CHAPTER 45 ARWIN’S POINT OF VIEW Nang makalapit siya sa akin ay sandali kaming nagkatitigan. Putcha! Nangyayari na nga. Mabalbon ako kaya ramdam kong parang lahat ng balahibo ko ay nagtayuan. Iba pala talaga ang dating kapag kaharap mo sa unang pagkakataon ang taong lihim mo ring mahal. Yung hindi mo pa tuluyang naibubuhos sa kaniya at di mo pa nasasabi ang tunay na nilalaman ng puso mo. At sa tulad kong itinatago pa kung gaano ko siya kamahal, sumasabog iyon nang umupo na siya sa tapat ko at nagkaroon ng kakaibang koneksiyon ang aming mga paningin. Namumula siya. Alam kong nararamdaman din niya ang nararamdaman ko. Pareho kaming sumasabog sa emosyon. "Kanina ka pa?..." nagkamot siya. "I mean, lagi ka ba... Oh my God! Umorder ka na?" halatang ninenerbiyos siya. Kung siya ay nauutal ak