PAGLABAS ko ng kwarto ay saktong palabas din si Lola ng silid niya. Nagsasara na ito ng pintuan nang makita ako. “Good morning po, Lola!” lumapit ako sa kanya at yumakap. Ngumiti naman siya kaagad at ginulo ang kasusuklay ko lang at basang buhok. Nakasuot siya ng pang-alis at may nakasukbit na bag sa may balikat. Kahit lagi namang maganda ang suto na damit ni Lola, alam kong aalis siya dahil may dalang bag at nakasapatos. Mayroon ding kaunting make-up ang mukha niya. “Wala bang hair dryer na nilagay sa kwarto ninyo? Baka masipon ka basang-basa pa ang buhok mo.” Dahil hanggang siko at makapal ang aking buhok, mahirap itong patuyuin kaagad. Kinapa niya ang likod ko at napakunot ang noo nang mapansing basa ito. Napangiti ako at tumango. “Nakita ko po kanina kaso nagm