Chapter 54

2088 Words
“Hindi na mahalaga kung papaano ko nalaman, basta ang tanong ko, sagutin mo,” sabi ko sa kanya pero hindi na siya kumibo pa at dumiretso na papasok ng kanyang bahay. Tuluyan na rin akong umalis at naisip kong humahanap ng matutuluyan. Sumakay na lamang ako ng taxi dahil ayokong makita ako ni Max na gamit ang sasakyan ni Rosemarie. Doble-Ingat talaga ako para lang hindi makahalata si Max dahil alam kong madali siyang makapansin ng mga bagay-bagay at magaling rin siyang magkunyari. Sa kabilang subdivision lang ako nagpunta at kinausap ang guard para magtanong kung may available pang bahay dito. Gamit ang kanyang radio, nagtanong siya sa isang ahente. “Goodmorning po, ano pong kailangan nila?” tanong sa akin ng isang babae at may suot pa siyang ID. May hawak rin siyang mga brochure nang sandaling iyon. “Hello. Naghahanap kasi ako ng isang rent to own house, mayroon pa bang available sa inyo?” tanong ko sa kanya at kuminang ang kanyang mukha dahil sa sinabi kong iyon. “Ay, oo ma’am! Meron po. Tara po sa loob,” pag-anyaya niya sa akin at agad naman akong sumama sa kanya. Pinaliwanag niya sa akin ang ilan sa parte ng subdivision na iyon. Wala pa masyadong mga bahay dahil bago lamang ito. “Ano po palang trabaho niyo? May pamilya po ba kayo?” tanong niya sa akin at agad ko siyang sinagot. Tumango siya at napahinto sa isang bakanteng lote. “Dito Ma’am, baka gusto niyo?” tanong niya sa akin na agad kong ikinairita. Humarap ako sa kanya at inirapan siya. “Sa tingin ko, nabanggit ko sa inyo na Rent-to-Own house ang gusto ko. Meaning, may nakatayo nang bahay at titirahan ko na lang,” iritable kong sagot sa kanya at agad siyang tumawa ng may pag-aalinlangan. “Ay oo ng apala. Sorry, Ma’am. Tara po at punta tayo sa mga bakanteng bahay,” sagot niya sa akin at sumunod ako sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa habang naglalakad kami at huminto na sa isang bahay. Kupas na ang pintura nito at may mga matataas na damo sa labas. Tila napabayaan na ito dahil walang umuupa. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa binigay niyang bahay. “May iba pang bahay na bakante? Hindi ko gusto ito dahil sa kupas na pintura,” sagot ko sa kanya pero umiling siya sa akin. “Ang totoo po niyan, ang process po talaga namin, kailangan po munang may buyer ang isang bakanteng lupa tapos ay doon pa lang gagawin ang bahay,” sagot niya sa akin at tumango ako. Doon ko naintindihan ang ginawa niya kanina. “Okay, so itong bahay na ito, bakit nakatayo na pero walang tumira?” tanong sa kanya at humarap siya sa akin. “Huminto po kasi sa paghuhulog ang taong bumili n’yan,” sagot niya sa akin at agad akong napalingon dito. Pwede na rin siguro dito at kaunting linis lang ang gagawain. “Magkano ang bayarin dito?” tanong ko sa kanya at pumasok na kami sa loob nito. Maalikabok ito kaya naman agad akong napatakip ng ilong. Hindi ko kinaya ang dumi sa paligid nito. “Hindi niyo man lang nagawang ipalinis ito para kung may buyer man lang, eh hindi nakakahiya?” tanong ko sa kanya at umiling naman siya sa akin. “Kung gusto niyo ma’am, ipakita ko sa inyo ang kagaya nito?” tanong niya sa akin pero umiling na lang ako. Kukunin ko na itong bahay na ito dahil kailangan ko na talagang lumipat agad. “Hindi na. Kukunin ko na ito,” sagot ko sa kanya at agad kong nilabas ang cheque book ko tapos ay sinulat doon ang detalye tungkol sa bahay. “Ma’am, may ilang papeles rin po akong hihingin sa inyo,” sabi niya sa akin at hinarap ko siya tapos ay pinatong ang aking kamay sa kanyang balikat. “Kailangan kong malinis agad ito bukas din. Kung pwede, pakilagyan ng bagong pintura,” sabi ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin at iniabot na ang cheke. Binigay niya rin sa akin ang listahan ng mga papeles na kailangan niya. “Bukas ko na lang ito ibibigay sayo. Ang gusto ko, pagbalik ko ay maaari na akong tumira dito, naiintindihan mo ba? utos ko sa kanya at tumango na naman siya sa akin. Naglibot pa kami hanggang sa ihatid niya na ako palabas ng subdivision at pinakilala sa akin ang mga guard. Nang matapos ay agad na akong pumara ng taxi at nagpahatid sa bahay ni Rosemarie. “Kamusta lakad mo? May nahanap ka ba?” tanong ni Rosemarie sa akin at nag-utos sa mga katulong na ipaghanda kami ng miryenda. “May nahanap na ako dyan lang sa kabilang subdivision para hindi mahirap magpunta dito,” sagot ko sa kanya at pinagpatuloy ko ang pagkwento tungkol sa subdivision na iyon. “Kung gusto mo, hiramin mo muna ang ilang mga katulong ko dito para maglinis doon,” sabi sa akin ni Rosemarie pero umiling ako sa kanya. “Hindi na. Inutusan ko na ang ahente para sila na ang maglinis dahil trabaho naman nila iyon,” sagot ko sa kanya at nilapag na ni Evelyn ang miryenda naming sandwich at juice. Ngumiti ako kay Evelyn bilang pasasalamat. “Sabihin mo lang sa akin kung ano ang kailangan mo,” sabi ni Rosemarie sa akin at tumango ako. “Ang kailangan ko, mamili ng gamit ko para sa bahay na iyon,” sagot ko sa kanya at agad niyang pinagsalop ang kanyang mga kamay. “Tapusin mo na ang pagkain mo at aalis tayo agad,” sagot niya sa akin at pinanood ko siyang inubos agad ang sandwich tapos ay nilagok rin agad ang juice. “Ubusin mo na iyang pagkain mo at aalis tayo, dalian mo!” masayang sabi ni Rosemarie at agad ko siyang sinunod. Nagtungo na kami sa kwarto at nauna na siyang maligo. Habang ako, namimili lang ng isusuot. Ilang sandali lang ay lumabas na siya. “Dalian mong maligo ha,” utos niya sa akin at tumango na lang ako at sinunod ang utos niya. Nagmadali lang ako talaga sa pagligoo tapos ay nagbihis na rin agad. Hindi na ako masyadong naghanda pa at simpleng shirt at short lang ang suot ko tapos ay liptint lang ang make-up ko. Kinuha ko na rin ang shoulder bag ko at agad isinuot. Bumalik si Rosemarie at postura na rin siya. “Tara na?” tanong niya sa akin at sumunod ako sa kanya. Sumakay na kami sa kanyang sasakyan at sinabi niya sa driver ang pupuntahan namin. Masayang-masaya si Rosemarie ng sandaling iyon dahil patuloy siya sa pagtingin sa kanyang cellphone ng mga produkto na gusto niya at pinapakita niya sa akin. HInayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin tapos ay nang makarating na kami sa Mall, dali-dali siyang nagpunta sa department store at nagsimula na siyang mamili ng mga gamit para sa akin. Hindi ko siya pinigilan sa gusto niya dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. “Gusto mo ba ng ganitong kulay?” tanong sa akin ni Rosemarie at umiling ako. Kinuha ko ang kulay mint green na kurtina at agad naman niyang kinuha iyon sa aking kamay saka nilagay sa cart na dala niya. Siya na rin ang namili ng mga ilang gamit kagaya ng flower vase at kung ano-ano pang gamit para sa disenyo ng bahay, kasama ang plato, baso at kubyertos. Bumili na rin siya ng washing machine, ref at ilang gamit sa kusina. Inabot na kami ng gabi dahil sa dami ng gusto niyang bilhin at nagtataka ako kung bakit ayos lang sa kanya na pagkagastusan niya ako. “Rosemarie, okay lang ba sa’yo na malaki na ang gastos mo sa akin?” tanong ko sa kanya at umiling siya sa akin at pinakita ang screen ng kanyang cellphone at nakita kong binigyan siya ng isang milyon ni TIta Rion ng pera at sinabing panggastos ko iyon. “Walang problema iyan,” sagot ni Rosemarie sa akin at napailing na lang ako dahil sa pag-aakala na sariling pera niya ang ginagastos niya. “Kumain na tayo,” sabi niya sa akin matapos ilagay sa kotse ang ilang mga gamit na pinamili namin at bumalik sa loob ng Mall. “Isama na rin natin si Manong Guard at parang hindi pa siya kumakain,” sabi ko kay Rosemarie at agad niyang