Chapter 11

1059 Words
Kinaladkad ng mga guard ang dalawang babae pababa ng hotel at habang nasa lobby kami ay biglang lumapit sa akin si Max tapos ay hinila ang aking braso pero dahil wala ako sa mood ay agad ko siyang tinulak. “Kasalanan mo lahat to!” sigaw ko sa kanya at kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Hindi niya pa alam ang nangyari pero siya na talaga ang sinisisi ko. Talaga namang kasalanan niya ang lahat. Kung hindi niya ako nilapitan noon at kinulit, hindi ko makikilala ang mga babaeng to para maghiganti sa akin. “Anong ginawa ko?” tanong niya habang gulat na gulat sa reaksyon ko. Hindi siya gumalaw sa kinatayuan niya pero hinila niya ang matandang guard at hinarap ito sa kanya. “Manong, ano po bang nangyari?” tanong ni Max sa matanda. Huminto kami dahil sa ginawa niyang pagtatanong. Nagpatuloy sa pagpupumiglas ang dalawang babae laban sa mga guard na may hawak sa kanya at nagwawala na talaga ito, gumagawa ng mga ingay na sadyang nakakatawag atensyon ng mga tao sa hallway. “Pakawalan niyo na kami! Yung kasama ko, nauubusan na ng dugo!” sigaw ng babae pero walang gustong makinig sa kanya. “Eh S-Sir Max. Pinasok po kasi ng dalawang babaeng ito ang kwarto ni Ma’am. Mabuti at nakapaglaban agad si Ma’am sa kanila,” pagpapaliwanag ng matandang guard kay Max. “Hindi namin siya ginalaw! Bigla niya na lang sinaksak ang kasamahan ko!” sigaw ng isang babae at nagpantig ang tainga ko sa sinabi niyang iyon. Ang gusto niya ba ay magawa muna nila ang balak nila bago ako lumaban? “So, ano gusto mong gawin ko? Panoorin ko muna kayo na gawin ang balak niyo bago ko protektahan ang sarili ko?” sarkastiko kong tanong sa kanila at humalukipkip sa harapan niya. Habang nasa harapan ko sila ay biglang bumagsak ang kasamahan niya at agad niyang sinaklolohan iyon pero hindi niya magaweang mahawakan dahil sa poses na nakakabit sa mga kamay niya. “Tulong! Maaawa kayo sa amin! Tumawag na kayo ng ambulansya!” sigaw niya at humagulgol habang nakaluhod sa harapan ng kanyang kasama. Binuhat naman agad ng guard ang kasama niya at nagmadali na itong lumabas ng hotel. Nahinto ang mga taong dumadaan sa harapan ng hotel dahi lsa kumosyon na nagaganap. Malayo pa sa hotel ang parking lot pero agad iyong tinakbo ng guard. Ilang minuto rin kaming naglakad papunta doon. Nakita ko na lang si Max na tumakbo sa unahan ko matapos niyang alisin ang lock ng kanyang sasakyan. “Dito niyo na siya i-sakay at matatagalan pa kung maghihintay tayo ng taxi!” sabi niya sa guard at nagulat ako dahil may sasakyan pala siya pero motor ang ginamit niya noong nagpunta kami dito. Sumunod naman agad ang mga guard sa kanya. Pinauna nilang pasakayin ang babaeng kasamahan para sa kanyang mga hita mahiga ang ulo ng kasama niyang nahimatay tapos ay sa likod umupo ang mga guard. “Sumakay ka na!” utos niya sa akin matapos niyang buksan ang passenger seat. Hindi na ako nag-protesta pa at sumunod na lang. Agad siyang umikot at sumakay sa driver seat. Kahit mainit pa sa loob ng kanyang sasakyan ay agad na siyang nagmaneho. Ilang minuto lang ang tinahak naming papunta sa hospital. Naging mabilis ang pagkilos nila pagdating sa emergency area. Naiwan na lang kaming dalawa ni Max sa labas ng mga sandaling iyon dahil bigla niya akong hinila nang pababa na kami ng sasakyan. “Bakit hindi mo tinulungan yung mga babaeng iyon?” seryoso niyang tanong sa akin na parang kasalanan ko pa talagang pinagtanggol ko ang sarili ko. Hinarap ko rin siya at handa akong idepensa ang sarili ko sa kung ano man ang sasabihin niya. Alam kong may kinalaman ito sa propesyon namin at sa sinumpaan naming obligasyon bilang isang nurse at doctor. “Bakit ko tutulungan ang taong nagtaka sa buhay ko? Oo, may sinumpaan ako, pero hindi naman ako tanga para tulungan ang taong may balak sa aking masama,” iritable kong sagot sa kanya at isang malalim na bugtong-hininga ang ginawad niya sa akin. “Kahit na. Papaano kung napatay mo ang babaeng iyon?” malumanay niya ng sagot sa akin at agad akong umismid saka ngumiti sa kanya. “Tandaan mo, nurse ako. Nag-aral ako kung saan ang vital points ng isang tao. Alam ko kung saan siya patatamaan ng hindi siya namamatay,” sarkastiko kong sagot sa kanya at tumango siya ng paulit-ulit saka ngumiti na rin sa akin. Pakiramdam ko ngayon, nagkaroon talaga ako ng kakampi sa katauhan ni Max. Hindi lang kami nagkaunawaan pero madadaan sa paliwanagan ang mga bagay na ito. “Pwede na ba akong bumaba para mabantayan ang mga babaeng iyon?” sarkastikong tanong ko sa kanya at tumango lang siya habang gumuguhit sa kanyang mukha ang ngiti na may madilim na balak. Magkasunod kaming nagpunta sa hospital at pinaalis na agad ni Max ang mga guard dahil may mga trabaho pa ito. Pinanood lang namin ang babaeng pasyente na tinatahi na ang sugat sa kanyang braso. “Sila po ang may gawa ng bagay na iyan!” sigaw ng babae ng makita niya kami at parang nakahingi na siya agad ng simpatya sa mga empleyado ng hospital na iyon. “S-sila? Kilala mo ba ang pinagbibintangan mo?” tanong ng isang doctor at nakita kong namutla ang babaeng iyon dahil na rin siguro sa nagbago ang hangin ng makita nila si Max. “Tumawag kayo ng pulis. Huwag niyo rin papakawalan ang isang ito,” utos ni Max sa lahat ng empleyado doon at agad na sumagot ang mga tao sa kanya bilang pagsang-ayon. “Teka, sandali! Bakit kami ang huhulihin eh kami ang biktima dito!” sigaw ng babae at nagwala na siya ng hawakan siya ng dalawang nurse. Nakita ko na lang na may tinurok sa kanyang braso. Nilapitan ni Max ang babaeng iyon at hinawakan sa kanyang baba habang hinihigpitan ng mga nurse ang kapit sa kanya. Hindi niya na magawa pang magpumiglas dahil sa gamot na tinurok sa kanya. “Walang may pakialam kung kayo ng kasamahan mo ang biktima dito! Ako ang may-ari ng hospital na ito kaya ako ang batas. Sino man ang susuway sa akin, hinding-hindi na sisikatan pa ng araw kinabukasan,” narinig kong bulong ni Max sa babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD