Nang magising ako ay nasa ganoon pa rin kaming posisyon. Tinitigan ko lang ng matagal si Max at muli akong pumikit ng marinig ko siyang tumikhim. Nanatili akong nakapikit at hinihintay lang kung may sasabihin siya sa akin. “Bakit ka natigil sa pagtitig sa akin?” tanong niya gamit ang kanyang garalgal na boses. Napangiti na lang ako at aktong tatayo na pero hinila niya ako na naging dahilan para mapahiga ulit sa tabi niya. “Huwag ka munang aalis, sandali na lang,” sabi niya sa akin at hinayaan ko lang siya. Pakiramdam ko ay may matinding lungkot na nararamdaman si Max at sa hindi ko malamang dahilan, gusto kong alisin ang lungkot na iyon sa pamamagitan ng pananatili sa kanyang tabi. Nagising na lang ako ulit at wala na si Max sa aking tabi. Nang tingnan ko ang oras, hapon na pala. Nak