Chapter 13

1069 Words
Nanginig pa ako habang papasok sa banyo dahil naglakad ako ng walang saplot. Pagkabukas ko ng pinto ay agad kong nakita ang panglalaki ng mata ni Max dahil sa presensya ko. Naiintindihan ko ang reaksyon niyang ito dahil kahit naman ako, kung makita kong papasok siya sa banyo na walang saplot ay labis kong ipagtataka. “Hindi ka ba nailang ng ginawa mo iyan?” malambing niyang tanong sa akin pero hindi na ako sumagot pa. Bagkus, lumapit ako sa kanya at binasa ang katawan ko sa ilalim ng rumagasang tubig. Kitang-kita ko rin ang kabuuan ni Max at masasabi kong isa siya sa biniyayaan ng magandang pangangatawan. Parang nakatuon sa kanyang katawan ang Diyos ng hinuhulma niya ang pagkatao ni Max. Habang magkasalo kami, dinikit ko ang hintuturo ko sa kanyang tiyan at unti-unti itong iniangat nang biglan niyang hawakan ito. “Anong ginagawa mo? Niyaya lang kitang maligo,” garalgal niyang tanong sa akin na para bang may pinipigilan siyang mangyari. Hindi pa rin naman ako handa sa bagay na iyon pero kung kay Max ko naman gagawin iyon ay alam kong hinding-hindi ko pagsisisihan. “Inaakit ka,” simple kong sagot at tumawa na lang. Tinalukuran ko siya at tuluyan ko ng dinama ang maligamgam na agos ng tubig sa aking katawan. Pumikit ako at tumingala saka hinayaan tumulo ang tubig sa aking mukha. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng pangkuskos sa aking likuran. Hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa hanggang sa buong katawan ko na ang kinuskos ni Max pero kahit gano’n, hindi ko siya nakitaan ng pagnanasa sa akin. “Hindi ba kita naakit?” tanong ko sa kanya matapos niyang linisin ang katawan ko. Ngumiti lang siya sa akin saka ako ginawaran ng isang malalim na halik. Kumapit ako sa kanyang leeg habang patuloy siya sa kanyang ginagawa at nililibot ng kanyang mga kamay ang aking dibdib. Unti-unti siyang lumayo sa akin at saka dinikit ang ulo niya sa pader na parang pinagsisisihan ang ginawang paghalik sa akin. Kinagat ko ang aking labi dahil pakiramdam ko ay nabawasan ako ng p********e sa ginawa niya. Kinuha ko ang tuwalya at agad binalot doon ang aking katawan saka lumabas ng banyo. “Sandali, Eva!” tawag sa akin ni Max pero hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa paglabas. Pinunasan ko ng maigi ang katawan ko at binalot ang buhok ko sa tuwalya saka nagsimulang magbihis. Nanglalabo na ang mata ko dahil sa kahihiyan na dinulot niya sa akin. Handa akong ibigay sa kanya ang katawan ko pero tinanggihan niya ako kahit siya ang unang nagyaya sa akin. “Hindi mo naiintindihan!” sumbat niya sa akin at hinawakan ang aking siko. Hinaharap niya ako sa kanya pero pilit kong inilalayo ang aking mukha dahil alam kong magbibigay siya ng dahilan na hindi ko matatanggap. Pwersahan niya na akong hinarap sa kanya at nanglaki ang kanyang mga mata ng makitang luhaan na ang aking pisngi. “Hindi pa ako handang may mangyari sa atin at hindi ko alam na bibigay ka rin naman sa alok ko,” malumanay niyang paliwanag sa akin pero hindi ko talaga matanggap. “Layuan mo na ako,” sigaw ko sa kanya at pilit ko nang inilalayo ang katawan ko sa kanya pero pilit niya akong niyayakap at ayaw talagang pakawalan. “Hindi ko kayang mawala ka pa sa akin!” sigaw niya at labis akong nagtaka sa sinabi niyang iyon dahil ngayon ko lang siya nakilala. Tinulak ko siya at nakita kong umiiyak na rin siya. Bigla kong naramdaman ang pagsakit ng ulo ko at agad akong napaupo sa kama. Lumuhod sa harapan ko si Max at nang ipikit ko ang aking mata, nakita ko ang sarili ko na nasaksihan ang isang aksidente. May isang wasak na kotse sa di kalayuan. Panay ang sigaw ng mga tao sa nakikita kong iyon pero ng imulat ko ang aking mata, si Max pa rin ang nakikita ko. “Ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin at tinitigan ako ng maigi. Umiling ako nang ipikit ko uit ang aking mata, hindi na bumalik ang memoryang iyon. “Hindi ko alam. May nakita akong isang aksidente na hinding-hindi ko pa naranasan sa buong buhay ko,” sagot ko sa kanya at hinaplos niya ang aking pisngi. “Umalis ka muna sa kwarto ko,” mahina kong sagot sa kanya pero hindi siya umalis sa harapan ko kaya hinayaan ko na lang siya na nakaluhod habang patuloy kong hinahaplos ang aking sentido. “Hindi ako aalis dito at lalo ngayon na may nararamdaman kang ganyan,” sagot niya at bumalik siya sa banyo. Ilang minuto lang ay lumabas na siya muli at may suot na siyang damit ngayon. Dumiretso siya sa mga gamit ko at kinuha doon ang blower saka sinaksak sa tabi ng kama at nagsimula siyang patuyuin ang aking buhok. Hindi na ako muling nag-protesta pa sa ginagawa niya at gusto ko na rin magpahinga. Ilang minuto lang ay natuyo na ang buhok ko tapos ay hinila niya ang aking katawan para mahiga na sa kama. Nakatigilid habang nakatalikod sa kanya. Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko at hinahayaan ko siyang gawin ang mga bagay na ito sa akin. “Ayoko na mawala ka pa sa akin. Matagal ko rin pinag-isipan kung lalapitan kita o hindi,” bulong niya sa akin at isang bagay na hindi ko maintindihan. Hinarap ko siya at nakita kong nakatitig lang siya sa akin habang malumanay na ang kanyang mga mata. “Ano bang ibig mong sabihin? Ngayon lang kita nakilala,” sagot ko sa kanya at kumunot ang aking noo dahil sa mga bagay na sinasabi niya na hindi ko lubos na maintindihan. “Balang-araw, maiintindihan mo rin. Babalik rin ang lahat sa dati,” sagot niya at pinagmasdan ko lang siyang ipikit ang kanyang mga mata. Ilang minuto rin akong nakatitig lang sa kanya hanggang sa marinig ko na siyang humilik. Dahan-dahan akong pumuwesto at tumalikod rin sa kanya habang nakayakap pa rin ang kanyang katawan sa kanya. Hindi ko lubos na maintindihan ang mga sinasabi niya pero alam ko sa sarili ko na simula ng makilala ko si Max, masisiguro ko sa sarili ko na magkakaroon ng butas ang pagkatao ko dahil sa pagkawala ng presensya niya. Gusto ko rin kasing manatili pa siya sa tabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD