TOTOO ngang malapit lang ang pizza place na sinasabi ni Ms. Fatima dahil ilang minuto lang ay nakaparada na kami sa tapat ng lugar. Mukha itong lumang bahay na ginawang kainan. Kung hindi ako nagkakamali, ang plant box nila na nakahilera sa magkabilang pintuan ng kainan ay ang halamang tinatawag na santan. Kulay orange ang sa kaliwang side at dilaw naman sa kanan. Mayabong ang mga dahon nito at hitik din sa dami ng bulaklak. May puno rin ng gumamela sa magkabilang dulo naman ng parking lot. May ilang sasakyang nakaparada sa parking spaces doon ngunit mukhang hindi naman puno ang restaurant. Pagkababa namin ng sasakyan ay naroon na din si Ms. Fatima at kausap na ang isang babaeng staff. “Good afternoon po. Pasok na po kayo, ma’am, sa table 8 po.” Sabi ng babae habang itinuturo niya ang lam