Nagising na lang ako na wala sa tabi ko si Max kaya naman agad akong naglinis ng aking katawan at naisip kong lumabas para Makita ang dagat. Gusto kong masilip ang karagatan habang nasa byahe pa rin kami. Simpleng damit lang ang suot ko ng sandaling iyon at paglabas ko, Nakita ko sa di kalayuan na nakatayo si Max sa tabi ng nagma-maniobra ng barkong ito. Nasa tapat lang sila at parang may seryosong pinag-uusapan. "Mabuti at nahanap mo na siya," sabi ng lalaki kay Max pero hindi siya kumibo sa sinabi nito. Hindi ko naman maintindihan kung sino ang tinutukoy nilang dalawa ng mga sandaling iyon pero iba ang kutob ko dahil ako lang naman ang kasama ngayon ni Max. "Huwag kang maingay at baka marinig ka. Sandali at titingnan ko kung bumangon na ba siya. Ipahanda mo ang pagkain," utos ni Max