Gusto mo bang maligo kasabaya ko?” tanong niya sa akin at wala sa sarili akong pumayag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD