Chapter 10

1079 Words
Dahil sa sinabi niyang iyon, pakiramdam ko, ang tingin niya sa akin ay isang babaeng walang class. Umismid ako sa kanya at lumingon sa paparating na waiter dahil may dala itong troller kung saan nakalagay ang ilang mga plato, baso, kutsara at tinidor. Unti-unti siyang lumalapit sa amin ang waiter at inayos ang mga kubyertos. Nang makaalis ang waiter, tinitigan ako ng matagal ni Max at iniangat ang isang kutsara tapos ay tinapat sa aking mukha. “Alam mo ba kung para saan ito?” mayabang niyang tanong sa akin at nakangisi pa siya na parang hindi ko alam ang tamang sagot sa kanyang tanong. “Bakit may ganyan, wala akong naaalalang nag-order ka ng salad,” sagot ko sa kanya at alam kong dahil doon, malalaman niyang may alam rin ako sa pagiging isang sopistikadang babae. “Sinusubukan lang kita,” mahina niyang sagot sa akin. Alam kong naramdaman niya ng naiirita ako. Hindi na ako nagsalita pa at mabilis akong tumayo sa kinauupuan namin at handa ng maglakad papalabas ng restaurant na iyon ng bigla niya akong hawakan sa aking braso. “Sandali! Hindi ko naman alam na may kaalaman ka sag anito,” bulong niya sa akin at sa isang paghawi, natanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Nagkatitigan lang kami. Mabuti na lang ay wala masyadong tao sa restaurant na iyon at ilang mga empleyado lang rin ang nasal abas para magsilbi sa mga customers. Muli na akong umupo sa table namin at hindi na umimik hanggang sa makarating ang pagkain. Hindi ko rin siya kinibo habang kumakain at hanggang sa makaalis kami sa restaurant na iyon, nanatili akong tahimik. Sa mga lumipas na oras, nasa isip ko lang ay kung bakit kailangan niyang gawin iyon sa akin. Para saan? “Hindi mo talaga ako kikibuin?” tanong niya sa kin habang naglalakad na kami sa buhangin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy akong maglakad papunta sa aking hotel ng bigla niya na naman hilahin ang aking braso. “Ano ba! Ayoko sa presensya mo! Layuan mo ko!” sigaw ko sa kanya at tinulak pa siya. Kahit pagtinginan na kami ng mga tao ay wala akong pakialam. Nagmadali na akong maglakad papunta sa hotel at nang makarating sa aking kwarto, agad akong naglinis ng katawan at humiga na sa aking kama. Tahimik lang akong tumitingin sa newsfeed ng aking social media account ng marinig ko sa labas ang mahihinang bulong. Narinig ko rin ang pagtunog ng pihitan ng pinto ng kwarto ko na parang pinipilit itong bukas. Dahan-dahan akong bumangon at kumuha ng kutsilyo saka nagtungo sa tapat ng pinto ng tahimik. “Sigurado ka bang dito nakatira ang babaeng iyon?” narinig kong bulong ng isang babae tapos ay pilit muling binubuksan ang pinto ng kwarto. “Oo, dito ko siya nakitang pumasok,” sagot ng kasama nito at impit na impit ang kanyang boses. Ilang sandali pa ay narinig kong nakuha na nilang buksan ang pinto ng aking kwarto kaya naman ng buksan nila ito, agad ko tinutok sa kanila ang hawak kong kutsilyo. Hindi ko sinasadyang masaksak ang unang babaeng pumasok sa kanyang braso. Dahilan para makagawa ng ingay ang kanyang kasamahan. Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa loob ng kwartong iyon at naging dahilan para magsilabasan ang iba pang mga guest. “Tumawag kayo ng tulong! Itong dalawang babaeng ito ay sinubukang pumasok sa aking kwarto!” sigaw ko. Sinaklolohan ng isang babae ang kanyang kasama at agad na pinunasan ang mga dugo sa braso nito. May narinig na akong mga taong tumawag sa receptionist. “Gusto lang namin gumanti dahi lsa ginawa mo sa boyfriend niya!” narinig kong sigaw ng isang babae at doon ko lang siya namukhaan. Ito nga talaga ang babaeng kasama noong lalaki na inaway ni Max. “Bakit ako? Bakit hindi si Max ang gantihan niyo? Ako ba ang gumawa noon sa inyo?” sunod-sunod kong tanong sa kanya at nakita kong kumunot ang noo nito habang nakaharap sa akin. Napansin kong namumutla na ang labi ngkasamahan niya pero hindi pa rin ako papayag na makaalis sila dito matapos nilang subukang pagtangkaan ako. Anak ako ng isang kilalang criminal at pinag-aralan kong maigi ang mga paraan para protektahan ang sarili ko laban sa mga ganitong klaseng tao. Natutunan ko rin maging manhid oras na magawa kong labanan ang mga taong sumusubok na saktan ako. Kaya ang makitang namumutla ang babaeng ito ay hindi na malaking bagay para sa akin. “Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari iyon!” sagot niya at isang malutong na sampal ang ginawa ko sa kanya dahil sa mga sinabi niya. Alam na alam ng kasamahan niya na wala akong alam sa nangyari pero bakit ako ang sinisisi nila. Hindi na ako sumagot at agad kong binitawan ang kutsilyong hawak ko tapos ay hinawakan ng mahigpit ang babaeng nagsalita dahil bigla silang tumayo at aktong aalis sa loob ng aking kwarto. “Hindi kayo makakaalis!” sigaw ko sa kanya. Binitawan niya ang kasama niyang duguan at aktong magpo-protesta sa akin pero ilang sandali lang ay dumating na ang mg acrew ng hotel at agad akong nakaramdam na ligtas ako dahil sa dumating sila agad. “Ano pong nangyayari dito, Ma’am?” tanong sa akin ng isang lalaki na may katandaan na. Humarap ako sa kanya ng maayos at tinuro ko ang dalawang babae. “Iyang mga babaeng iyan! Sinubukan nilang pasukin ang kwarto ko pero Mabuti na lang ay gising pa ako. Nang mabuksan nila ang pinto ay agad ko silang sinaksak bilang pag-protekta sa sarili ko. “Pasensya na po kayo sa nangyari! Kayong dalawa, tumawag kayo ng pulis at huwang niyong papakawalan ang dalawang ito,” utos ng matanda sa dalawang security guard sa kanyang likod at agad naman silang sumunod. Naglalaban pa ang dalawang babae sa kanila pero agad silang nilagyan ng posas at nilabas sa loob ng kwarto ko. “Mga minamahal naming bisita, nais ko pong humingi ng paumanhin sa inyo dahil sa insidenteng ito. Ako, bilang empleyado ng hotel na ito ay sisiguraduhing mananatili kayong ligtas sa pananatili niyo dito sa aming hotel. Maraming salamat po,” malakas na sigaw ng matanda ngunit may bahid ng sinseridad sa kanyang boses. “Mabuti Ma’am ay narinig niyo ang ginagawa ng dalawang ito. Humihingi po talaga ako ng pasensya sa nangyari,” bulong sa akin ng matanda. Ngumiti na lang ako dahil wala naman siyang kasalanan pero siya ang lubos na humihingi ng pasensya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD