When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Chapter 46 Breana's Point of View "May iba na ba?" tanong ni Carlo sa akin nang makaalis na sina Anne at Arwin. Namumula ang kaniyang mga mata at alam kong pinipigilan lang niyang tuluyang umagos ang luha sa kaniyang pisngi. Tanong iyon na mahirap sagutin para sa akin dahil kahit alam kong meron nang bagong nagmamay-ari sa puso ko, mahirap pa rin sa aking saktan ang lalaking unang minahal ko. Hindi pa rin fair para sa lalalaking minahal ko nang minsan. Tanong din na hindi ko kayang sagutin dahil walang "kami" ng "iba" na tinutukoy niya. "Wala. Walang iba," sagot ko ngunit kasabay iyon ng sakit ng pagsisinungaling na bumaon sa aking puso. “Pwede bang ako rin ang magtanong? Bakit kay Anne? Pwede namang sa iba ka na lang magsabi? Wala ka bang ibang kaibigang lalaki na pwede mong pagsa