NANG makaalis na kami ni Mama ay may isang bagay na naman akong unang beses na naranasan, ang pagsakay sa magarang kotse. Puti ang kulay ng cadillac na sinakyan namin at sa passenger seat sa likuran kami naupo. Sinuotan muna ako ng seatbelt bago nagbigay ng instruction si Mama sa driver na pinsan ng driver ni Lola. “Mang Pilo, sa SM Aura na lang po tayo,” nakangiting sabi ni Mama. “Sige po, Senyorita.” Isa pang bagay na kailangan kong kasanayan ay ang pagkakarinig ng salitang Senyorita tuwing tatawagin kami o kakausapin kaming dalawa ni Mama. Naalala kong may isang palabas akong napanood noon sa tindahan malapit sa amin na ganoon ang tawagan kapag ubod ng yaman ang karakter sa istorya. Kahit sa panaginip ay hindi ko naisip noon na mararanasan ko ang ganoong pangyaya