NAKATULOG ako kaagad marahil ay dala ng matinding pagod sa pamimili namin sa shopping mall. Paggising ko kinaumagahan ay wala si Mama sa tabi ko. Tiningnan ko ang orasan sa silid. Nakasabit ang mukhang antigong orasang ito sa may pader sa itaas ng pintuan at nakita kong alas-otso pa lang ng umaga. Bumangon ako at nag-inat. Pinigilan ang hikab at antok na nararamdaman dahil excited ako sa mga pupuntahan naming eskwelahan ngayong araw. Sabi ni Lola ay marami kaming lakad sa araw na ito kaya naman ipinangako kong gigising ako ng maaga. Bumaba ako ng kama at nagtungo kaagad ng banyo upang magsepilyo at mag-shower. Hindi ko na hinanap si Mama dahil mukhang nakaligo na rin siya at nakapagbihis. Basa ang shower tiles kaya’t alam kong pagkagising niya ay agad din siyang naligo at naghanda. Sabagay