PAGLAPIT ng isang babaeng nakapulang-pulang damit na kasingtingkad din ng lipstick niyang gamit ay natahimik sa pag-uusap sina Lola at Mama. Hindi ko pa nakita ang babaeng iyon noon. Kung titingnan, mas mukha lang bata ng dalawang paligo ang babae sa Lola ko. "Tama nga ang sinabi ni Verna, you're back in Angelica's life, Lina. O, why do you look like you've seen a ghost, my niece? Kung hindi ako nagkakamali, I'm still alive and kicking!" Malakas ang boses ng babae at nakataas ang isa nitong kilay. Parang isang eksena na naman sa drama sa telebisyon ang nasasaksihan ko. Ang pinag-iba lang ay mas marami na ang casts ngayon. Kung nabanggit ng babaeng iyon na si Verna ang nagsabi na nakabalik na si Mama at mayroon pang pagtawag sa kanya na niece o pamangking babae ay siguradong itong babae