“Angel, anak, gising na.” Narinig ko ang malambing na paggising sa’kin ni Mama. Nang magmulat ako ng mata ay tila nanlalaban pa ang atok ko. Gusto ko munang pumikit at yakapin pa ang unan na katabi ko sa aking pagtulog. Sa kada pagbukas sara ng aking mata ay unti-unti kong naalala kung nasaan kami dahil sa pagkakakita ng itsura ng silid. Nasa opisina pa rin kami ni Lola Angelica. Sa opisina kung saan kami kumain ng pananghalian. “Angel, gising ka na. Aalis na tayo sabi ng Lola mo,” bulong muli ni Mama. Dumiretso ako ng bangon at pinilit nang idilat ang mga mata. Nang sa wakas ay nagtagumpay na ‘ko ay hinawi ni Mama ang mga buhok kong nakatakip sa 'king mukha. “Gising na po ako, Mama. Saan po ang CR?” tanong ko habang tumatayo at nagsisimulang mag-inat. Pakiramdam ko ay sa