Capitulo Catorce

1082 Words

  ANG pinagkaiba ng opisina ng Chancellor at ng kay Lola bukod sa kulay ng silid ay ang bookshelves. Imbis na bookshelves ay mga magazines ang nakadisplay sa kanang parte ng silid niya. Iba’t-ibang fashion magazine at mga brochures ang naroon. Nang mapansin ni Lola na nakatingin ako ay saka siya muling nagsalita.   “Ang mga brands ng damit na iyan ang gumagamit ng mga tela natin.”   Tumango ako at ngumiti. Sa isang sulok ng silid ay mayroong pendulum clock at alas onse y media pa lang ng umaga. Alam kong pendulum clock iyon dahil sinabi ni Mama noong minsang nakakita ako ng ganoon sa isang opisinang pinag-applyan niya. Mas mukha lang mamahalin ang nasa opisina ni Lola. Matiyaga akong naghintay nang nakaupo sa sofa ng silid habang si Lola ay may binabasang mga dokumento sa lamesa niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD