MATAPOS naming kumain ay nagpaalam na kami kay Fatima. Bitbit ang pabalot naming pizza habang si Fatima rin ay dala na ang pizza na pasalubong niya sa pamangkin niya ay nagpaalaman na kami sa may harapan ng Pizza Place. "Thank you po sa pa-merienda," nakangiting sabi ni Fatima habang iniangat pa ang malaking pizza box na hawak. "Walang anuman. Salamat din sa pagtulong. Baka magkita pa tayo pagkatapos ng exam ng mga bata," sabi naman ni Lola. May ilang napagusapan pa sila Lola, Mama at Fatima habang ako ay nagpaalam na at sumakay na ng sasakyan. Habang nasa loob ay sumandal ako sa bintana. Hindi napigilan ang paghihikab. Nang sumakay na sina Mama at Lola ay napansin kaagad nilang mapungay na naman ang mga mata kong nakatanaw sa labas ng bintana. "Naku, inaantok na naman si Angel nam