Nagising na lang ako dahil sa mga kalansing ng kubyertos at agad kong naamoy ang almusal. Narinig kong tumikhim si Max at nang tumayo ako, nakita ko siyang nakaupo sa hapagkainan na para bang kanina niya pa ako hinihintay. “Goodmorning,” bati niya sa akin at tumayo na siya saka hinila ako para maupo sa lamesa. Tocino, dangkit, sinangag at maalat na itlog na hinaluan ng kamatis ang nakahain. Lahat ng nakahain na pagkain dito ay paborito ko at ang normal kong kinakain noong nasa Manila pa ako. Hindi ko na tuloy maintindihan kung nag-research ba si Max sa pagkatao ko pero baka hindi rin sinasadya na ganito ang naihanda niyang pagkain. “Umiinom ka ba ng kape sa umaga?” tanong niya sa akin habang pinaupo na ako. Tumango ako sa kanya ate agad siyang kumuha ng dalawang baso saka nagsalin ng k