MALAKAS at malalim nag pagbuntonghininga ni Mama. Dama ko ang frustration niya dahil kung ang pagkikitang iyon ng mga kababata niya ay maguungkat na naman na sumama at pumatol si Mama sa may asawa, siguradong sasama na naman ang loob niya. May mga bagay na hindi matatakasan at katotohanang hindi maitatago ngunit kapag ganitong paulit-ulit na at nagmistula nang sinasadya, hindi na maganda at lalong nakakabigat sa pakiramdam. "Angel? Lina?" Nang pangalawang beses nang nagtawag si Lola ay magkahawak kamay kaming lumabas ni Mama mula sa pinagtataguan namin. "Lola, nandito po kami. May tiningnan lang po sa may gilid," nakangiti kong sabi. Napalingon ang babaeng bagong pasok na may kaakbay na lalaki. Noong una ay hindi niya kami napansin ngunit kita ko ang pagsalubong ng kilay niya at muling