tinawag ito. Sa isang mamahaling restaurant kami kumain at pinayagan namin ang driver na kumuha ng mga pagkain na hindi niya pa nakakain. “Salamat po dito, Ma’am,” sabi ni kuyang Guard tapos ay masayang kumain sa lahat ng kanyang kinuha. Nagkatinginan na lang kami ni Rosemarie at hinayaan si Kuyang kumain ng gusto niya. Nang makauwi na, tinulungan kami ng mga katulong na ilagay ang mga paperbag sa loob ng bahay. Hinawakan ko agad si Rosemarie saka nagtungo sa kwarto. “Maraming salamat,” sagot ko sa kanya at niyakap siya. Kahit alam kong hindi niya sariling pera ang ginastos ay nag-effort pa rin siyang tulungan ako. Inayos ko na ang mga paperbag sa loob ng kwarto ko at nilagay ko sa isang sulok ang lahat ng gamit na pinamili. Ang mga appliances naman na binili namin ay ipapa-deliver naman sa address ng bago kong tutuluyan ang mga iyon. Kinabukasan ay hapon na ako nakapunta sa bagong bahay na iyon dahil inasikaso ko pa ang papeles nang umaga. Pagdating ko, maayos na ang labas nito at bagong tabas na ang mga malalaking talahib sa ligid nito. Amoy na amoy pa ang bagong pintura pero hindi naman iyon magtatagal. Pagkapasok ko, malinis na rin ito. “Evelyn, pakilagay na lang dito ang mga paperbag,” utos ko sa kanila at agad naman silang sumunod sa akin. Habang ginagawa nila iyon, inumpisahan ko na ring buksan ang mga ito at tinulungan na rin nila ako para sa pagkakabit ng mga kurtina at pag-aayos ng mga plato at baso. “Ang swerte mo naman, Eva! May sarili ka na ring bahay galing kay Ma’am Rosemarie,” sabi ni Evelyn sa akin pero umiling lamang ako sa kanila. “Naku, sa Tita ko galing ang pera na pinangbili ko dito,” sagot ko sa kanya at tumango siya kahit na may pagdududa sa kanyang mukha. Umalis siya sa tabi ko at pinagpatuloy na ang pagsalingsing ng mga gamit. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga kama at unan na binili ko. “Goodafternoon, Ma’am. Saan po ilalagay ang kama na binili niyo?” tanong niya sa akin at sinabi kong sa taas ilalagay ang kama tapos ang mga sofa naman ay pinalagay ko na lang sa sala. “Evelyn, kayo na bahala sa sofa,” sabi ko sa kanya at agad na kaming nagtungo sa taas at pinalagay ko na lang sa isang kwarto ang foam ng kama. Hindi ko pa nakikita ang loob ng kwartong iyon pero malinis na rin ito pagdating namin. “Salamat,” sabi ko sa lalaki at sunod-sunod na kaming bumaba. Nang makitang tapos na ang paglalabas ng sofa ay nagpaalam na rin sila. Sa ilalim ng hagdan ko ipinuwesto ang sofa tapos ay nakatapat iyon sa pader kung saan balak kong ilagay ang tv na binili namin. Sunod-sunod ang pagdating ng mga gamit at nagpapasalamat ako dahil nandito sila Evelyn at naging magaan sa akin ang pag-aayos ng mga ito. Nang matapos kami sa lahat ng gamit, pinagpahinga ko na muna sila. Agad na akong nag-order ng pagkain para sa aming lahat tapos ay niyaya na silang lahat. Naging masaya ang hapunan na iyon tapos ay sunod-sunod na kaming nagtungo sa bahay ni Rosemarie. Bukas ay dito na ako titira at parang hindi ko kayang mawalay na agad sa pamilya ni Rosemarie dahil sa kanila. Kinabukasan, nag-grocery muna ako ng aking makakain at sa hindi inaasahan, nakasalubong ko si Max. Wala akong suot na maskara ng oras na iyon kaya gano’n na lang ang titig niya sa akin. Nang makalagpas ako sa kanya, agad akong nagtago sa kanya at iniwan ang cart ko. Agad akong nagtago sa isang stall tapos ay sinili ko si Max. Hinahanap niya ako ng sandaling iyon. Palihim na akong naglakad papalayo sa kanya hanggang sa tuluyan na akong makaalis sa supermarket na iyon. “Rose, nakita ako ni Max habang nasa grocery store,” text ko kay Rosemarie. Takot na takot ako ng sandaling iyon at baka masundan niya ako kaya agad akong nagtungo sa bago kong bahay at doon na lang nagtagal.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD